Chapter 19: Strange Feeling
Lumipas ang sunod na araw matapos ang training day. Hindi na natuloy ang training kahapon dahil sa mga sugat na natamo ni sir Drich mula sa laban nina Zachaeus.
Hindi na rin kami naglaban ni sir Drich dahil hinang-hina siya at kaunting oras nalang din ang nabibilang bago matapos ang training day. Alam kong may side sa akin na nagpapasalamat dahil hindi natuloy ang laban naming dalawa pero wala akong karapatan para magpasalamat dahil sa nangyari.
Una si Shaye, pangalawa naman si sir Drich. Pareho silang nasa hospital building ngayon kaya papunta kami nina Dystine, Xavier, Caedmon at Azalea upang bumisita.
Pagkatapos din ng training kahapon ay nagpa-unang umalis si Zachaeus. Hindi man lang siya tumulong para ihatid si sir Drich.
Hanggang ngayon ay hindi ko o namin nakita ang lalaking iyon. Wala rin naman akong paki sa kaniya pero sana naman ay humingi man lang siya ng tawad sa ginawa niya.
"Sana ayos lang ang kalagayan nila," nag-aalalang wika ko pagpasok namin sa hospital building. Parehong nasa 2nd floor sila.
"Huwag kang mag-alala. Alam kong magaling na ang kalagayan nila dahil sa spells at mga gamot na pinainom sa kanila," nakangiting wika ni Dystine. Gano'n din ang iba pa naming kasama kaya napangiti na rin ako.
"Mauna ka munang bumisita kay Shaye, Arissa. Alam naman namin na kahapon ka pa sobrang nag-alala sa kaniya. Pupunta lang muna kami kay sir Drich saka kami susunod."
Tumango lang ako sa kanila Dystine na dumiretso sa paglalakad sa gitna ng hallway dito sa ikalawang pasilyo ng hospital building. Sobrang tahimik at nagliliparan din ang malalaking puting kurtina.
Napagapos ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin.
Kumatok muna ako bago pumasok ngunit parang napako ang paa ko nang makita kung sino pa ang nasa loob ng kwartong pinanatilihan ni Shaye.
It was Cyrus.
Napalingon siya sa pagpasok ko at agad na pumorma ang isang sweet na ngiti sa mga labi niya. Napailing ako bago sinarado ang pinto.
"Hey. Ikaw iyong bago, hindi ba?" magiliw niyang tanong. Tumayo naman siya at iniakay ang isang upuan. "Here."
Kinuha ko naman ang upuan at umupo ito sa kabilang side ng kamang hinihigaan ni Shaye. Nasa kabila si Cyrus kaya magkaharap kaming dalawa. Hindi ko tuloy alam ang gagawin o sasabihin ko.
"H-how is she?" nauutal kong tanong.
Ngumiti naman ulit siya at tumingin kay Shaye. What's with him? Bakit ganiyan aiya makatingin kay Shaye?
"Ayos lang naman siya. Nagising siya kaninang madaling umaga pero pinatulog ko ulit dahil hindi pa totally maayos ang pakiramdam niya."
What? Don't tell me kanina pa siya dito? Napabuntong hininga ako sa naiisip. Sobrang gulo ng utak ko at pangatlong engkwentro ko palang ito kay Cyrus. I don't even know him. Sobrang misteryoso niya at isa pa, hindi pa rin nawawala sa utak ko na siya ang pinapakay ko kung bakit ako nandito sa akademyang ito.
"Are you alright? Kanina ka pa tulala."
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sinabi niya. Tumango lang ako at binaling nalang ang atensyon kay Shaye. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.
"Huwag kang mag-alala. Napagod lang talaga si Shaye at hindi ito nakayanan ng katawan niya," sabi ni Cyrus.
Nakatitig lang ako kay Shaye. Naalala ko pa ang mga bonding naming dalawa sa normal world. Wala akong ideya na isa pala siya sa mga taong kinamuhian ko ng sobra. Siya lang ang nag-iisang nasa tabi ko palagi pero I was blinded by hatred at nasasaktan ko na pala siya.
BINABASA MO ANG
The Supernatural's Curse
FantasyShe's just an ordinary girl who's living peacefully with her parents. But not until she was sent in an academy. An extraordinary academy for Supernaturals. Her parents sent her in the Breariths Academy to avenge her brother's certain death. Her brot...