Chapter 7: The Academy

830 155 20
                                    

Chapter 7: The Academy

Nakatayo ako ngayon sa tabi ng isang babaeng nakahiga sa isang maliit na kama sa loob ng madilim na silid.

Napatitig ako sa babaeng nakahandusay sa kama at biglaang nanlaki ang mata ko sa nakita. Kamukha ko ang babaeng nakahilig sa kama. I can't even move myself. Hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko, hindi ko magalaw ang dalawang mata kong nakatingin lamang sa babaeng kamukha ko. Gusto kong ilinga ang paningin ko sa buong kwartong ito.

Pilit akong pumikit pero hindi ko talaga kayang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Sobrang kaba at takot na ang nararamdaman ko sa oras na ito. Para na rin akong nanginginig at kulang nalang ay mawalan ako ng balanse sa katawan.

Ilang minuto ang lumipas, may pumasok na dalawang taong mayroong sobrang lakas presensiya at dalawang taong parte ng buhay ko. Mas lalo akong nagulat nang makilala ko kung sino ang mga ito. B-bakit sila nandito?

"Mama, papa?"

Sabi ko na hindi bumubuka ang bibig pero nakasalita ako sa utak ko at naririnig ko rin ang mga salitang sinasabi ko. Anong nangyayari?

Kinakabahan ako sa maaaaring mangyari sa madilim na silid na ito ngunit wala akong magawa kun'di manood sa bawat ano mang gawin nila mama at papa.

Tinitigan muna nila papa at mama ang sarili kong katawan pero hindi ko alam kung ako ba talaga iyan o nag hahallucinate lang ako, basta't ang alam ko lang ay nakatayo ako at nakikita ko ang bawat galaw na ginagawa nila.

"Siya ang susi sa ating plano."

"Siya ang ating gagamitin upang makuha ang ninanais natin sa mga--"

Agad akong napamulat dahil sa napakasamang bangungot na napaginipan ko. Kaya ang resulta ay nabunggo ang ulo ko sa upuan ng sasakyan. Ugh! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit ng pagkabunggo at pinagpawisan pa ako.

Teka- ano iyon? Bakit gano'n? Bakit ganoon na lamang ang bigla kong mapanaginipan? B-bakit-- aahh!

Gulong-gulo ako.

Nag-isip pa ako kung ano ang nangyari. Nanumbalik ang diwa ko nang maalala ko bigla na papunta nga dapat kami sa academy. Ngayon ko lang din napansin na nakahinto ang sasakyan at may kausap si papa sa telepono sa labas.

Inikot ko ang paningin ko sa labas kung saan nakaparada ang sasakyan ngunit puro gubat at kahoy lang ang nakapaligid sa amin. Ito ba talaga ang daan patungo sa akademya? Bakit ang creepy naman. Napayakap ako sa sarili nang biglang nanindig ang balahibo ko dahil sa naiisip. Umiling na lamang ako at iniwakli ang mga negatibong naiisip ko.

"Gising ka na pala. Malapit na rin naman tayo Aris, so you must be ready."

Pagkasabi pa lang ni papa ng mga salitang iyon ay lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko, kulang na nga lang ay lalabas na ang puso ko dahil sa ang bilis nitong tumibok. Hindi ko alam pero bigla-bigla nalang akong nakakaramdam ng masama. Para bang may masamang mangyari. Hindi, umiling ulit ako at pilit iniiwasan ang mga bumagabag sa isip ko. Hayst.

Nagsimula ng pinaandar ulit ni papa ang sasakyan. Bahagya kong pinikit pabalik ang mga mata ko at kinalimutan na muna ang mga ideyang pumapasok sa utak ko kanina pa.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon