Shai's Note: Gusto ko lang magpasalamat sa fanmade covers na ginawa ni kristalights na nasa multimedia. Di ko akalaing may gagawa ng fanmade sa storya kong 'to. Thank you so much. ♡
~*~
Chapter 13: New Member
Pagkatapos kong marinig ang mga katagang iyon ay naisipan kong kumatok ng mahinahon lang. Nakarinig ako ng senyas na pwede na akong makapasok kaya dahan-dahan kong binuksan ang magarang pintong nasa harapan ko.
Agad na bumungad sa akin ang napakalaking silid. Sa gitna ay may parihabang mesa habang sa bawat kiliran nito ay may upuan. Sa pinakagitna nakaupo si Madame Celestia at sa katapat niya si Sir Alastier. Sila lang dalawa ang nakita ko na nandito ngayon sa Heads office.
Pumasok naman sa utak ko na silang dalawa ang nag-uusap kani-kanina lang. Bigla akong napalingon sa likuran kung saan ako pumasok nang sumarado ang pinto. Pagbaling ko ulit ng paningin sa harapan ay napansin kong tinapon sa akin ang malamig na tingin ni Madame Celestia. Nagitla ako bigla at nakaramdam ng kaunting kaba nang magtagpo ang paningin naming dalawa.
T-that eyes.
"Nandito ka na pala, iha. Take a seat."
Nanumbalik ako sa diwa nang narinig kong nagsalita si Sir Alastier. Umayos ako ng tayo at bumati sa kanila ng magandang umaga. Dahan-dahan kong iniyuko ang ulo upang maipakita ko ang aking respeto sa mga nakakataas dito.
Bumuntong hininga ako pagkatapos saka unti-unting lumapit kung saan naroon sila. Nakayuko lamang ang mukha ko at hindi na pumasok sa utak ko na tumingin sa kanila lalo na kay Madame Celestia dahil siguro sa kaba na aking naramdaman.
Narinig kong may tumikhim sa kanila kaya wala na akong magawa pa. Inangat ko ang aking mukha at nabaling ang paningin kay Madame Celestia na ngayon ay nagsenyas gamit ang mga kamay niya na pwede na akong maupo. Ngumiti lang ako ng kaunti at umupo sa upuang pumagitna sa kanila ni Sir Alastier.
Napansin kong nagtitigan sila at kung hindi ako magkamali ay parang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata o di kaya'y utak.
Hindi ko na maintindihan pero grabeng kaba at takot ang bumalot sa aking katawan. Ewan ko ba, dahil siguro first time ko ang mapatawag dito sa heads office lalo na at kaharap ko ang dalawang namumuno sa paaralang ito.
Inilagay ko na lamang ang aking dalawang kamay sa aking kandungan saka inilibot ang paningin sa buong silid.
"Miss Arissa, kamusta na ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo?"
Nabalik ang tingin ko kay Sir Alastier nang bigla niya 'kong tanungin. Ngumiti lang ako saka ko siya sinagot.
"Ayos lang naman po ang pakiramdam ko. Kaya lang wala akong masyadong maalala pagkatapos ang mangyari sa akin."
"We heard that you're unconcious for 6 days, right? Kaya igagalak naming malaman na nagising ka na pagkatapos kang mawalan ng malay sa ritual na isinagawa." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Sir Alastier.
Tumingin ako kay Madame Celestia nang tumikhim ito. Nakapandekwatro siya ng upo habang hawak-hawak ang isang wine glass na mauroong laman na kulay pula. Sobrang pula na para bang dugo.
Lumaki ang mata ko nang maalala ang naiisip. Tama kaya ako?
Napansin kong ngumisi lang siya saka nagsimulang magsalita habang nakatingin lang sa baso niyang nilaro-laro niya.
"Speaking of, sobra kaming nagulat sa nangyari sa araw na iyon. Iyon siguro ang kauna-unahang ritual sa loob ng maraming taong paggawa namin na may mangyaring hindi kaaya-aya sa isang transferee. And what worst is, hindi nabasa ang kapangyarihang meron ka. Sigurado ka bang..." bago pa niya ituloy ang sasabihin niya ay tumingin siya sa akin na siyang maging dahilan sa pagkagitla ko. "saktong paaralan ang pinuntahan mo? Are you sure that you're belong to this school?"
"Celestia," ma-awtoridad na wika ni Sir Alastier.
Napalunok lang ako sa tensyon na pumaroon sa silid na ito. Pati ako ay napayuko at nanginginig na rin ang mga paa't kamay ko. Pakiramdam ko nga ay maiiyak na ako.
"Oh, sorry. You know, I'm just kidding. Hindi naman kayo mabiro." Saka siya humalakhak pero ilang segundo ay sumeryoso rin agad.
Napansin kong tumikhim lang si Sir Alastier at dahan-dahang ngumiti sa akin. Nagbalik naman ang lakas ng aking loob sa ngiting pinakita niya.
"Ms. Arissa, dahil hindi namin nalaman ang abilidad na meron ka at nakita ko namang sa araw na iyon ay grabeng liwanag ang ginawa mo, sa totoo nga'y iyon ang nakita naming grabeng epekto ang nabuo sa lahat ng gumawa ng ritual kaya napag-isipan naming baka nakatago pa ang kapangyarihang meron ka. We understand what happened kaya wala kang dapat aalahanin."
Napangiti lang ako sa narinig at tumango na rin. Kahit alam kong imposible ang isinabi niya ay magaan ang loob kong naintindihan nila ang nangyari.
"Head Master is right. At alam mo namang inihahati kayo bawat grupo, right? Kung saan ang kapangyarihang meron ka at kung saan ka dapat mabilang ay doon ka sa kanila at ilang taon mo silang makakasama. And because of you have this so called unidentified ability, napag-isipan naming igrupo ka sa The Electi."
"Igagalak naming napagdesyinon together with the school faculties and masters, na sa loob ng dalawang taon ay dumating din ang pagkakataong madagdagan ang grupong ito. Isang grupo na siyang biniyayaan ng ibang klaseng abilidad at malakas na kapangyarihan."
Nawala ang aking kaba sa narinig. Para bang nabuhayan ang aking loob sa kanilang sinasabi sa akin. Tumango ako at agad na tumayo at yumuko.
"Maraming salamat po. Maraming salamat po talaga."
Papaano kahit alam kong hindi ako mapabilang sa nilalang nila, unti-unti ng napalapit ang loob ko. Na para bang matagal na akong katulad nila.
Nakita kong ngumiti si Sir Alastier lalo na si Madame Celestie na siyang ikinagulat ko.
"We're glad to welcome you here to Breariths Academy, the new member of The Electi."
Nakipagkamayan sa akin si Sir Alastier. Sa oras na pagtama ng aming mga mata sa malapitan, agad na naglaho ang mga ngiti niya sa labi at nahinto ang pakipagkamayan naming dalawa. Hindi ko alam pero para bang ilang segundo ay huminto ang oras. Katulad nang unang kita ko sa kaniya, pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. Napansin kong napa-iling siya at unti-unting binitawan ang aking kamay.
Bumalik din ako sa sistema nang maalalang natulala rin pala ako.
"Pasensiya ka na. May bigla lang na bumagabag sa utak ko," paumanhing wika ni Headmaster. Bumalik din siya ng pagkaupo at uminom ng tubig.
Ngumiti lang ako at bumalik din sa pagkaupo.
Napansin ko rin pala kanina na umalis din si Madame Celestia at pumunta sa parang may daanan sa gilid. Nakita ko na para itong living room na nandito sa Heads Office. Ilang minuto ay lumabas siya habang may hawak-hawak na isang pin.
"Before that, isuot mo ito. Ito ang simbolo na isa ka ng miyembro ng The Electi. Iyan ang kanilang pin at kaunti lang kayo ang meron nito kaya pahalagahan mo."
Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang kumuha ng aking kamay saka ito inilagay sa aking palad. Parang ibang Madame Celestia ang nakikita ko ngayon kaysa kanina. Gumaan ang loob ko nang yakapin niya 'ko at tapikin ang aking likuran.
"You can now proceed to their room. Naghihintay sa labas si Sir Hararu, ang siyang namumuno sa The Electi. Dala-dala rin niya ang uniform mo at pagkatapos mong makapagbihis, ilagay mo ang pin na iyan katabi ng pangalan mo."
Tumango lang ako saka ulit ako bahagyang yumuko.
"Maraming salamat po ulit head master Alastier at senior mistress Celestia. Gagawin ko po ang makakaya ko para maipakitang karapat-dapat po ako sa grupong ito." Ngumiti ako at nakita kong sabay lang silang tumango.
Tumalikod agad ako para lumabas na sa silid na ito.
Napatingin ako sa pin na dala-dala kong may naka-ukit na The Electi saka ako napangiti.
Kahit papa'no, masaya akong maging isang bagong miyembro ng The Electi.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
The Supernatural's Curse
FantasyShe's just an ordinary girl who's living peacefully with her parents. But not until she was sent in an academy. An extraordinary academy for Supernaturals. Her parents sent her in the Breariths Academy to avenge her brother's certain death. Her brot...