CHAPTER 27: HAPPY BIRTHDAY

5 2 0
                                    

Devine Joy POV.

"Anong bibilhin ko?" Tanong saakin ni Shayne

"Ewan ko? HAHAHA. mukha ba akong may naiisip bilhin?" Sagot ko sakanya

"Tss. Laki mong tulong. " sagot niya at pumasok sa shop ng mga relo

"Eto oh." Sabi ko at inabot sakanya yung relong kulay black

"Ang ganda, pati presyo maganda." Sagot niya saakin, may regalo na kasi ako para kay Viel Jay, isang relo galing France black and blue yung kulay dahil bagay 'yon kay Viel.

"Labas na tayo friend. Iba na lang ire regalo ko sakanya." Sagot naman niya at hinila ako palabas

"Teka lang," pigil ko at nilapitan yung relo na pang couple. Ang ganda black and white siya, bagay samin ni Yam.

"Bagay yan sayo ma'am, pati narin siguro sa boyfriend mo." Naka ngiting sabi nung sales lady

"Fiance." Naka ngiti kong sagot sakanya

"Ikaw po si Ma'am Devine Imperial? Tapos fiance mo si Mr.Lorenzo Park" amazed niyang tanong saakin. Nag nod lang ako sakanya at lumapit na sa counter.

"450,182.75 po Ma'am." Inabot ko sakanya yung credit card ko

"Thank you po ma'am." Nag nod lang ako at lumabas na ng shop. Dala naman ng body guard ko yung binili ko

"Iba talaga kapag mayaman, lahat nabibili," halata sa boses ni Shayne ang inggit at lungkot inakbayan ko naman siya

"Kapag kumikita na ako ng sarili kong pera tutulungan ko kayo ni Tita. Alam ko naman kasing kapag galing sa magulang ko hindi niyo tatanggapin e." Naka ngiting sabi ko

"Thank you talaga ikaw yung naging best friend ko." Sabi niya saakin.

"Wala yun. HAHA"

"Friendship yung polo na lang na black yung bibilhin ko, mahilig yun don e." Turo niya at hinila ako papasok ng shop.

Nang matapos kami bumili ng ireregalo namin kay Viel naghiwalay din kami kaagad kailangan ko kasing umuwi agad sa bahay dahil lalo lang mag aalala si Enzo kapag nagtagal ako sa labas

"Ganda niyo Ma'am, Mukha kang diwata." Naka ngiting puri ni Ithan habang nag lalakad kami papunta sa sasakyan

"Thank you. Kayo din gwapo niyo ngayon mukha kayong tao." Natatawang biro ko

"Grabe ka Ma'am." Natatawang sagot naman ni Harold at pinag buksan ako ng pinto ng kotse.

"Devine na lang, masyadong pormal kapag Ma'am." ngumiti lang sila saakin at nag patuloy na sa pagmamaneho

ilang minuto din ang itinagal ng byahe bago kami nakarating sa place ni Viel, habang papalapit ng papalapit kami lalo lang nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko, wala naman akong ibang kakilala dito kundi silang lima pati si shayne kaya tama lang ang desisyon ko na umuwi matapos ibigay ang regalo ko kay Viel.

Pinakita ko yung invitation kaya naka pasok na kaming tatlo.

"Friendship ang ganda mo mukha kang diwata." Naka ngiting salubong saakin ni Shayne

"Thank you dear." Sagot ko at hinanap si Viel

"Andon siya sa pool area ng mansion. Late ka e." Sabi niya at tinulak ako papunta sa pool area.

Ang laki ng mansion nila, mayaman rin pala sila siguro kilala nila mommy parents ni Viel.

"Dito na lang kayo. Mabilis lang ako." Sabi ko at iniwan yung dalawa kong body guard sa may end ng garden malapit sa pool area, naka formal attire sila pormal kasi tong party.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon