Chapter 1: The Beginning

2.4K 257 138
                                    

Chapter 1: The Beginning

Habang nagbabasa ako tungkol sa immortals, biglang pumasok ang aking ama na duguan ang damit pati na rin sa mga kamay nito. Inilapag ko ang librong binabasa ko at lumapit sa kinaroroonan ni papa at nagmano na nakasanayan ko na mula nang bata pa ako.

Hindi na ako nagulat pa sa aking nakita. Nasanay na kasi akong nadadatnan si papa na duguan ang katawan dahil na rin sa kaniyang gawain at trabaho. Noon man ay nalilito ako kung bakit ganito ang trabaho na pinasok ng aking ama, pero ngayon ay unti-unti ko nang naintindihan.

Napansin kong bumuntong hininga ang aking ama kaya agad kong naintindihan na galing nga si papa sa kinagawian niya, na para bang wala lang sa kaniya ang ginagawa niya.

"Sino sila?" tanong ko nang makaupo kaming dalawa sa sofa.

"Monsters... vampires," nakapikit niyang sagot habang pinapahinga ang sarili sa sofa. Tumango na lamang ako at hinayaan siyang makapaghinga.

My father is one of the Hunters. Sila 'yong mga taong humuhuli ng Supernaturals. Ang pinakamalala ay pinapatay nila ang mga ito. Patay kung patay... walang awa. Minsan kapag may napatay sila ay iniimbistigahan nila ito at kapag may nakuha naman silang impormasyon, maghahanap sila ng iba pang uri ng Supernaturals na kanilang pag eeksperimentuhan.

Ayos lang din naman sa'kin ang ginagawa ng papa ko. Pati nga rin si mama ay okay na okay sa ginagawa niya. Dahil na rin, kasali rin si mama sa grupong ito.

Supernaturals. Kapag makarinig ako ng salitang ito, isang bagay lang talaga ang pumapasok sa utak ko, at ito ay ang pagkamuhi. Hindi ko talaga sila gusto at baka nga lahat ng normal na tao na tulad ko. Maliban lang siguro sa best friend ko.

Ang hirap nga paniwalaan na umiiral pala ang tulad nila sa mundo namin. Pero kawawa sila... mali, hindi sila kawawa karapat-dapat lang sa kanila ang ideyang ito. Hindi sila nagtatagal dito sa mundo at bagay lang iyon sa kanila.

Tumayo ako at dumiretso sa kuwarto ko. Hinalungkat ko ang mga libro na nakalagay sa sarili kong book shelf. Nang mahanap ko na ang librong kailangan ko ay kinuha ko ito at umupo sa isang upuan, sa harap ng malaking salamin dito sa aking kuwarto.

The book is all about Supernaturals.

Nakita ko ito sa kwarto nila papa at mama noong nakaraang araw kaya kinuha ko muna ng palihim. Palagi kasi nila akong pinaalala na huwag na huwag akong mangingialam ng kahit na anong gamit sa kuwarto nila. Hindi ko naman inaasahan na mapunta ako sa kuwarto at biglang makita ang librong hawak-hawak ko ngayon.

Napatitig ako sa libro at napangiwi nang mabasa ang pamagat ng libro. Napaka-kapal ng libro at gawa talaga siya sa isang puno na inukit para gawin pabalat ng libro. Pati ang pagsulat ng pamagat ay halatang sulat gamit ang kamay lamang. Dahan-dahan ko itong binuklat. At sa tingin ko, lahat ng tungkol sa Supernaturals ay nandito sa librong 'to.

Nandito 'yong ibig sabihin ng Supernatural at iba't ibang uri nito. Mga kapangyarihan nila at lahat lahat ng tungkol samga nilalang na ito.

Ayon sa libro nahahati sa apat na grupo ang Supernaturals.

Mga Uri ng Supernaturals:

1. Gods/Godesses

2. Monsters

3. Elementals

4. Magicians

Iyan ang mga types o sa tinatawag nilang iba't ibang nilalang ng Supernaturals na nandito sa libro. May mga ibig sabihin pa sila sa isa't isa at mga kapangyarihan na magagawa nila. Sa bawat nilalang din ay may iba't iba pang nilalang sa bawat grupo na itinakda. Pero, hindi ko na iyon binasa. Masyadong mataas at 'di rin naman nakakatulong ang pagbasa ko nito para sa akin. Para saan ko naman ito magagamit kung magbasa ako. Nakakasayang lang ng oras.

Nilaktawan ko lahat dahil mga tatlong pahina yata bawat uri ng Supernaturals na magagawa nila pero napahinto ako sa paglipat ng pahina na malapit na sa hulihan nang mabasa ko ang Breariths Academy. Napakunot noo ako sa nabasa. Hmm.. weird school name. Parang ngayon ko lang 'to nabasa o 'di kaya narinig ko na siya kung saan pero nakalimutan ko nga lang kailan at saan.

Binasa ko kaunti kung saan tungkol iyon at nalaman ko nalang na iyon pala ang kaisa-isang paaralan ng mga Supernaturals dito sa bansa.

Ayon sa libro, ang paaralang ito ay para sa mga Supernaturals. Para mapahusay nila ang mga abilidad at kapangyarihan ng bawat isa. Para rin daw ma protektahan sila at mas makilala nila kung saan talaga sila nararapat. Nawiwili na sana akong magbasa kaso napatigil ako nang tawagin ako ni mama galing sa labas ng kwarto.

Dali-dali kong sinarado ang libro at itinago iyon sa loob cabinet. Sakto namang pagkasarado ko sa cabinet ay bumukas ang pinto.

"Kanina pa kita tinatawag Aris. Busy ka ba?" Tumalikod ako at hinarap si mama. Ngumiti ako ng pilit, na para bang walang ginawa na hindi ayon kay mama.

"Kakatapos ko lang maglinis," pagsisinungaling kong ani.

Tiningnan naman ni mama ang kabuoan ng kwarto ko at tumango lang siya. Tumalikod siya nang walang sali-salita at nalaman ko agad kung ano ang kailangan niya sa akin. Sumunod ako kay mama kung saan man siya pupunta.

~*~

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay namin, sa loob ng isang bodega. Isang pribadong lugar nila papa kapag may paguusapan ang mga hunters. Ewan ko nga ni papa at mama, dapat daw kasali rin akong makinig kapag magkaroon man sila ng pagpupulong kaya heto ako ngayon kasama sila. Wala na rin akong magagawa pa dahil bawal kong suwayin ang mga utos at sabi ng aking mga magulang.

Pumasok ako sa loob at nasa dalawampu at higit pa ang mga hunters na nandito ngayon. Isa rin kasi si papa sa mataas taas ang posisyon sa hunters. Umupo ako sa lugar ko talaga sa gilid lang at nagsimulang makinig.

Ano pa nga ba? 'Yung Supernaturals na naman. Pero sa oras na ito, 'yung paaralan ang pinag uusapan nila. Nakuha ang atensiyon ko sa pinag-usapan nila ngayon kaya umupo ako ng maayos at nakinig sa kanila.

Tango lamang ako ng tango sa bawat salita na binabanggit nila papa. Hindi ko naman naintindihan ang mga sinasabi nila. Ano nga ba naman ang pakialam ko diyan. Humiga nalang ulit ako dahil bumibigat ang talukap ng aking mata. Bago ko pa malaman ang kanilang plano para sa akademya, unti-unti na akong napapikit.

Before anything else, I am Arissa Zalfierre at ito ang kuwento ng buhay kong kahit kailan ay hindi ko pinangarap.

Itutuloy...

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon