Chapter 17: Training
Sobrang dami ko ng nalaman sa loob lang ng ilang araw na stay ko dito. Hindi pa rin ako makaisip ng maayos. May ganitong propesiya pala sa mundo ng supernaturals. Hindi ako makapaniwalang mayroong ganitong pamamalakad sa mundong ginagalawan nila.
Bumalik ako sa wisyo nang magsalita si sir Drich. Ilang segundo ay tumayo ulit siya at tinawag si Caedmon. Silang dalawa ang sunod na maglalaban.
Bago sila pumasok sa glass area ay pumunta muna si sir Drich sa may isang teknolohiya na may mga numero at pumindot dito. Nakita kong nag set siya ng timer na 10 minutes saka nag fade ulit ang glass at pumasok na silang dalawa.
"This training is to defend and attack for 10 minutes. Dapat gumawa ka ng paraan para ma counter attack at ma save ang sarili mo sa mga posibleng atake ni sir Drich. Maaari kang umatake pabalik pero asahan mong lalaruan ka lang ni sir Drich dahil sa special ability na meron siya. Kaya ang training na 'to ay para enhancement ng strategy para mag-isip sa isang labanan na alam mong imposibleng mangyari. Ang goal mo lang ay dapat huwag magpatalo kay sir Drich for 10 minutes at kapag magawa mong i-defend ang sarili nang hindi nasasaktan sa mga spells at atake niya, saka ka maging successful sa training na'to. Iyon ang aim ni sir Drich everytime may duel na mangyayari na siya ang kalaban."
Napatango lang ako sa sinabi ni Dystine. Sumunod naman si Xavier na nagsabing ang special ability ni sir Drich ay telepathy. May kakayahan siyang basahin kung ano ang nasa isip ng isang tao at makipag-usap sa pamamagitan ng mga ito. Kaya rin niyang malaman ang maaaring maging atake ng maaaring jalaban niya kaya dapat mag-isip ng paraang hindi niya ito mababasa.
Napanganga naman ako sa sinabi nila. Sir Drich's ability is really a good thing for training at sa mga labanan. Kaya pala kanina nang maglaban sila Xavier ay parang wala lang sa kaniya ang mga atake ni Xavier. Acting lang pala niya ang pagulat-gulat expression.
Pagkapasok nilang dalawa ni Caedmon ay agad na nag close ang area at nag buzzer hudyat na nagsimula na ang labanan. Agad namang nilabas ni sir Drich ang wand niya at napansin kong may binabanggit siyang spell. Hindi maririnig ang mga sinasabi nila dahil sound proof ang glass area.
"Caedmon's a werewolf, right?" biglaang tanong ko sa kanilang tatlo ni Shaye, Dystine at Xavier na ngayon ay nakatuon din ang atensyon sa kanila sir Drich.
Tumawa lang silang tatlo at sinabi na manood lang ako. Tumahimik naman ako at nag pokus sa duel nina Caedmon at sir Drich.
Bago pa man matamaan si Caedmon sa spell ni sir Drich ay biglaan siyang nawala sa paningin ko. Maya-maya ay nakita kong napatalon si sir Drich at napatingin sa paa nito dahilan upang ma divert din ang paningin ko rin doon. Nakita ko ang nakakadiring hayop sa paanan ni sir Drich ay ito pala ay ahas.
Bago pa man atakihin si sir Drich nito ay nagulat ako nang nasa kabilang side na siya ng room kung saan naroon si Caedmon kanina. Nakita ko pang iginalaw niya ang kamay niya upang tamaan ang ahas ngunit biglaan na naman itong naglaho at naging scorpion.
Wait.. So don't tell me--
"He's a shapeshifter?" tanong ko dahil sa naalala ko, walang ibang supernatural ang tawag kung ang isang nilalang ay may kakayahang mag transform sa kahit na anong hayop.
"Tama!" Sabay nilang sabi na nakangiti.
"Pero wolf ang pinaka-strength na gamit niya," wika naman ni Xavier.
Bumalik ang atensyon ko sa kanilang labanan at natapos ang sampung minutos nang magtagumpay si Caedmon. Nilaro-laruan niya lang din si sir Drich at naaliw naman siyang nag transform ng iba't ibang hayop. Sa huli nga ay wolf sana ang huling atake niya ngunit biglang nag buzzer at nag fade lahat ng magics na naroon sa glass area at doon lang natapos ang duel nila.
BINABASA MO ANG
The Supernatural's Curse
FantasyShe's just an ordinary girl who's living peacefully with her parents. But not until she was sent in an academy. An extraordinary academy for Supernaturals. Her parents sent her in the Breariths Academy to avenge her brother's certain death. Her brot...