CHAPTER 30: SUMMER

4 2 0
                                    

After 2Years.

Devine Joy POV.

"Asan na ba siya? Ang tagal naman e. Kainis." Sabi ko habang hinihintay yung magaling kong Fiance

"Sus. Na miss mo lang ako e." Pag lingon ko sa likod ko agad nawala yung inis ko at napalitan ng ngiti, ang cute niya sa couple shirt namin, black t-shirt na may naka lagay na 'King' tapos crown tapos sakin naman ay 'Queen' tapos may crown din.

"Halika na nga." Sabi ko at hinila na siya sa Van

After ng birthday party ko back to normal na ang lahat, papasok ako ng university, pupunta ng E.U kapag weekend, papasyal sa kompanya kapag may time. Cycle lang, at ngayon summer na hihihi second year college na ko this sem tapos si Enzo mag o OJT na. Naikasal narin si kuya Mccoy 2months after ng birthday ko at ngayon meron silang 3month vacation/honeymoon sa Hawaii. Si kuya Allan naman nakapag proposed na sa long time girlfriend niya na si Xie si ate Alys at Carlo naman ayon going strong, at next month ikakasal na si Ate Zel beach wedding ang gusto niya kaya ayon hindi namin siya kasama sa trip to tagaytay namin, Si kuya Edison naman tamang kaka break lang sa girlfriend play boy kasi wala ata balak mag seryoso.

Syempre mawawala ba naman ang J brothers? Si Johnjohn may girlfriend na-- Jen Apostol ang pangalan, at si Junelle single padin, pihikan sa babae e. Study first daw- engineering kasi at second year college din siya this sem.

"Hindi halatang namiss niyo talaga ang isa't-isa." Natatawang biro ni ate Alys

"Kayo din di halatang sweet kayo," sabi ko at humarap na ulit sa bintana, naka sandal yung ulo ko kay Enzo tapos naka akbay siya saakin. Ngayon lang kami nag kita after two weeks, busy kasi kami pareho alam niyo na college days

Sa haba ng byahe hindi ko namalayan kung gaano kahaba ang naging tulog ko, naalimpungatan nalang ako ng biglang ginigising na ako ni enzo

"Gising na, Yam. Kapag dika pa gumising hahalikan kita." Hirap gumising madaling araw kami umalis sa manila e.

"Hindi kapa ba gigising? Hahalikan talaga kita," Rinig kong bulong niya pero hindi pa din ako dumidilat

"Hindi ako gigising halikan mo ko dali," sabi ko habang naka pikit parin

"HAHAHAHA." Tawa niya at tinusok yung tagiliran ko kung saan malakas ang kiliti ko, binukasan ko yung pinto ng van dito sa side ko para maka baba na.

"Zip line tayo mamaya?" Tanong ko habang naka lingkis sa braso niya

"Sure. Pero pedeng mag check in muna? HAHA. Excited ka masyado e." Natatawang sabi niyal

"Xie, at Jen, kayo ang mag kasama sa kwarto. Alys at Joy kayo ang mag kasama ha." Sabi ni kuya Edison at inabot yung susi saamin.

"Enzo at Junelle, kayo ang mag kasama John john at Allan." Dag dag pa ni Kuya Edisson

"E ikaw kuya?" Tanong ko sakanya habang nag lalakad kami papuntang elevator.

"Solo. Single e HAHA." Natatawang sabi niya

"E single din naman ako a. Madaya ka!" Singit pa ni Junelle

"Ay hala bukod, uwe HAHAHA." Biro ni Kuya Edison

"See you Yam after Lunch. Iloveyou mwaaa! Tulog muna ako, pahinga kana ha?'" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi

"Iloveyou too. Yeah see you later." Sabi niya at inabot na yung bag ko sakin

Matapos namin mag pahinga, agad din kaming lumabas at napiling gawin ang first activity namin for todayyyy yun ay ang ZIP LINE.

"Kuya safe ba to?" Tanong ko habang inaayos yung mga naka kabit saakin para sa zip line

"Oo naman po ma'am," natatawang sagot saakin ni kuya

"Ano Be Atras na?" Tanong sakin ng magaling kong fiancé habang naka smirked.

"Ano ka? Hindi no! Kaya ko to. " Sabi ko, kahit halatang nangangatog na tuhod ko

"Sabi mo yan ha?" Tanong niya at hinawakan yung kamay ko habang yung isa ay hawak yung Go Pro niya.

"1.2.."

"Kyaaaaaaahhhh" sigaw ko habang naka pikit

"HAHAHAHA. Gaga wala pa." Sigaw ni ate

"3." Pag ka tulak pa lang saamin nag simula na ako sumigaw, sorry yam kung mabibingi ka.

"Yam, kahit mukha kang ewan ngayon mahal na mahal padin kita." Napatigil ako sa pag sigaw at tinignan nang masama itong katabi ko.

"Babatukan talaga kita oras na makababa ako dito"

"Papakasalan padin kita kahit panakit ka," sabi niya at kinindatan ako

"Kinilig ako be, 3% HAHAHAHA." Sa katatawa ko hindi ko namalayan tapos na pala yung zip line.

Pinanuod namin yung video sa Zip line grabeng panget ko, kainis to si Enzo trip na trip ako e.

"HAHAHAHA. Sulit! Anong next Yam?" Sabi niya habang nag lalakad kami.

"Horse back riding." Sabi ko ng maka kita ng kabayo

"Sige." Sabi niya at inakbayan ako papunta sa area kung saan ang horse back riding

"Ma'am, Sir iisang kabayo na lang po meron kami e." Napa simangot na lang ako sa sinabi ni Kuya,

"Kaya po ba ng kabayo niyo ang isang mataba at gwapong macho?" Natatawang tanong ni Enzo kaya binatukan ko naman itong magaling kong boyfriend.

"sige mag buhat ka pa ng sarili mong bangko" kumento ko naman

"HAHAHAH. Sorry na. Ano kuya pwede po ba?" Tanong niya ulit

"Opo sir. Dito po tayo." Sabi niya at inalalayan kaming maka sakay sa kabayo, si enzo yung nasa likod ako naman yung nasa harap.

"Kuya pa picture naman oh." Sabi ko at inabot kay kuya yung phone ko ng maka sakay ako sa kabayo.

"1.2.3"

"Kyaaahhhh." Sigaw ko ng biglang tumakbo yung kabayo

"HAHAHAHA," Tawa naman ni Enzo

"Lorenzo Park! Umayos ka!" Sigaw ko pa

"Hahahaha. Sorry na." Sabi niya at pinabagal ang takbo nung kabayo

"Tss." Naka ilang ikot lang kami ni Enzo pag ka tapos non nang mapag desisyunan naming kumaen na ng Dinner dahil halos pagabi na at feeling ko amoy kabayo na kami.

"Naka pag pa reserved nako sa restaurant jan sa baba. Kita na lang tayo don?" Sabi niya ng maihatid ako sa tapat ng kwarto namin ni ate

"Yeah sure. Ligo kana amoy kabayo kana e." Biro ko

"Ah ganon pala ha?" Agad niya akong niyakap at kiniliti sa tagiliran ko

"Wahahaha. Be, tama na hahaha isa!" Saway ko sakanya

"Hahahaha Dalawa." Asar niya pa

"Tatlo Enzo, Hindi na kita papakasalan. HAHAHAHA"

"Seryoso ka na ba niyan? Hahahaha." Sagot niya

"HAHAHA. Tang*na oo sabi HAHAHAHA"

"Hindi naman halata." Dagdag niya pa at patuloy kang sa pangingiliti saakin.

"Arrrrgh!! Bwisit ka! Bitaw. Hahahaha" bwisit tong fiance kong to. Tinigil niya na ang pangingiliti saakin at mabilis na hinalikan ako sa labi sabay takbo papunta sa kwarto nila.

Nakakatuwa lang isipin na Summer na naman, mag a anniversary na naman kami, akalain mo yon, 6years na simula ng nakawin niya ang puso ko. Lalalala! Corny kona maka paligo na. HAHAHA

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon