CHAPTER 31: SHOOTING STAR

3 2 0
                                    

Devine Joy POV.

"MY PRINCE" 'yan ang caption na inilagay ko sa bago kong profile, yung picture namin ni Enzo kanina habang naka sakay sa kabayo.

"Hindi kaba kakaen?" Tanong ko kay ate habang nag aayos sa harap ng salamin.

"Sa labas na. Hala lumayas kana almusal na lang wala kapa sa restaurant." Biro niya, agad naman akong tumayo at inayos yung dress ko.

"Bahala ka jan. Alis nako!'' Sabi ko at isinara ang pinto ng kwarto

Pag ka pasok ko ng restaurant agad kong nakita ang napaka gwapo kong boyfriend sa may dulo ng restaurant kaya naman agad akong lumapit sakanya.

"Hi." Naka ngiti kong bati sakanya

"Hello, you're so pretty my Queen." Puri niya, agad ko namang tinakpan ng Menu yung mukha ko dahil alam kong kinikilig ako, isa sa dahilan kung bakit hindi ako nag sasawa sa relasyon namin ay hanggang ngayon kinikilig padin ako sakanya, anjan padin yung Sparks sa pagitan naming dalawa.

Matapos namin umorder, kung ano ano lang pinag uusapan namin, hanggang sa dumating na yung pag kain kung ano ano lang pinag uusapan namin. after 3 years ngayon ko lang pala ulit siya naka sabay mag dinner, the last time we have dinner together is nung last night bago ang pasukan. Sobrang tagal na pala after summer mag o OJT na siya ako naman second year college na taking up Business Management.

"Yam, anong plano mo sa anniversary natin?'' Tanong niya habang kumakaen kami ng desserts, ano nga kaya? This past anniversary namin sa EU kami nag ce celebrate,

"Hindi ko alam e. Bahala ka na Yam, as long as kasama kita masaya na ako." Nagumiti lang siya at pinag patuloy ang pag kain.

habang kumakain ay nag kkwentuhan padin kami, parang sa lahat ng nangyari saamin nung mga panahon na hindi kami magkasama ay naikwento na namin sa isa't isa.

"Tara may pupuntahan tayo." Sabi niya at hinila na ako palabas ng restaurant

"Uy yam bayad ka na ba?" Tanong ko ng makalabas kami ng restaurant

"At yon talaga inalala mo? Tss. Ok kanina pa.'' Sabi niya at tuloy lang kami palabas ng restaurant

Ng maka alis kami ng restaurant dinala ako ni Enzo sa isang park dito sa tagaytay, ang daming stars sa langit, ang ganda ng mga Christmas lights sa mga puno, ang linis ng paligid, walang pulusyon ag sariwang sariwa ang hangin. Naka tingin lang ako sa langit habang naka sandal sa balikat ni Yam,

"Yam, Salamat." Agad ko siyang tinignan sa mga mata niya

"Para saan?" Tanong ko, sinalubong niya ang mga tingin ko sakanya at sinagot ang tanong ko

"Dahil binuo mo ang buhay ko. Dahil tinanggap mo ako sa buhay mo, dahil minahal mo ako at dahil naniwala ka na kaya kong mag bago," Ngumiti ako at sumandal ulit sa balikat niya

"Wala yun. Girlfriend duties, tsaka ikaw rin naman e binuo mo yung buhay ko, tinanggap mo ako, minahal mo ako at pinapasaya mo ako sa bawat araw na dumadaan sa buhay natin" Sabi ko habang naka tingin sa mga bituin.

"Iloveyou po." Sabi niya at hinalikan ang noo ko

"Iloveyou din po.----- Teka shooting star, wish tayo!" Sabi ko

"Ang tanda na natin para jan." Komento niya

"Dali na kasi." Pamimilit ko, at pumikit na at humiling

"Humiling ka ba Yam?" Tanong ko ng matapos akong humiling

"Oo." Sabi niya at tumayo na ng bench

"Tara na masyado ng gabi." Sabi niya at nag lakad na, binilisan ko ang pag lalakad para maabutan siya at ng maabutan ko siya hinawakan ko yung kamay niya, napatigil naman siya sa pag lalakad at tinignan ako, ngumiti lang ako at nag lakad na habang hawak ang kamay niya pa sway sway pa.

"Basta't tayo'y mag kasama laging may rong umagang kay ganda." Naka ngiti ko yang kinakanta habang nag lalakad kami ni Enzo sinu sway ko pa din yung kamay naming dalawa, ewan ko GV ako ngayong gabi,

"Para kang bata Yam." Naka ngiting sabi ni Enzo nag pout naman ako pero mabilis niya akong hinalikan sa labi

"Kiss stealer!" Sigaw ko

"Ayaw mo ba ng halik ko? Ibalik mo sakin dali," sigaw niya rin

"Oo ayaw ko halika dito at ibabalik ko!" Sigaw ko at hinabol siya

nang maka balik kami sa sari sarili naming kwarto ay naligo muna ulit ako bago nag bihis ng pan tulog ko

"San ka kumain te?" tanong ko kay ate habang nakahiga na sa kama ko

"Tinamad na akong lumabas nag pa deliver na lang ako" sagot niya sakin habang nasa cellphone pa din ang paningin

*toot*

From: Fiance ko
Good night love of my life, sleep tight and sweet dreams. Iloveyou so much.

kung tutuusin ay isang simpleng text lang iyan galing kay Enzo pero sobrang kinikilig na ako, may sarili talaga siyang paraan para iparamdam saakin ang pagmamahal niya ultimo pag hinga niya nararamdaman kong mahal niya ako e. Hahahahahahaha

To: Fiance ko
Good night Fiance kooooooo. Iloveyou Saranghae Te amo mahal kita sobra pa sobra

Hindi ko na hinintay na mag reply siya, nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa dalawin ako ng antok.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon