Chapter 8: Surprised

809 161 27
                                    

Chapter 8: Surprised

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang naramdaman kong tapos na siya sa pagsusuri ng aking katawan. Nagtama uli ang dalawa naming nga mata at sa tingin ko ay parang nagdadalawang isip pa siya kung papasukin ba niya ako o ipatalsik nalang ako sa academy na 'to.

Para bang manghina nalang ako bigla sa mga titig niya sa akin. Iyong kahit sa tingin palang niya ay para bang lamunin ako ng dilim. Ganito ang nararamdaman ko sa oras na ito. Sobra pa rin ang kaba at takot ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ko na talaga kayang maipalawanag.


"Pasok," ma-awtoridad na pagkasabi ng tagabantay sa akin.

Kunot noo ko siyang tinignan pero natinag ako bigla ng tinignan niya ako ng masama kaya wala na akong nagawa pa kun'di ang tuluyang pumasok sa loob ng paaralan kung saan ako nakatayo ngayon.

Huminto ako saka inikot ang paningin sa paligid ko. Seriously? Bakit puro kahoy pa rin ang nakikita ko? Mga kahoy sa gilid ng napakalawak na daan. Huwag nilang sabihin na maglalakad pa ako--

"Sakay ka na, binibini." Napako ang tingin ko sa kaliwa nang biglang may nagsalita ng mga katagang iyon. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa nang hindi pinapahalata. Napangiwi ako sa napansin. Parang kaedad lang siya ng taga bantay.

Nabaling ang tingin ko sa sasakyang naroon siya. Hindi lang iyong driver ang naka sakay do'n, marami sila at iba pang studyante na papasok din sa akademyang 'to. Kaya naisip ko na malayo pa pala talaga ang mismong buong paaralan o ang mga gusali ng akademyang ito.

"Sasakay ka o maglalakad?"

Napalakad ako palapit sa kanila nang magalit na naman ang driver. Ba't ba ang tataas ng dugo ng mga 'to? Sabagay mga supernaturals nga pala sila.

Nagkibit balikat ako bago tumabi sa isang lalaki habang nakasimangot. Naghintay pa kami na umabot kami sa sampo bago pinaandar ang sinasakyan namin.

Sobrang layo pa ba ang destinasyon namin? Kasi ilang minuto na ang lumilipas wala pa rin akong natanaw na paaralan. Tsk!

Kunot noo akong lumilingon sa paligid ko. Puro kahoy pa rin ang nakikita ko kaya nakakakilabot talaga. Napayakap ako sa aking sarili nang dumaan na naman ang malakas na hangin.

"Ang lamig," mahinang ani ko sa sarili.

"Ayos ka lang?"

Napalingon ako sa katabi kong lalaki nang biglaan siyang magsalita. Sobrang lalim ng boses niya. Pero, ako ba ang kinakausap niya? Kaso hindi naman siya nakatingin sa akin. Hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya. Pero teka- parang pamilyar ang pigura ng katawan niya. Hindi ko lang talaga maalala kung saan. Kanina ko pa iniisip ang mga walang kwenta. Hayst.

Bago ko pa makita ang mukha ng lalaki ay unti-unting huminto ang sinasakyan namin.

Napatingin ako sa harapan ko at dahan-dahang nalaglag ang mga panga ko dahil sa nakita.

Inikot ko pa ang paningin ko sa buong paligid at hangang-hanga talaga ako dahil sa nakita.

Napakalaking gusali ang bumungad sa amin. May mga iba ring gusali na pinalibutan kami dahil nasa gitna ng buong paaralan nakaparada ang sasakyan.

Napatingin ako sa mga katabi ko at ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang nakaupo sa sinasakyan namin kaya dali-dali akong bumaba sa sasakyan dala-dala ang maleta kong itim. Muntik pa nga akong matumba dahil sa pagmamadali, buti nalang at may umalalay sa bewang ko.

Umayos ako ng tayo at pinagpag ang damit ko. Nilingon ko ang taong tumulong sa akin para sana mag pasalamat ngunit nakaramdam lang ako ng hangin na parang may mabilis na tumakbo palayo. Weird. Nag kibit balikat nalang ako at itinuon ang atensiyon sa buong palagid kung saan naroon kami.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon