CHAPTER 42- WEDDING

6 2 0
                                    

Dj POV.

Masaya kong tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin, suot suot ko ang napaka gandang puting gown ko na may maraming bato at iba't ibang design at hindi maipagkakailang isa ito sa design ng pinaka magaling na designer sa Paris, hindi ako maka paniwala paki ramdam ko ako na ang pinaka maganda, bagay na bagay saakin ang wedding gown na 'to pati narin ang belong suot ko.

Ilang taon na rin ang naka lipas, naka graduate na ako, may sariling coffe shop at restaurant sa pilipinas, masaya ang buhay, may magandang career wala na akong mahihiling pa.

"So beautiful Ms. Devine" Manghang manghang sabi ni Scarlet ang secretary ko

"Thanks."Sabi ko at ngumiti sakanya

"Ms. Devine everything is fine, let's go?" Tumango lang ako sa organizer at pinasadahan muli ng tingin ang sarili ko sa salamin, hindi ko akalaing makakapag suot ako ng ganito kagandang wedding gown.

Lumabas na ako kasunod si Scarlet na hawak hawak ang laylayan ng gown ko, ng maka rating kami sa harap ng malaking pinto ng simbahan naka ramdam ako ng kaba. Huminga ako ng malalim at hinayaang unti unting bumukas ang pinto rinig na rinig ko ang kanta na lalong nag pakaba saakin, ngumiti ako at tinignan lahat ng taong nakatingin saakin habang marahan akong nag lalakad papasok ng simbahan, ang lahat ng atensyon ay nasa akin na, nag kikislapang flash ng camera, matatamis na ngiti ng lahat.

Ng maka rating ako sa unahan, mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko ang lalaking nag hihintay saakin sa harap ng altar ngumiti rin siya saakin pabalik habang naka titig saakin.

"Chance Dwayne Sandoval." Naka ngiti kong sambit ng magka harap na kami

"You look so beautiful, the most beautiful girl I've ever seen." Naka ngiti niyang sabi kinindatan ko na lang siya
Itinaas niya ang belo na naka takip sa mukha ko at pinag dikit ang mga noo namin habang naka ngiting naka tingin parin saakin, hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko habang naka tingin sa mga mata niya.

"How I wish that this would be all true." Malungkot niyang sabi, ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pisngi

"Thank you." Sabi ko pagka tapos ko siyang halikan sa pisngi niya

"Cut!" Sigaw ng manager ko at naka ngiting lumapit saamin ni Chance

"Amazing, you two look great together. It look likes a real wedding." Kumento niya ngumiti lang ako sakanya at umalis na sa set kasama si Scarlet

Akala niyo totoong kasal ko na no? Hahaha. Kay Enzo ko lang pinangarap ikasal. Photo shoot parin yan dahil May na ngayon, and malapit na ang June, kung kailan marami ang nag papakasal at nangangarap maging june bride.

Kami ni Chance ang napili para sa isang magazine matapos kong mag palit ng damit umuwi na rin ako, kanina parin naman kami nag pophoto shoot iba't ibang klasse ng kasal, beach wedding, garden wedding at syempre sa simbahan. Iba't ibang gown, places, statement etc.

Nakahiga ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko nag text pala si Junelle

"Ate, we need to go home."

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon