CHAPTER 1:JEALOUS

30 4 1
                                    

Devine Joy POV.

"Good morning. Friend! Parang late ka ata?" Sabi ni Shayne, Kaibigan ko

"Lumabas kami ni Enzo kahapon e. inabot na ng gabi." sagot ko sakanya at naupo na sa sarili kong upuan katabi ni Shayne

"Awitttt. Sana all. nako friend sana all talaga. ikaw na may jowang mayaman, hot, gwapo, matalino bonus singer pa. nako sana all talaga Devine Joy Imperial ang pangalan" sabi niya pa na animoy kilig na kilig hindi nalang ako nag salita dahil pumasok na ang teacher namin

------

"Say ahhh."

"Ahhh." Oy baka kung anong isipin niyo ha, sinubuan niya lang ako ng spaghetti. Yung mga green minded jan Ahahahaha

"Ikaw naman. Say ahh." Sinubuan ko rin siya sweet noh? Nasa canteen pa kame niyan.

"Ehem ehem! Teka nga lang BebeYam papatayin mo ba ako?" Pag mamaktol niya sabay inom ng Juice.

"HAHAHA. Sorry na Yam , tsaka OA mo naman e. Wala pa kaya akong nabalitaan na namatay dahil nabulunan." Sabi ko. at ipinagpatuloy ang pag kaen ko.

"So gusto mo ako ang mauna sa mga mababalitaan mo?" Ayan na naman sya sa cold tone niya, moody talaga hays lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Pede rin naman. *Death glare.* hihi sorry na, joke lang. Alam mo namang mahal kita e. Bati na tayo" sabi ko sabay puppy eyes.

"Kelan ba'ko nagalit sayo ?" Bumalik na ko sa upuan ko at inisip kung kelan nga ba siya nagalit sakin, pero parang sa 3years of relationship namin hindi pa sya nagalit saken.

"Ah alam kona.

Nung.... ?????"

"Oh diba wala kang masabi." Sabi niya at kinaen yung sandwich niya,

"Nung nakilala ko si Trip. Oo tama nagalit ka saken non, iniwan mo'ko Tour pa naman naten non." Tinignan niya ako ng seryoso sa mata ko.

"Ang sweet niyo kaya non, e kakakilala niyo pa lang. Tsaka hindi ako nagalit noh nag selos lang ako." Ngumiti ako ng malapad at sinundot yung tagiliran niya.

"Yiiee. Edi inamin mo ring nag selos ka." Natatawang sabi ko.

"Ayan tayo e. Kaya ayokong sabihing nag seselos ako, tinatawanan mo kase ako." Nag mamaktol na sabi niya

"Alam mo masaya lang ako na nag seselos ka. Mas gusto ko nga yon e, kesa naman hindi ka nag seselos edi ibig sabihin hindi mo'ko mahal." Pinisil niya naman yung dalawang pisngi ko.

"Ang dami mo talagang alam. Kumaen kana nga lang. Basta laging mong tatandaan sayo lang ako habang buhay, ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba." Sabi niya at binitiwan na yung pisngi ko.

"Excuse me guys " sabi ng kakadating na si Troy

"Dadaan ka? Go!" Pabirong sabi ko, tumawa naman sila.

"Hindi. Haha ano kase *Tingin kay Enzo* Enzo anjan si Kim may sasabihin daw satin" Nag nod lang si Enzo kay Troy at umalis naman si Troy para sunduin kung nasaan si Kim.

"Tingin ko mag kakasundo kayo ni Kim." Naka ngiting sabi niya saken. Sinong bang Kim yan ha? Si kuya Kim Atienza? Tss Joke lang si Kim siya yung tumulong kay Enzo at Troy nung naligaw sila sa school na papasukan nila nung nag Entrance exam sila last month. At simula non kapag nababangit niya si Kim iba yung ngiti niya.

"I don't think so," sabi ko at ipinagpatuloy yung pag kaen ko. Oo na ako na nag seselos, sino ba namang girlfriend ang hindi mag seselos kung sa tuwing may ibang babaeng ikukwento yung lalaking mahal mo, iba yung ngiti niya.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon