CHAPTER 4: VALENTINES

8 3 1
                                    

Devine Joy POV.

Nung araw na sinurprise ako ni Enzo, nagulat ako ng makita yung Video namin non, may nag video pala non simula pag pasok ko sa pinto ng music room. Nakakatuwa lang na yun pa talagang mismong president ng fans club ni Enzo ang may gawa non. E nung simula sya yung unang unang nang away saken non.

Sabado ngayon and guess what Valentines day na. It's payback time BebeYam.

*ring ring ring*

"Hi Pappy. Good morning agap mong tumawag a. 6am lang" biro ko skanaya pag ka sagot ng tawag niya

[Good morning din apo. Okay na ang lahat nakahanda na.] Sagot niya sa kabilang linya

"Really Pappy? Gosh thank you!. E Pappy yung mga tauhan mo ba okay na?" Tanong ko sakanya

[Yes apo.] Yess! Everything is according to my plan.

"Thank you Pappy. Paki sabi rin kay Mamu thank you. I love you Pappy." Sweet ko talagang apo,

[Alright! Pappy love's you more, Gotta go apo." Sabi niya at i end ang call.

✖✖✖✖✖

Lorenzo Park POV.

"Naks pare gwapo mo a nag mukha kang tao." Sabi ni Troy

"Saating dalawa mas mukha parin akong tao kahit hindi ako naka porma."
Sabi ko sakanya habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Nasa kwarto ako at ayan ang loko ginugulo ako dahil wala daw siyang date. May date kame ni Yam ngayon balak ko siyang sunduin sa bahay nila dahil dadalhin ko siya sa rest house namin sa batangas. Dahil nabangit niya saken na gusto niyang matikan ulit ang luto ko, ang simple niya lang sa lahat ng naging girlfriend ko, dahil sya mas gusto niyang mag date kame na ako ang nag luto kesa sa mga mamahaling restaurant.

"Pre! Naman e. Nag bibiro lang pag pasensyahan mona, wala kase akong ka date." Ayan na naman siya sa pag mamaktol niya,

"E anong gusto mong gawin ko? Tayo ang mag date? Yucks kadiri ka pre! Bromance yun e." Sabi ko habang nag lalagay ng pabango.

"Pede rin naman. Break mona si Devine tayo na lang. HAHAHA" Binato ko siya ng bote ng pabango dahil ang ganda ng higa niya sa kama ko.

"Gago! Alis na'ko. Jan kana makipag date ka sa isa sa mga maid namin kung gusto mo." Sabi ko kay Troy at iniwan siya sa kwarto ko.

Parang kapatid kona yan si Troy simula bata kame na ang magkasama.

*Beep.* tinignan ko kung sinong nag text si BebeYam pla.

From: BebeYam.
Hi Yam. See you later. @5:00pm. Muah!

To: BebeYam.
Yeah. I'm on my way. Iloveyou.

Pagka rating ko sa bahay nila, tinext ko siya agad para maka labas na siya.

Pero biglang may humablot ng cellphone ko, pag lingon ko ang daming lalaki puro mga naka itim sila, shit! Hindi ko kayang labanan ang ganito karami.

"Sumama ka samen kung ayaw mong masaktan." Sabi nung isa. Damn it! Hindi pwede, hindi ko hahayaang masira yung date namin ng ganon ganon na lang.

Sinugod ko sila kahit ang dami nila, Hindi kopa sila napupuruhan nasuntok nako nung isa sa tiyan ko at bigla akong pinosasan sa likod. Ugh! Damn it! Hindi pwede to,

"Saan niyo ba 'ko dadalhin. Pakawalan niyo nga akong mga gago kayo!" Sigaw ko ng isakay nila ako sa Van.

"Manahimik ka!'' Sigaw niya saken.

"Ano bang problema niyo ha? Mga Put*ng*na nyo! May date ako! Kung gusto niyo kong patayin bukas na lang. Damn it! Alam niyo bang isa akong Park." Putek ang tanga mo Enzo bakit hindi mo sinuot yung tracking watch mo. Yung relong yun ay exclusively lang para sa member ng fraternity namin, dahil oras na pindutin mo yung button sa ilalim non ma ta track na nila kung sino at nasaan ka.

Nag-aalala ako para kay Devine, baka hintayin nya ko. Sa dinami rami ng araw na pwede akong kidnapin ngayon pang valentines bitter ba tong mga to?

"Wag ka mag alala bata may ka date ka sa pupuntahan mo." Wala akong paki kung sino pa ipa date niyo saken mga matanda kayo, si Devine lang ang gusto ko!

"Tanggalin niyo yang mga takip sa mukha niyo. Ipapa patay ko talaga kayo sa tauhan ng daddy ko! Anak ako ni Perry Park!" Sigaw ko pa pero hindi na nila ako pinansin. Nanahimik na lang ako put*ng*na talaga wala akong laban, kung suntukan lang sana ang laban mananalo pa ako e. Tss.

Matapos ang ilang minutong byahe tumigil ang Van sa 'Imperial Group of Companies' Teka nga bakit ako nandito? Bakit nila ako dadalhin dito? Hindi kaya balak akong ipapatay ng Lolo ni Devine? Pero bakit? Akala ko okay na kame. Dahil tanggap na nila ako.

"Bakit ako nandito? Ang lolo ba ni Devine ang nag-utos sainyo.?" Tanong ko pero nilagyan na nila ako ng blind fold putekk naman.

"Manahimik ka bata. Wag mong subukan mag salita habang nag lalakad tayo, nararamdaman mo ba to?*may itinapat siya sa sintido ko.* puputok yan oras na mag salita ka. Gusto mo pa naman makasama ang babeng apo ng mga Imperial diba?"

Sumunod na lang ako sa sinabi niya, ayoko pang mamatay dahil na ngako ako kay Yam na papakasalan ko pa siya.

Nagpatuloy lang kame sa pag lalakad hawak nila ako sa mga braso ko. Handa naman akong mamatay e, nung sumali pa lang ako sa fraternity tanggap kona na madali na ang buhay dahil sa mga kalabang frat pero nung dumating si Devine sa buhay ko, don nag simula ang takot ko, takot ko na maiwan siya.

Naramdaman kong umaakyat kame sa hagdan, ina alalayan nila ako, at ng tumigil kame sa pag lalakad tinangal nila yung posas ko. Humanda talaga kayo saken.

"Bata pag sinabi kong tanggal, tanggalin mona blind fold mo ha?" Nag nod lang ako dahil anytime baka barilin nila ako.

"Tanggal!!!!!" Sigaw nila tapos narinig ko ang mabilis na yapak ng paa sa hagdan ibig sabihin tumakbo na sila. Papatayin ko talaga sila kapag nakita ko sila.

Pagka tanggal na pagka tanggal ng blind fold ko, literal na nanlaki ang mata ko. Dahil sa nakita ko, Nandito ako sa rooftop ng Imperial Group of Companies may mga petals ng bulaklak sa sahig, may mga kandilang naka palibot sa sahig na naka heart shaped at sa loob non naandon ang lamesa, meron ring mga nag vi violin sa may gilid, tapos mga balloon na naka palibot sa buong railings ng rooftop , may mga waiter na naka hanay sa gilid.

"BebeYam nagustuhan mo ba?" Napa tingin ako sa nag salita and then nakita ko si Devine na naka tayo, ang ganda niya sa suot niya, lalong pa siyang gumanda dahil ang simple niya lipstick at polbo lang ang nilagay niya sa mukha niya.

"Oo naman. Pakana mo pala lahat to? Kinabahan ako akala ko mama matay nako." Sabi ko nilapitan niya naman ako at niyakap.

"Sorry. Kasabwat ko si Mamu, si Pappy at si Troy. Pambawe man lang sa lahat ng nagawa mo para saken." Sabi niya at hinila ako paupo dun sa lamesa, nag simula naring tumugtog yung mga nag vi violin lumapit narin yung mga waiter at nilagyan ng pag kaen yung pinggan namen.

"Alam mo Yam, hindi mo naman kailangang bumawe e, sapat na saken yung andito ka sa tabi ko. Wag ka lang mawala saken, solve nako don. " sabi ko at tinikman yung mga pag kaen.

"Okay lang yun Yam, tska valentines day naman. Nga pala sinaktan kaba nung mga tauhan ni Pappy?" Nag aalalang tanong niya

"Oo. Sinuntok ako nung isa sa tyan. Pero okay lang ako, gwapo parin HAHA"

"Hayst sila talaga pinagsabihin kona sila kanina e, na wag kang sasaktan. Pasaway talaga." Sabi niya

"Okay lang yam. Ang mahalaga kasama na kita." Sabi ko at kinindatan siya, ngumiti naman siya saken at pinapatuloy ang pag kaen niya,

Minsan napapaisip ako, ano bang ginawa kong maganda at binigyan ako ng diyos ng kagaya niya. Wala naman akong ibang ginawa dati kung hindi pag laruan ang mga babae, ang makipag basag ulo. Pero heto siya at binago ang dating gago.

Habang buhay kong ipag papasalamat sa diyos na may isang Devine Joy Imperial na dumating sa buhay ko at minahal ako ng totoo at higit pa sa pangangailangan ko.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon