Nico's POV
Nico! Start IV line PNSS fast drip.. Sabi ng doctor namin. Kumuha ako ng PNSS one liter, isang iv cannula, macroset at nagsimulang mag insert ng IV sa isang taong unconscious, GCS 3/15, RBS 30. BP 0. HR 0. RR 0. O2 Sat 75-80%. Prepare intubation set, sigaw ni Doc samin. Val do CPR, isang ER nurse din.Pinagtutulungan namin lahat ang isang pasyente para lang ma revive ito.
Successful ang pag intubate ni doc sa pasyente.
Doc Suan: First epinephrine now, IV bolus.
Kumuha ako ng one ampule ng epinephrine at ginawa ang utos ni doc. Habang si val ay nag CPR at si Rowena, isang ER nurse din, siya ang ng ambubagging.
Nico: Doc wala parin BP at Heart rate.
Doc Suan: Continue do CPR and after 3 minutes give another epinephrine. Start dopamine.
Sinunud ko utos ni doc na nagmamadali habang napapansin ko ang pamilya na nasa labas umiiyak.Lumapit ang isang ale, na siguro ito ang asawa ng pasyente.
Ale: "Doc" (doc talaga kdalasan mabanggit ng mga pasyente kapag nasa ospital sa aming mga nurse, di ko alm kung bakit. Hihi) " Buhia akong bana doc, malooy ka doc (Buhayin niyo asawa ko doc, maawa po kayo), habang grabe grabe iyak niya.
Nico: Ma'am, buhaton na namo tanang among mahimo, tanang tambal among ihatag sa iya ( Gagawin po namin lahat lahat sa aming makakaya) sabi ko, at dali daling bumalik sa medicine room.
After 30 minutes of reviving sa patient, wala talaga . Ina-nounce na ni doc na dead on arrival na ang pasyente at lumapit siya sa pamilya nito. Rinig na rinig namin ang pag iyak ng lahat ng miyembro nang pamilya at biglang tumakbo ang asawa at papunta sa namatay na asawa at iyak nang iyak. Naiintindihan naman namin ang nararamdaman nila. Di talaga maiiwasan ganyang mga pangyayari.
Doc Suan: ECG trace please.
Sinunod ko utos ni doc at nag ECG.
Niko: Ma'am, excuse lang po mag E-ECG lang po ako (sad voice ).
Tumabi yung ale sa tabi at rinig ko parin ang pag iyak niya. Nang matapos ang pag ECG kita namin ang Flat line sa ECG at binigay ko pagkatapos ni doc.
Doc Suan: Salamat Nico.
Nag post-mortem kami nila Val at Rowena, tinanggal ang IV, ET tube, at nag-cover sa patay gamit ang isang hospital linen.
Nakita kung dali dali na naman umalis si Doc para kasing may nag arrest sa ward kasi nandun ang ward nurse nag inform sa kanya. hays. What a toxic day for doc suan, nasabi ko sa sarili.
Nang matapos na kami sa ginawa namin, tinawag ko ang isang membro nang pamilyang namatay.
Nico: Maglangit. Ma'am Maglangit.
Dahil nagdaramdam pa ng tinawag ko siya, ang kanyang lalaking anak nalang ang lumapit sa akin.
Nico: Sir, ito po yung temporary death certificate niyo. Ipakita niya lang ito sa guard dun sa morgue at dalhin niyo po ito kung sakaling kukuha na kayo ng final death certficate niya at ibigay lang sa billing section ng ospital, at condolence po ulit sa inyo sir.
Tumango lang yung lalaki at umalis din. Napansin kung may echura siya. Kung hindi lang yun namatayan baka nag ask na ako sa pangalan niya at pati phone number din. hihihi (landi lang noh?) Sa tingin ko magkasing edad lang kami nun mga nasa 25 din.
Val: ano ba yan. toxic duty naman ito. pangatlong araw na tong ganito ha. Ikaw cguro yung toxic dito Nico eh.
Kasamahan ko si Val for almost 2 years na. Mas nauna kasi ako naging employee dito sa hospital. akalain mo, 4 years na akong employado sa ospital. di pa rin ako ma-regular. What the!!!. Ganito talaga sa Pinas kaya tuloy nangingibang bansa mga kapwa ko nurses. Well, may echura si Val. Chinito, matangkad at maputi. Half pinoy-half chinese kasi. Tapos kamukha niya si Kim Bum yung nasa boys over flowers. Daming nga nag ka crush ni Val dito sa ospital, pero swerte ko kasi nasa department namin siya. hahaha. Pero wala pang girlgriend si val, at gimikero din. Minsan kasama ko siya mag bar hop, out of town trip, etc. pero ewan ko nga ba gwapo naman si Val pero wala akong feelings sa kanya (choosy pa ang gaga.haha). Masaya na ako naging close kami ni Val. Alam niya pagkatao ko, at tanggap naman niya ako. Ako kasi yung discreet type. Damit panlalaki ako at di showy. Manly parin kumilos pero hindi ako nag gy-gym. Jogging lang every day off ko. Meron naman din akong maibubuga sa katawan ko. Average lang, walang bilbil, matangkad ako nasa 5'8, sakto lang yung kulay nang balat ko, saktong kaputian lang at ang beauty ko daw ay pwedeng ihambing sa isang thai actor.

BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
Roman d'amourNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...