Chapter 3: One Of The Monsters

1.2K 219 50
                                    

Chapter 3: One Of The Monsters

"Master, ano ho ba ang ating gagawin sa binibini? Isa ho lamang siyang ordinaryong tao at delikado na nandito siya sa lugar natin."

Naalimpungatan ako nang may marinig na nag-uusap sa aking paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nanibago agad ako sa lugar. Sumasakit pa rin ang katawan ko. Hindi ko iyon inalintana at tuluyan ng iminulat ang aking mga mata. Kumukurap-kurap ako.

"Hindi, Fred. May iba akong naramdaman kanina noong dala-dala ko siya patungo rito. Parang--"

"Nasaan ako? Sino kayo?" singit ko bigla sa usapan nila.

Para akong na istatwa pagkakita ko pa lang sa kaniya. Para siyang isang mannequin o isang wax model kapag hindi gagalaw kapag titigan mo. Ang tangos ng kaniyang ilong, medyo makapal ang kilay, mahabang pilik mata at napatuon ako sa mata niyang kulay berde. Gaya ng sabi ko kanina ang kinis ng kaniyang mukha. 'Yong tipong sobrang puti niya na kahit katiting na white heads at black heads ay wala kang makikita. Tao ka ba?

Nanumbalik agad ang diwa ko nang maalalang nakatulala na pala ako.

"Nasaan ako?!" giit na sabi ko sa kanila. Hindi nila ako pinansin sa halip ay nakita kong tumango lang iyong lalaking parang mannequin doon sa kasamahan niya.

"Gising ka na pala binibini, maiiwan ko lang ho kayo, master."

Ngayon ko lang napansin na master ang tawag ng Fred na tinawag niya kanina sa kaniya. Kinilabutan agad ako at kumunot ang noo saka tumingin sa lalaking makinis ang mukha. Sa totoo lang, he was so freaking hot. Pero parang may kakaiba. Pati na rin sa lugar kung nasaan ako. Sobrang dilim at tanging iyong mga kandila lang at mga torch ang nagsilbing ilaw.

Lumakad patalikod sa akin iyong lalaki na master daw. Kumuha ako ng unan at binato sa kaniya kaya napatigil siya bigla. Nanumbalik ako sa diwa dahil sa ginawa ko. Bakit ko ba ginawa iyon?

Arissa you're so stupid!

"Sino kayo? Bakit ako nandito? Paano ako napunta dito? Ikaw ba--"

"Manatili ka lang dito at ipangako ko na ibabalik kita ng buo. Sa oras na lalabas ka sa kwartong ito, baka hindi ka na makakalabas ng buhay."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, tumindig bigla ang balahibo ko. Bawat salita na sinasabi niya ay pansin kong may halong sobrang diin at parang namamaos ang boses niya. Kinabahan naman ako sa sinabi niya pero dapat hindi. Hindi naman siguro niya totohanin iyong hindi na ako makalabas ng buhay. Isa lamang akong normal na babae at isang taong walang puso lamang ang makakagawa ng gano'n.

Napako ang tingin ko sa damit ko, ibig sabihin-- "Bastos!" Saka ko ulit siya binato ng unan pero huli na ako dahil nakalabas na siya ng kwarto.

"Damit pa ba 'to?!" sigaw ko sa sarili. Paano ba naman para akong nanay sa suot kong puting-puti. Ugh! Bakit nga ba ako napunta sa klaseng lugar na 'to?

Dahan-dahan akong tumayo sa kama. Nanghihina pa rin ang buo kong katawan pero pinili ko ang maging matatag. Hindi ko maalala kung bakit ganito ang epekto ng pagkabunggo ng kung sino man sa akin kanina.

Inikot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto at nanilabot na naman ako. Puro luma ang gamit. Kahit na 'yong kama ay may pulang naka tupi sa ibabaw. Ta's ang daming sapot ng gagamba sa kisame. Isama pa na walang ilaw. May maiingay pa sa labas. Mga paniki?

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon