Chapter 6: Departure

986 179 43
                                    

Chapter 6: Departure

Sobrang gulo pa rin sa utak ko ang misyon na binigay nila papa at mama. Hindi ko naman sila pwedeng suwayin. Sila pa rin ang mga magulang ko at wala yatang utos nila na hindi ko sinunod. Kaya ano pa man iyan, gagawin ko pa rin.

Sa totoo lang gusto ko talagang maghiganti at patayin ang pumatay sa kapatid ko. I want to give justice for killing an innocent child and that's my brother. Gusto ko siyang patayin kung sino man ang taong iyon.

Hindi ko alam kung marami ba sila ang pumatay sa kapatid ko pero sa pagkakaalam ko, sa sinabi nila mama at papa, isang tao lang daw ang may malaking galit sa kapatid ko. Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa aking naiisip. Makikilala din kita kung sino ka man.

Pilit kong kumalma at may ideyang pumasok sa utak ko. Ngunit sa pagkakaalam ko, hindi maaaring makapasok ang ordinaryong tao sa paaralang iyon. Paano? Paano ako makakapasok? Sa susunod na araw na ako ipapadala nila mama at binigyan nila ako ng tatlong buwan upang magawa ang misyon.

Wala man akong kakayahan na katulad ng mga supernaturals pero alam ko sa sarili ko na mapatay ko siya. Lalo na't sooner or later magiging isa rin akong hunter kapag matagumpayan ko ang misyon. Iyan ang sabi ng papa at mama ko at wala na akong magawa kun'di ang parang maging tutang sunod-sunuran nila.

"Arissa."

Nanumbalik ang diwa ko sa reyalidad nang may tumawag sa pangalan ko. Tumayo ako galing sa pagkakaupo ko at pumunta kay mama na siyang tumawag sa'kin. May binigay siya sa aking papel. Tiningnan ko ang papel na may halong pagkalito. Ano 'to?

"Iyan ang Breariths Academy, Aris. Kailangan mong isaulo lahat ng iyan para hindi ka malito sa lugar lalo na't sobrang laki ng akademyang 'to. Pagkatapos ng tatlong buwan at iyong misyon, kailangan mo ng tumakas sa paaralang iyan na hindi nababantayan. Nandiyan na rin ang mga secret passages. Kaya sa tingin ko, wala ka ng magiging problema."

Nakatingin lang ako sa papel habang lumalabas galing sa bibig ni mama ang mga katagang iyon.

Wala ng magiging problema? Marami akong magiging problema. Wala akong sapat na kakayahan para makapasok sa paaralang iyon. Wala akong sapat na kakayahan kung may mangyari mang masama sa akin sa lugar na 'yon. Wala.

Binalingan ko si mama ng tingin. Napansin kong kanina lang pala siya nakatitig sa akin at malalim ang iniisip. Magtatanong na sana ako pero pinili ko na lang itikom ang bibig ko. Tumango na lamang ako at nginitian si mama.

Nagpaalam na ako kay mama at naisipang pumunta sa attic namin. Matagal na akong hindi nakapunta sa taas at baka inalikabok na nga.

Saka wala naman si papa. I guess he's busy again with his thing. Nag hahanap na naman siguro sila o may pinag-uusapan ang mga hunters.

Agad kong binuksan ang pinto ng attic namin at tama nga ako. Bumungad sa akin ang mga alikabok galing sa loob. Bahagya pa nga akong naubo dahil may pumasok sa ilong ko. Napatakip ako sa aking bibig at iniwagayway ang kamay dahil napuno na ito ng alikabok. Ba't ko pa ba kasi naisipan pumunta dito.

Nandito na naman ako kaya pumasok nalang ako sa loob. Inikot ko ang aking paningin sa buong kwarto at matagal na talaga itong hindi napuntahan at nalilinisan. Sobrang tagal na rin ng huling pasok ko dito sa attic. Buwan na siguro.

May mga lumang libro rin at mga lumang gamit. Mga tokador din na puno na ng mga alikabok. May mga sapot din ng mga gagamba.

Tumungo ako sa lumang book shelf at pinasadahan ng kamay ang bawat libro na nadadaanan ko. Napahinto ako sa paghakbang dahil sa isang librong napatuon ng atensiyon ko. Kinuha ko ito at inalis ang mga alikabok. Natabunan na kasi ang pamagat ng librong 'to.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon