CHAPTER 35: REVELATION

3 2 0
                                    

Devine Joy POV

"Buntis ako si Lorenzo ang ama." Sabay sabay kaming humarap at nakita namin ang naka ngiting mukha ni Kim

"Alam mo ija ayos lang na mag buntis ka. Ang kaso wag mong ipa ako sa iba.'' Ramdam ko sa boses ni Tita na nag pipigil na siya ng galit

"Damn!" si tito habang nakahawak sa sintido at wari'y hindi na alam ang gagawin

"Mom, Dad ako na po ang bahalang kuma usap sakanya." Sabi ni Enzo at lumapit kay Kim

''Bakit Lorenzo ayaw mo bang malaman nila na ikaw talaga ang ama nitong dinadala ko?" Tanong ni Kim

"Kim ano ba manahimik ka na!" sigaw ni Enzo sakanya

Sa mga oras na yon hindi ko alam kung bakit naubusan ako ng boses hindi ko mahanap na makapag salita tulala lang ako hindi ko alam ang iisipin, hindi ko alam ang gagawin, paano niya nagawa sakin to.

"Ija halika muna sa loob. Hayaan muna natin si Lorenzo at ang Daddy niya na kausapin ang babaeng 'yon," sabi ni tita at inalalayan ako papasok ng mansion

"Uminom ka muna." Sabi ni tita at inabot yung juice saakin

"Salamat po," sagot ko at ininom yung juice habang nanginginig angkamay

"So ano ng plano mo?" Tanong niya saakin

"Hindi ko po alam." Sagot ko, actually wala pang pumapasok sa isip ko, hindi ako galit kay Enzo dahil hindi ko pa naman naririnig yung side niya pero kasi ang sakit lang na mag kaka anak siya sa babaeng yon.

"Ija ano man ang maging desisyon mo, andito lang ako susoportahan kita." Sabi niya at niyakap ako

"Thank you po tita." Sagot ko at niyakap ko rin siya

"Kung ipag lalaban niyo ang relasyon niyo susoportahan ko kayo. Dahil naniniwala ako na pag subok lang to sainyong dalawa. At kung isusuko mo man ang relasyon niyo, okay lang ma iintindihan ko." Dagdag niya pa

"Maraming maraming salamat po talaga tita Loraine, pero siguro po uuwe muna ako, gusto ko pong mapag-isa."

"Osige ija, mag iingat ka." Dagdag niya pa at bumeso saakin at inihatid ako hanggang maka rating ng sasakyan

Ng maka pasok ako sa sasakyan doon na nag simulang tumulo ang luha ko, doon lang nag sink in saakin ang lahat.
Pagka rating ko ng mansion si mama ang una kong hinanap dahil alam kong matutulungan niya ako.

"Oh anak anong nangyari sayo?" Tanong niya saakin, hindi na ako nag salita niyakap ko na lang siya

"Mama.... Si Enzo" Sabi ko habang umiiyak

"Bakit anong nangyari?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ko

"Na-na Naka buntis siya ma." Lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay mama, matapos kong sabihin yon matagal rin kaming hindi nag sasalita ni mama umiyak lang ako ng umiyak habang yakap niya.

"Ano ba talagang nangyari ha?" Tanong niya ulit

"Ma, nung last day namin sa paris ang cold niya na saakin hindi ko alam kung bakit, hanggang sa nakauwi na kami ng pilipinas ang cold niya pa din, hindi man lang siya nag te text saakin, kaya pinuntahan ko siya kanina, at habang nag uusap kami bigla na lang may nag wawala sa labas ng mansion kaya lumabas kami, at doon sinabi nung babae na nabuntis siya ni Enzo, ma anong gagawin ko?" Napatakip na lang ako ng kamay sa mukha ko dahil unti-unti na namang nag unahan sa pag patak ang mga luha ko

"Aaminin ko nagalit ako ng marinig ko ang mga sinabi mo, pero kung mapapatawad mo si Lorenzo mapapatawad ko rin siya, bibigyan kita ng oras makapag isip, kung ano man ang magiging desisyon mo andito lang kaming pamilya mo para suportahan ka. Mag pahinga kana anak. hindi ka pwedeng mag desisyon ng ganyan ang sitwasyon magpa kalma ka muna." Nag nod lang ako at pumunta na sa kwarto ko

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon