Chapter 2: Swallowed by Darkness
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa labas. Ano ba 'yan! Nakabusangot akong bumangon at lumabas ng kwarto. Hindi ko na inisip ang maghilamos at mag suklay ng buhok basta ay nakakasira sa masarap kong tulog ang ingay na nagmula sa labas.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si papa na nakaupo lang sa sofa habang nagbabasa ng newspaper.
"Pa, saan po ba yung maingay?" nakakunot kong tanong kay papa.
Meron pa naman ako ngayon.
"Sa kapitbahay," ani papa habang nakatingin pa rin sa binabasa.
Matamlay akong lumakad palabas ng bahay. Tiningnan ko 'yong maingay sa katapat ng bahay namin at may nag gra-grass cutter lang pala. Ang sarap murahin!
Lumabas ako sa gate saka nag pumewang.
"Hoy! Alam mong natutulog pa 'yung tao ang ingay ingay mo! Pwede ba! Ang aga pa kaya tigilan mo po muna iyan!" sigaw ko na walang manners. E bakit ba, ang ingay e! Sobrang aga pa, ang dami pang tulog ngayon ah.
Aba't 'di ako pinansin. Bahala ka nga diyan, tsk. 30 seconds of my life just wasted. Umiling nalang ako.
Padabog kong sinara ang gate at pumasok na muli sa loob ng bahay. Nakakunot noo akong lumalakad kaya nang magkasalubong kami ni mama ay napatigil siya at ako na rin.
"Anong problema, Aris?"
"E, kasi mama ang aga pa may nag gra-grass cutter na sa kapitbahay. Alam naman nating sobrang dikit ng mga bahay dito sa lugar na tinitirahan natin." Napansin kong napakunot si mama sa sinabi ko.
"Anong maaga? Aris, tanghali na kaya kumain ka na roon." Napantig ang tainga ko sa narinig. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni mama.
Padabog akong bumalik sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.
Tiningnan ko muna ang wall clock ko at tama nga si mama. 1 pm pa pala. 1 pm na pala?! Napahilamos ako sa aking mukha nang maalala ang ginawa ko. Nakakahiya naman kanina. Masyado yatang napasarap ang tulog ko dahilan para magawa ko iyon.
Napabuntong hininga ako at napatitig sa kisame. Malapit na naman pala magtapos ang summer. Hindi ko pa gustong pumasok. Mag se-senior high na ako at hindi pa ako handa. Ewan ko ba, may parte sa akin na 'di nalang pumasok. Tinatamad ako e. Hindi ako excited.
Napako ang aking paningin sa aparador at biglaang kumunot ang noo ko nang makita na may lumiliwanag mula sa loob nito. Ano 'yon? Napatayo ako at dahan-dahang lumapit sa cabinet. Medyo nakaawang kasi ito kaya makita mo talaga na may lumiliwanag sa loob.
Nang makalapit ako ay may parte sa akin na huwag nalang buksan pero nangingibabaw talaga ang buksan na lang. Hinawakan ko ang hawakan ng aparador. Bubuksan ko na sana kaso napatalon ako bigla nang tumunog ang cellphone ko kaya nabitawan ko iyon.
Tumalikod ako at bumalik muli sa kama bago kinuha ang phone. Si Shaye pala. Ang nag-iisa kong best friend and my partner in life.
"Hello bestie. I miss you!" masaya kong bungad sa kaniya. Narinig ko namang natawa siya sa kabilang linya.
Humarap ako sa aparador at doon tumitig. Nagliliwanag pa rin hanggang ngayon kaya nacu-curious na ako kung ano ang nasa loob nito.
"Oh my gosh bestie! I miss you too, really! Free ka ba mamaya?"
Tumalikod ulit ako at pabagsak na umupo sa kama. Napaisip ako at wala naman akong gagawin dito sa bahay.
"Oo naman. So, saan tayo mamaya?"
BINABASA MO ANG
The Supernatural's Curse
FantasyShe's just an ordinary girl who's living peacefully with her parents. But not until she was sent in an academy. An extraordinary academy for Supernaturals. Her parents sent her in the Breariths Academy to avenge her brother's certain death. Her brot...