Chapter 18: Intense

58 4 0
                                    

Chapter 18: Intense

Gustong-gusto ko talaga bumisita kung saan dinala si Shaye. Hanggang ngayon, walang ibang pumapasok sa utak ko kun'di ang mag-alala dahil sa nangyari kay Shaye.

Kinabahan na rin ako sa posibleng mangyari sa labanan maya-maya. Kaunting oras nalang bago ulit magsimula ang training.

Nandito lang ako sa loob ng training room sa binigay ni sir Drich na 30 minutes break. Tumingin-tingin lang ako sa mga weapons at tecknolohiya na kahit ni isa ay wala akong alam kung paano at ano ang mga nakikita ko.

Ako lang din ang nagpaiwan dito sa training room dahil lumabas silang lahat kasama na si sir Drich. Nagpumilit nga silang sumama ako kaso umayaw lang ako kaya hinayaan na nila ako.

Bumalik ako sa pagka-upo at inalala ang mga pangyayari sa buhay ko kumakailan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa nga nag-isang linggo ang stay ko dito ay nawawalan na ako ng pag-asa. Para bang napaka-imposibleng mangyaring magtagumpay ako sa pakay ko dito. May tatlong buwan pa ako para makapagplano.

Napabuntong-hininga ako ng malakas at sakto namang bumukas ang pinto. I was taken a back nang makita kung sino ang pumasok.

It's Zachaeus.

Para akong na-istatwa nang magtama ang mga mata naming dalawa habang nakapamulsa siya. Sobrang talas ng mga titig niya at tila ba nakakamatay. Iyong tipong mamatay ka sa isang tingin ba. Sa tuwing magtama ang mga paningin namin, hindi ko talaga maiwasang maalala ang unang encounter ko sa kaniya at hanggang ngayon, fresh pa rin iyon sa alaala ko.

Una niyang iniwas ang tingin niya at as usual, pumunta siya sa spot niya kanina at umupo roon.

Awkward. Nakakabingi ang katahimikan lalo na at kami lang dalawa ang nandito sa training room. Tiningnan ko ang orasan dito sa silid at mayroon pang 10 minutes bago matapos ang trenta minutos. Myghad, kailan ba sila babalik?

Sumipol-sipol lang ako dahil hindi ako mapakali. Nilaro-laro ko lang din ang mga kamay ko at doon lang nakatuon. Dapat pala sumama nalang ako kina Dystine.

"Can you please--"

"Nandito na kami!!"

Hindi natapos ang sasabihin sana ni Zachaeus nang umalingawngaw ang masakit na boses sa loob ng traning room. Napatayo ako bigla at napatingin sa bagong pasok na sina Xavier, Caedmon, Azalea at Dystine. Nakita ko pang ang lapad ng ngiti ni Xavier at siya pala ang sumigaw.

Ngumiti lang din ako at maya-maya ay nandito na rin si sir Drich. Dumiretso naman si Azalea sa may glass area at gano'n din si sir Drich.

Sila na ang sunod na maglaban gaya ng sequence na sinabi ni sir Drich kanina. Nacu-curious ako kay Azalea lalo na at napaka-misteryoso niya. Iyon ang first impression ko pagkakilala ko palang sa kaniya. Bihira lang siya magsalita at palaging tahimik lang. Hindi pa kami nakakausap ng maayos 'di gaya ni Dystine na sobrang daldal. Na-weweirduhan din ako kay Azalea kaya naman ay itinuon ko ng mabuti ang atensyon sa maaaring mangyari sa loob ng glass area.

"She's strange," mahinang bulong ko sa sarili.

Narinig ko namang tumawa si Xavier sa tabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahilan upang tumahimik agad siya. Parang baliw. Hindi ko pa naman gusto ang masyadong feeling close.

Binalik ko ang atensyon sa glass area at agad akong napakunot-noo sa nakita. Tanging si Sir Drich nalang ang naroroon sa loob. Tila ba kinikilatis niya ang buong silid sa glass area, trying to find Azalea. What just happened? Nasaan si Azalea?

"If you're wondering where she is, it's because of her special ability," wika ni Dystine na siyang nakakahalata na nalilito ako.

"You mean?" Hindi ako sigurado kung tama ako pero iyon lang naman ang natatanging isang ability para hindi makita ang isang nilalang.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon