Chapter 4: Escape

1.1K 212 62
                                    

Chapter 4: Escape

Pero kung mga bampira ang nakatira dito paano naman ang wand? Kanino ito at bakit may wand sa ganitong lugar?

Napahawak ako sa noo ko. Ang dami ko ng tanong dahil sa sitwasyon ko ngayon pero lahat ng iyon walang sagot. 'Di bale, hindi ko na kailangan ng sagot wala rin naman akong mapapala sa mga ito. Pero may parte pa rin sa akin na kailangan kong masagot lahat ng tanong ko.

Nalilito na ako. Mabuti ng lumabas muna ako sa pinagtataguan ko at tatakas na sa katakot-takot na lugar na ito lalo na't ang pagmamay-ari ng lugar na ito ay mga demonyo.

Sumilip muna ako kung wala na bang tao at wala na naman. Lumabas na ako galing sa pinagtataguan ko. Naglalakad na ako pabalik sa kwarto bago pa may makakita sa akin dito.

Lumingon muna ako sa likuran ko, sinisigurong walang taong nakamasid sa akin. Ngunit sa pagbaling ng ulo ko pabalik ay may nabunggo ako. Nabunggo ang ulo ko sa matikas na dibdib ng isang lalaki. Napangiwi ako, para na naman akong mahilo dahil sa sakit. Napahawak na rin ako sa ulo ko na siyang nabunggo. Parang kani-kanina lang na parang metal ang katawan sa sobrang--

"'Di ba sabi ko sa'yo huwag kang lumabas sa kwarto," ma-awtoridad na pag kasabi ng lalaki na siyang tinatawag na master kanina. Nanuyo ang lalamunan ko at kinabahan bigla. Nanaas din ang balahibo ko dahil sa boses niya. Ngayon ko lang--

"Did you just-- hmmm" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tinakpan niya bigla ang bibig ko at pinasok sa kwarto. Sobrang lamig ng kamay niya at parang hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko pati ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

Pagkasarado ng pinto ay agad niya kong isinandal doon at kinulong ako sa mga bisig niya. Gulat pa rin ako dahil sa nangyari na may halong takot. Baka patayin niya ako ng wala sa oras. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, kulang nalang ay kumawala ang puso ko dahil sa bilis nitong tumibok.

Tinignan ko siya sa mata niyang nanlilisik at nagtitigan kami. Para niya akong hinihigop gamit ang mga tingin niya. 'Yong mga mata niyang sa oras na titigan ay para akong matutunaw at bakit ang gwapo niya? Nanlaki bigla ang mga mata ko nang biglaang pumula ang mata niya pero bigla lang ding bumalik sa normal na kulay berde.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Teka... hahalikan niya ba ako? Nanlaki ulit ang mata ko dahil sa naiisip at inilag ang ulo para maiwasang dumampi ang labi niya sa labi ko, pero sa tenga ko pala siya patungo at may ibinulong.

"Trenta minutos. Bigyan kita ng trenta minutos. Lumabas ka sa bintanang iyan. Ikaw na ang gumawa ng paraan kung paano ka makakatakas. Kapag makalabas ka na sa mansiyon, diretsuhin mo lang ang daan at may makikita kang palabas sa lugar na'to. Huwag kang magpapakita sa kahit na sinong kawal na naglilibot dito kun'di ikaw ang magawang hapunan ng tauhan ng mga Vladmir. Naintindihan mo?"

Matagal pa bago ma proseso sa utak ko ang sinabi niya pero bigla lang din akong napatango. Kinuha na niya ang dalawa niyang kamay at binuksan ang pinto. Bago pa siya makakalabas ng kwarto ay may huli siyang sinabi na lalong nakadagdag problema sa akin.

"Ingat, Arissa."

Binanggit ba niya ang pangalan ko? Tinawag ba niya ako sa pangalan ko? Pero paano? Sino ba siya? Baka sasabog na talaga ang utak ko nito hindi lang baka kundi sasabog na talaga.

Naalala ko naman bigla iyong sinabi niya kanina. 30 minutos. Walang orasan dito kaya 'di ko alam kung anong oras na. Ah, nasaan nga pala cellphone ko? Kapa ako nang kapa sa bulsa ko ngunit wala akong cellphone na nahagilap. Naglibot din ako sa buong kwarto pero wala talaga.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon