CHAPTER 12: HAPPY BIRTHDAY

6 3 0
                                    

Devine Joy POV.

*ring ring ring*

"Hello Troy?" Sabi ko pag ka sagot ng tawag

"Devine, anong gagawin ko gusto na umuwi ni Enzo?" Natatarantang tanong ni Troy, waaa hindi pa siya pwedeng umuwi., isip Devine isip.

"Sabihin mo may sakit ako pupuntahan niyo ko sa bahay. Oo tama yun na lang." Nandito ako sa kwarto ni Enzo hinahanda yung surprise ko para sakanya birthday niya na ngayon, tapos si Shayne katulong ni Tita sa pag luluto kasama yung mga maids dito sa Mansion nila Enzo

"Oo sige ita try ko. Basta bilisan mo masasapak nako ni Enzo e." Hinahanda sa garden ng mga party organizer ang para sa party ni enzo mamayang gabi at syempre bilang girlfriend iba yung surprise ko HAHAHA.

"Sige. Thank you troy." Sabi ko at inend ang call

Itinuloy ko lang ang pag aayos ng mga lobong may helium tapos yung bawat tali/(pisi) ng lobo sa dulo non mga pictures namin ni Enzo, apat na kulay lang ang ginamit ko sa mga lobo BLACK.WHITE.RED.BLUE favorite color kasi naming dalawa yun. Tapos pagka bukas ng pinto ang unang makikita ay malaking tarpaulin na may naka lagay na 'HAPPY BIRTHDAY ENZO KO❤' Tapos pictures niya. Sa kama niya nilagay ko yung regalo ko para sakanya, tapos sa sahig nilagyan ko lang ng rose petals, tapos nag spray ako ng vanilla perfume ang buong kwarto. Favorite niya kase ang pabangong vanilla kaya bumili ako sa mall ng lahat ng ginamit ko dito.

*ring ring ring.*

"Hello Troy"

"Paakyat ni si Enzo tapos kana ba l? Good luck." Inend ko agad yung tawag at nag mamadaling pumunta sa gilid ng pinto, my gaaaawd naman hindi pako nakakapag ayos, naka funbun pa yung buhok ko tapos shorts, t-shirt at rubber na Vans lang suot ko. Whooooo! Good luck isinet kona rin yung cellphone ni Enzo sa tripod para may video ako souvenir hihi.

Binuksan niya na yung pinto lumabas naman yung isang lobo na walang picture namin, kagaya ng commercial ng kathniel sa nescafe HAHAHA. sinundan niya ng tingin yung lumipad na lobo at tumingin sa harap, nanlaki ang mata niya ng makita niya yung tarpaulin, kinakabahan ako huhu. Pinaputok ko yung confetti kaya napa tingin siya sa direksyon ko nag peace sign naman ako

"Gawa mo lahat ng 'to?" Tanong niya nag nod lang ako. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Thank you!" Mangiyak ngiyak na sabi niya

"Pansin ko lang this past few days nagiging iyakin kana , Yam bakla kaba?" Natatawang tanong ko binatukan niya naman ako

"Haha joke lang, iloveyou Yam Happy happy birthday." Sabi ko at niyakap ulit siya

"Thank you sa effort... Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ang swerte ko talaga sayo." Sabi niya at kiniss ako sa cheeks.

"Naman." Proud na sabi ko at hinila siya papunta sa kama, opps wag green ibibigay ko lang yung gift ko

"Yam alam kong wala to sa lahat ng regalong ibibigay nila sayo mamaya, pero eto sigurado ako galing to lahat sa puso ko. Sana magustuhan mo." Naka ngiting sabi ko at inabot yung regalo ko sakanya.

"Hindi kana dapat nag abala yung pag bati mo lang saken okay na, tsaka itong surprise masaya nako at syempre yung nandito ka sa tabi ko sapat ng regalo sakin yun. Tsaka kung ano mang laman nito sure ako magugustuhan ko dahil galing sa mahal ko." Nakaka touch naman, sulit yung pagod ko e, hindi ko kase alam kung anong ireregalo ko sakanya, ang yaman niya lahat ng bagay meron siya kaya yung laman na lang ng puso ko ang ibibigay ko, nasa kanya na yung puso ko e. Kaya this time yung laman naman. Haha corny ko.

"Love Jar, Yam?" Tanong niya ng mabuksan yung regalo

"Oo. Isang araw isa, sakto para sa susunod mong birthday. Lahat kase ng bagay na gusto mo meron kana , pati puso ko nasayo na. Kaya Yam... Yung laman naman ng puso ko ang ibibigay ko sayo." Oo 'Love Jar' yung niregalo ko kay Enzo nandon lahat ng gusto kong sabihin sakanya 365 colored papers, syempre kagaya ng lobo kanina BLACK.WHITE.RED.BLUE lang ulit yung ginamit kong mga papel.

"Naks. Kaya mahal na mahal kita e, pero bakit dalawa yung Jar?" Tanong niya

"Syempre jan mo ilalagay yung mga nabasa mo na," naka ngiting sabi ko

It's time para sa susunod kong surprise HAHAHA.

"Yam. Tumingin ka don *turo sa tripod* Smile! HAHA" Tumingin siya saken with his famous death glare na bumagay sa mata niyang parang laging may eyeliner kaya nag peace sign ako at mgumiti sakanya, maya maya napalitan yon ng napaka tamis na ngiti ng isang Lorenzo Park at kapag nakita mo malalaglag talaga ang panty mo.

Nilagay niya yung regalo ko at hinawakan ang kamay ko papunta sa tapat ng camera.

"Nakikita niyo ba itong babaeng to? Mahal na mahal ko yan. Ako lang ang meron ng kagaya niya kaya maingit kayo *sabay kindat sa camera* sa bawat araw na dumaraan sa buhay ko lalo ko siyang minamahal, siya lang ang mamahalin ko habang buhay pangako Yam.*tingin saken* Yam salamat sa effort mong i surprise ako ngayong birthday ko, sobrang saya ko kase ikaw ang binigay ng langit sakin, salamat kase sa daming pinag daan ng relasyon natin hindi ka bumitaw, Yam mahal na mahal kita higit pa sa salitang sobra. Ikaw at ako, ako at ikaw *pinky promise* " Sa mga oras na yun hindi ko napigilan yung luha ko, dahil sa saya. Lord thank you! Thank you for giving me a man like him, I promise to love him for the rest of my life.

"Happy birthday BebeYam Iloveyou very much mwaaaa!" Sabi ko bago i end yung video.

We may not be a perfect couple we fight, we chase, we leave but I swear that as long as he's trying I'm staying because he is the only one I want to spend my whole life with and he is the only one I'm praying to have a happy family with, I love him with all my heart, I love him more than he deserved and I promise to love him more each day and make my feelings grow the way he did.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon