Chapter 15: Shaye's Confession
Tulala lamang ako sa aking pagkain habang nilalaro ito gamit ang kutsara't tinidor. Gulong-gulo na masyado ang utak ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.
Ang daming bumabagabag sa utak ko. Tapos kanina lang ay nakilala ko na ang siyang pakay ko sa akademyang ito.
Napakunot noo ako at naikuyom ang aking kamao.
Ngayong nakilala na kita, hinding-hindi ako magdadalawang isip na gawin ang aking misyon sa maagang panahon.
Pero hindi pa rin dapat ako magpadalos-dalos sa aksiyon na gagawin ko. Lalo na't kung ang tulad niya ang haharapin ko ay malaking posibilidad na ako ang maging kawawa.
"Hey."
Napaangat ang mukha ko nang may umupo sa harapan ko. Agad naman akong nailang nang makita kung sino ito.
"Shaye," nahihiyang wika ko. Nakita ko namang napanguso siya.
"Bakit hindi ka kumakain?"
Tumingin ako sa tray bago ibinalik sa kaniya ang tingin. I just smiled and shrug.
Nakita kong napabuntong hininga siya at agad na kinuha ang pagkain ko. Nanlaki ang mata ko nung kinuha niya pati ang kutsara't tinidor saka kumain. Kukunin ko na sana ulit kaso umiling lang siya bago niya nilunok ang unang subo niya.
"Sayang naman kasi kung walang kakain eh. At-- kilala naman kita. Kapag ayaw mo, ayaw mo talaga. Kaya ako na ang uubos nito, huwag kang mag-alala." Wala na akong magawa pa dahil tama nga naman siya. Kapag ayaw ko talaga sa isang bagay, kahit anong pilit ng isang tao, ayaw ko talaga puwera nalang kung ginusto ko ang bagay na mangyari o babaguhin ko.
Napatitig nalang ako kay Shaye habang patuloy na kumakain sa pagkain ko sana. Seryoso pa rin siya at sa pagkain lang ito nakatingin. Para bang iniiwasan niyang magtama ang paningin namin kaya ang atensiyon niya ay nakatuon lamang sa pagkain.
May oras din na para na siyang mabilaukan, nabilaukan na nga, kaya naman ibinigay ko na rin sa kaniya ang tubig ko at kinuha lang ito nang walang sabi bago sinimsim.
Inintindi ko nalang ang inaasta niya. Kaya lang hindi ko pa rin maiwasang isipin kung bakit niya nagawang mag lihim sa akin. Kung bakit hindi niya sinabi na supernatural pala siya. Sa tagal ba naman ng aming pinagsamahan, hindi man lang niya iyon nabanggit sa'kin. Hindi ko rin naman siya pinaghihinalahan kaya nakakagulat nang makita siyang nandito sa akademya.
"Sorry." Ang mga katagang ito agad ang unang lumabas sa bibig ni Shaye pagkatapos niyang kumain. Napatitig ako sa kaniya at napansin ko namang taos-puso ang pagkasabi niya nito.
"Hmm?"
Napansin kong umayos siya ng upo at nag buntong hininga. Naalala ko pala na kausapin ko siya sa nga pangyayari pero may feeling ako ngayon na may sasabihin siya.
"Alam kong naiinis ka pa rin sa akin. May pangako tayo sa isa't isa na dapat walang lihim ang itatago pero nagawa ko pa rin. Sorry kung bakit nagawa kong maglihim sa'yo. Sorry kung noon ay hindi ko sinabi sa'yo kung ano at sino talaga ako. Sorry sa mga oras na kinokompronta kita tungkol sa Supernaturals. Sorry sa lahat. I'm Sorry, Arissa," matapat niyang ani habang nakatingin sa aking mata. Nakita ko ang sinseridad na nagmumula sa mata niya kaya naman na-touch ako sa sinabi niya.
Kahit may side pa rin sa akin na hindi pa masyadong gano'ng bumalik ang nararamdaman ko para sa kaniya, masaya akong mas sinabi niya sa akin ito ng maaga pa.
Pero bakit naman kasi niya inilihim?
"Natatakot kasi ako." Bumalik ako sa realidad nang magsalita muli si Shaye.
BINABASA MO ANG
The Supernatural's Curse
FantasyShe's just an ordinary girl who's living peacefully with her parents. But not until she was sent in an academy. An extraordinary academy for Supernaturals. Her parents sent her in the Breariths Academy to avenge her brother's certain death. Her brot...