Chapter 14: Meeting The Electi

750 107 20
                                    

Chapter 14: Meeting The Electi

Humarap ako sa malaking salamin dito sa loob ng girls' cr sa main building kung saan ako nagbihis ng damit. Tiningnan ko ang aking sarili habang suot-suot ang bigay na uniform sa akin. Aminin kong ang elegante ng uniporme na'to. 'Di ko maiwasang mapangiti dahil tama lang siya para sa akin.

Gaya nang nakita ko sa suot nina Dystine noon, may necktie akong kulay ginto. Coat naman na may linings na ginto rin at lower na above the knee na mayroon ding gintong linings sa bawat gilid nito.

Kinuha ko ang pin sa bag ko. Kaso kasabay ng pagkuha ko nito ang isang lukot lukot na papel. Kinuha ko na rin ito. Inilagay ko na muna ang pin sa kaliwang banda ng unipormeng suot ko, katabi ng aking pangalan.

Pinagpagan ko ang uniform at sumulyap ulit ng panghuli sa salamin. Ngumisi ako at siguradong pag may makakita sa akin ay iisipin akong isang baliw. Umiling na lamang ako.

Tumalikod ako saka unti-unting binuksan ang papel. Hindi nga ako nagkamali at ito ay ang target na siyang pakay ko. Ito iyong papel na binigay sa akin ni mama na may nakasulat na isang pangalan. Pangalan ng taong papatayin ko na siyang pumaslang sa aking kapatid.

Napakuyom ako sa aking kamao habang isinasa-ulo ang pangalan.

"Magkakatagpo rin tayo, Cyrus Von Stein," madiing wika ko sa sarili.

Inilagay ko ang papel sa aking bulsa at kinuha ang bag. Ang tagal ko yata sa loob ng cr, paniguradong naiinip na si Sir Drich kakahintay sa akin.

Pagkalabas ko ay bumaling ang paningin ko sa kanan at nakita ko si Sir na nakapanghalukipkip habang nakayuko at-- nakapikit?

Tsansa ko naman ito para titigan ang kabuoan ni Sir. Ngayon ko lang napansin na hindi pa siya gano'n katanda, siguro nasa 20's pa si Sir. Sobrang matipuno at-- bahagya nalang akong napailing. Wala akong oras para sa mga ganito.

Tumikhim ako. Narinig naman ako ni Sir at muntikan na nga siyang matumba pero mabilis din siyang umayos ng tayo. Dumako sa akin ang malalim na tingin ni Sir Drich pagkatapos ay nakita kong tumingin ito sa relo niya. Nanlaki pa ang mata nito kaya iniwas ko ang aking paningin at inihanda ang sarili sa ikukutya ni Sir.

"Almost 20 minutes ka sa loob..." hinihimas niya pa ang kanyang noo habang nakapanghawak at nakatingala. Ilang segundo ay tinapon niya ulit sa akin ang masamang tingin niya na siyang maging dahilan para ikinagitla ko. Napaiwas ulit ako ng tingin mula sa kaniya. Nakakatakot magalit si Sir Drich, kulang nalang ay kainin niya ako ng buhay.

"Nalalate na tayo sa klase niyo." Magsasalita na sana ako nang biglang hinigit ni Sir ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit nang pagkahawak ni Sir sa akin. Hindi pa siya humahakbang bagkus ay tinitingnan niya lamang ang paligid namin.

Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa isang iglap ay lumipat na kami sa ibang lugar. Tila ba nag teleport siya.

"P-paano--" Bahagya na naman akong matalim na tinitigan ni Sir kaya wala na akong magawa kun'di itikom ang bibig ko. Ngayon ko lang ulit maalala na hindi nga pala mga ordinayong tao ang mga kasama ko kaya 'di malabong magagawa nila ang mga bagay na sila lang makakagawa.

Hindi ko tuloy lubusang maisip kung ano ang mangyari kapag makilala ko na ang mga kasamahan ko. Kahit kilala ko na ang tatlo sa kanila, hindi pa rin dapat ako maging kampante. Pumasok sa utak ko si Shaye. Kahit siya ay nagawan akong lihiman.

Hindi pa rin nawawala ang tampo na nararamdaman ko sa kaniya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumunod kay Sir. Pumasok kami sa isang pinto, papasok sa isang silid. Pagkabukas ko ng aking dalawang mata, iba sa inaasahan ko ang bumungad sa amin. Ang ingay, kulang nalang ay nasa merkado kami. Hindi tulad noong inilibot ako ni sir Sir dito sa main building na sobrang tahimik nila. Hindi man lang din nila napansin ang pagdating namin ni Sir Drich. Puno sila ng bangayan. Mas lalo pa nga akong nagulat dahil ang isa sa mga lalaki na nandito ay binabalutan ng apoy. O-okay?

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon