CHAPTER 45- ALMOST

4 1 0
                                    

DJ POV.

Maybe in a different world,
Maybe in a different time,
Maybe in a different life,
Just maybe…
I can be your girl.

Isinara ko na yung book of memories namin ni Enzo matapos kong isulat ang mga salitang iyan sa kahuli hulihang pahina ng libro.

Wala ng pahinang susulatan ng mga kasunod na kabanata ng buhay namin, wala ng pahina ang makapag dadagdag ng panibagong pangyayari sa istorya namin, at siguro nga tapos na talaga hanggang dito nalang.

Nung nakita ko siya dito sa park na to kasama ang anak niya hindi ko alam pero tila ba parang bumalik yata lahat ng pag mamahal na akala ko'y naibaon ko na. Siya parin pala, siya parin pala talaga... Kahit hindi na ako!

Kung mabubuhay man akong muli, sana pagtagpuin ulit kaming dalawa ng tadhana at sana sa ikalawang buhay namin kami ng dalawa ang para sa isa't isa. At sana pede na kaming mag mahalan ng walang hadlang sa pag iibigan namin.

"Cotton candy kayo jan sampung piso lang!" napalingon naman ako kay manong vendor lumapit ako sakanya at bumili ng isa

"Manong isa po, yung kulay blue" sabi ko at inabot yung bayad

"Ang tagal kitang hindi nakita ineng ah" nakangiting tugon ni manong, agad ko naman siyang nakilala siya yung matandang lagi namin nabibilhan ni Enzo ng cotton candy

"Hi po manong. Kamusta?" tanong ko habang naupo sa tabi niya

"Ayos lang ako ineng. Ikaw kamusta? Bakit parang mag isa ka yata?" tanong niya at nag pa linga linga para hanapin kung may kasama ba ako

"Wala na po kami manong. Five years na." sagot ko habang naka tingin sa cotton candy na kinakain ko

"Eh, bakit naman ineng? Ilang taon na kayong bumibili sakin ng cotton candy tapos ngayon mag isa kana lang." nakita ko ang lungkot sa mga mata ni manong, siguro nasanay na siya na kaming dalawa ni Enzo ang bumibili sakanya tapos ngayon mag isa nalang ako

"Naka buntis po siya eh. Kahit naman po anong pilit namin hindi na pwede, kahit sobrang mahal pa namin ang isa't isa mali na ipag patuloy pa e." ngumiti ako ng bahagya tapos marahan namang tinap ni manong ang ulo ko

"Alam mo ineng ganon talaga ang buhay, minsan hindi sapat ang pagmamahal para manatili satin yung mga taong mahal natin, mahirap kalabanin ang tadhana dahil kahit anong pilit nating dayain ang tadhana sa huli tayo parin ang nadadaya, mag paka tatag ka ineng may mas magandang plano ang nasa itaas" ngumiti ako habang dinadama ang bawat salitang sinabi ni manong

"Salamat po manong." nakangiti kong tugon sakanya, siguro nga tama siya may mas maganda pang plano si God para saming dalawa

"Hindi ba siya yon?" sabay turo kay Enzo na naka upo sa bench sa may ilalim ng puno

Dugdugdug

Hindi parin nag babago ganito parin ang epekto niya sakin

"Madalas ko rin siyang makitang mag isa dito e, hindi nga lang ako nag kakaron ng pagkakataon para maka usap siya." dagdag pa ni manong

"Opo. Siya nga po yun!" pag sang ayon ko pa

"Bakit hindi mo siya kausapin? Siguro naman ay maari pang maibalik kahit ang dating pagkakaibigan niyo nalang?" May punto naman si manong kahit kaibigan nalang sayang naman yung ilang taon naming pinagsamahan kung mababalewala nalang
Agad akong tumayo at nag simulang tumakbo palapit kay Enzo

"Salamat po manong!" naka ngiti kong sambit habang kumakaway pa samantalang ngiti lang ang tugon ni manong

Unti unti akong nag lakad palapit sakanya, hindi na maawat ang mabilis na pag tibok ng puso ko, kinakabahan ako hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko.

Malapit na akong makalapit sakanya ng bigla siyang mapalingon saakin ng biglang may dumaang nag titinda ng mga lobo dahilan para matakpan siya at para rin hindi niya ako makita. Lalo akong kinabahan dahil alam kong nakita niya ako, ipagpapatuloy ko na sana ang pag lalakad ko papalit sakanya ng mapatigil ako dahil nakita kong papalapit narin sakanya si kim at ang anak nila.

Masaya siyang sinalubong ni Kingsley at yumakap sakanya nakita ko naman siyang naka ngiti at tumatawa
Unti unti ng pumatak ang mga luha sa mga mata ko, wala na akong nagawa kundi ang tumalikod at mag lakad papalayo sakanya.

Ang sakit sakit...

ENZO POV.

Nakaupo ako sa may ilalim ng puno ng makita ko si Devine malapit lang siya sakin hindi ko alam kung namamalik mata ba ako o ano, kinusot kusot ko pa ang mga mata ko para masiguradong siya nga talaga yung nakatayo sa harap ko pero pag dilat ng mga mata ko natatakpan na siya ng mga lobo dahil may dumaang mag titinda nito.
Tatayo na sana ako para lapitan siya.

"Honey!" Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si Kim kasama si Kingsley agad namang yumakap sakin ang anak ko pag tingin ko sa kinatatayuan ni Devine kanina wala na siya nag lalakad na siya palayo susundan ko na sana siya

"Daddy can we go to amusement park?" tanong ni Kingsley

"Honey, kanina pa siya nag rerequest pag bigyan mo na. Goodboy naman siya e diba baby?" Dagdag pa ni kim at kumapit na sa braso ko

"Please Daddy I'm good boy naman e" paglalambing pa ng bata habang naka kapit sa laylayan ng shirt ko

Napa oo nalang ako, wala e ito na ang buhay ko ngayon, kahit siguro anong pilit ko wala ng chance para samin ni Devine.

There are always a story that never had a happy ending...

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon