Chapter 5: Mission

1.1K 206 46
                                    

Chapter 5: Mission

Ang lakas ng pagkabagsak ko sa sahig na siyang maging dahilan upang mas lalong sumakit ang paa ko kasabay ng pagkapikit ng aking mata. Masakit na nga paa ko kanina, dumoble pa ang sakit ngayon. Pikit na pikit ako dahil ang sakit din ng ulo ko.

Ang sakit talaga!

Ilang minuto ang lumipas ay nagpasya kong iminulat ang mga mata ko saka kumurap-kurap pa. Huh-- paano? Hindi ako makapaniwalang inilibot ang paningin sa paligid kung nas'an ako ngayon. Nasa aking kwarto na kasi ako. As in kwarto ko talaga sa bahay.

Dahan-dahan akong tumayo kahit masakit pa paa ko at umupo sa malambot kong kama. Hinawakan ko ang aking noo dahil nahihilo pa rin ito hanggang ngayon. Inalala ko ang mga nangyari kanina.

Mula sa mall, naglalakad ako pauwi nang biglang may nabunggo ako na sobrang tikas ng katawan dahilan upang mawalan ako ng malay. Nagising nalang ako sa lugar kung saan ibang-iba sa lahat at ngayon lang ako nakakita ng mansiyon na gan'on ang itsura at kalaki. Ang master na hindi ko man lang nalaman ang pangalan at tumulong na makatakas ako sa lugar na iyon. Ang isang tinig na hindi ko man lang din nalaman kung sino o ano iyon. Ang mga kawal na muntikan na akong mahuli. At ang portal kung saan ako pumasok at paglabas ko ay nasa kwarto na ako.

Gulong-gulo pa rin sa utak ko ang nangyari sa akin ngayong gabi. Hindi ko makuha kung ano ang mga tamang sagot sa lahat ng tanong ko. Hindi ko alam kung paano ko ito dalhin pagkatapos nangyari. Pati ang-- napatingin ako sa bulsa ng damit ko at nagulat nalang ako na wala ng laman ito. Nandito lang naman iyong wand ah?

Tatayo na sana ako para hanapin ulit pero hindi na kinaya ng katawan ko. Nanatili akong naupo sa kama. Nabaling ang tingin ko sa wall clock na nandito sa kwarto at nagulat ako kung anong oras na. Pasado ala una na pala ng madaling araw. Parang kanina lang pauwi pa ako galing sa mall.

Hindi na ako nakapagbihis pa dahil ang bigat na talaga ng karamdaman ko. Bukas nalang ng umaga ay gamutin ko ang aking mga sugat na natamo at maglagay ng pain killers. Bumibigat na rin ang talukap ng mata ko. Itulog ko nalang 'to at kalimutan nalang ang nangyari.

Pilit kong ipikit ang aking mata. Pero napasinghap lang ako. 'Di ako makatulog. Eh, sa ikaw kaya mapunta sa mundo ng mga bampira, makatulog ka pa kaya. At saka gulong-gulo talaga ako! Hindi nga ako nagkamali't masasama sila. Muntikan na nga akong makain ng mga bampira na iyon. Hindi lang makain baka mapatay nga ako doon.

~*~

Supernaturals.

Binubuo ng mga grupo na lampas kalikasan. Walang makapag paliwanag kung ano at saan nanggaling ang mga ito kasali na ang batas ng kalikasan. Pero sila ay may mga malakasang kapangyarihan kung saan wala ang isang ordinaryong tao. Mahirap man paniwalaan, sila ay umiiral sa mundong ginagalawan natin.

Hindi ko binasa lahat kung ano ang Supernaturals dahil alam ko na naman kung ano ito. Ini-scroll ko ang sinearch ko tungkol sa kanila at pumunta sa Wizards. Nag search ako tungkol dito sa internet. Gusto ko malaman ang sagot sa lahat ng tanong ko. As in, ngayon na.

May libro naman akong hawak tungkol sa kanila kaso mas madali akong makahanap kapag mag search. Natatamad kasi ako minsan magbasa.

Tatlong araw na ang makalipas nang mangyari ang trahedyang iyon ngunit ang pangyayaring iyon pa rin ang nasa isip ko hanggang ngayon. Maayos na rin ang katawan ko dahil sa loob ng tatlong araw ay nagpapahinga lang ako.

Itinuon ko ang aking atensiyon sa computer nang mapansin kong nasa Wizards na ako. Umayos ako ng upo saka ito binasa ng dahan dahan.

Wizards - Ito ay ang grupo kung saan ginagamitan ng isang kagamitan para makabuo ng isang kapangyarihan. Gaya na lamang ng wand, kung saan ang pinakakilalang ginagamit ng isang Wizard. Itong mga kapangyaharihang ito ay ginagamitan ng salita, na tawag ay spells. Pero, hindi ito gumagana sa ordinaryong tao kun'di sa isang Wizard lang.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon