Chapter 10: Welcoming

677 132 4
                                    

Chapter 10: Welcoming

Tahimik kong tinatahak ang bawat pasilyong madadaanan namin. Nakasunod ako sa kanila Dystine at Azalea na ngayon ay maingay na nag-uusap. Binabati sila ng mga ibang studyante na para bang kailangan silang respetuhin dahil isa sila sa grupong biniyayaan ng malakas na kapangyarihan. Kaya, hindi na bago para sa akin ang pagbati ng ibang studyante sa kanila.

Batay sa naalala kong nabanggit nila Dystine, nasa girls dormitory kami ngayon. Magkaiba ang dormitory ng girls at boys kaya maayos lang saka walang problema sa akin ang ideyang iyon. Mas mabuti nga iyon. Hindi kasi ako sanay makihalubilo sa iba lalo na ang mga lalaki.

Sa bawat madadaanan din naming mga studyante, sinasabihan nila ito na pupunta na sa main building, sa lugar kung saan nandoon isasaulog ang welcoming para sa anunsiyong magaganap maya't maya pa na siyang kinahihintay ng lahat sa araw na ito. Nagsitilian naman ang iba at mayroong wala lang sa kanila na para bang walang mga pake sa magaganap na paghahati ng transferees sa akademyang ito at. . . kasali na ako doon.

Hindi pa rin ako mapakali kung ano ba ang mangyayari sa anunsiyong magaganap mamaya. Nabanggit nilang may Ritual na magaganap na siyang nakasanayang gawin ng akademya sa tuwing unang araw ng pasukan. Hindi naman nila nasabi kung anong ritual iyon basta'y pakiramdam ko, may masamang mangyari.

Umiling nalang ako sa mga ideyang bumagabag sa utak ko. Simula palang ng araw ko, alam kong malalagpasan ko ito.

Nabaling ang tingin ni Dystine sa akin saka ako nginitian kaya ngumiti na rin ako sa kaniya.

Kakalabas palang namin sa Girls Dormitory. Malaki-laki pala talaga ang akademyang ito. Paglabas ko ng dormitory, nakita ko agad ang lawak ng ground ng paaralan. Aninag ko mula dito sa nilalakaran namin ang isang gusali na kamukha lang din ng girls dormitory. Hindi nga ako nagkakamali, iyon ay ang boys dormitory. Nagsilabasan din kasi ang mga ibang mga lalaking studyante mula doon.

Pumasok na kami sa main building. Naalala ko na dito sa gusaling 'to ako pumasok kanina noong pagtapak ko sa akademyang ito. Sa tingin ko ay nasa likod kami ng building na ito nanggaling. Akala ko nga kanina na ito lang na gusali ng paaralan ang mayroon dito kasi hindi agad mapapansing malaki ang espasyo sa likod ng paaralan na'to dahil na rin sa nakaharang ang napakalaki, matayog at magarang harapan ng main building na ito. Dito nagaganap ang klase ng bawat nilalang, mga lugar kung saan sila nararapat. Unang tingin ko palang sa gusaling 'to, akala ko talaga ay isa siyang palasyo sa itsura at laki talaga ng building na'to.

Napadaan din ulit kami sa may fountain kung saan kami dumaan ni Sir Drich kaninang umaga. Unti-unti ko ng nasaulo ang pasikot-sikot ng lugar na ito. Kumanan kami ng daan. Napatingin ako sa likod ko saka ko naalala na doon ang silid na pinasukan namin ni Sir Drich, patungo sa kaliwang daan. Humarap ulit ako ng tingin. Ngayon ko lang napansin na huminto pala silang dalawa sa paglalakad. Tumingin ako sa harapan nila at aninag kong may malaking pinto.

Nilapitan ako ni Azalea saka hinigit ang braso ko. "Ito na," masayang bulong niya sa akin. Mapakla akong ngumiti sa kaniya bago itinuon ang tingin sa harapan.

Dahan-dahang nagbukas ang isang napakaling pinto na nasa harap namin ngayon. Pintong kulay ginto na may pagkapilak sa bawat gilid nito. Naka-ukit dito ang mala sinaunang disenyo. Mga bulaklaking nakadisenyo at iba pang disenyong makikita noon. Pansin ko rin sa gitna nito ang isang bilog na may nakalagay na mga katagang.. 'The Breariths Chamber'. Nakasulat ito ng pakurba habang ang kulay ay pilak at ginto naman ang likuran nito.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon