CHAPTER 9: A DAY WITHOUT HIM

9 3 1
                                    

Devine Joy POV.

Bago ako pumasok ng school, kinakabahan ako parang ayoko pa munang makita si Enzo, pero anong magagawa ko e andito nako sa gate hayst sige na nga push.

1st day ko, 1st day ng walang Enzo. Single na naman ako. meron sakin ang nag sisisi at nabigla ng makipag hiwalay ako kagabi pero wala e nasabi ko na.

Pag ka pasok ko sa classroom nakita ko yung upuan ko may bouquet ng blue roses. Naiiyak na naman ako nami miss kona kase siya, pero wala e desisyon ko to kaya papanindigan kona lang. Kinuha ko siya at dinala sa locker.

Bumalik ako sa classroom ng para akong isang zombie, maga ang mga mata naka yukong nag lalakad wala sa sarili kaya ang ending...

"Aray" tumalbog ako dahil may nabungo ako

"Sorry..." Sabi ko ng maka tayo, nag lakad na lang ulit ako

"Hindi mo ba ako kakausapin? Ikaw kaya ang pinunta ko dito." Nilingon ko siya at nagulat ako ng makita siya

"Trip... Salamat," nasabi ko na lang habang nakatingin sa mga mata niya

"umiiyak ka na naman?" Tanong niya pa bago ako nilapitan

"Wala na kami ni Enzo." Pag ka sabi ko non agad na tumulo yung mga luha ko. Ang tanga ko no? Ako tong nakipag break pero ako tong iyak ng iyak.

*bogsh* nagulat ako ng makitang naka bulagta na si Trip dahil sinuntok siya ni Enzo. Tinignan ko si Enzo may sugat siya sa gilid ng labi niya, siguro nakipag basag ulo na naman to

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ni Trip at kinuwelyuhan si Enzo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung anong irereact ko nasaaamin na ang atensyon ng lahat ng studyante dito

"Ikaw! Ikaw ang problema ko kasi lapit ka ng lapit sa girlfriend ko!" Sigaw ni Enzo at tinulak si Trip.

"Hahaha. Baka gusto mo pang ipaalala ko sayo na WALA NA KAYO! at lahat yon kasalanan mo!" Sigaw rin ni Trip sakanya

"Hayuuuup ka! may gusto kaba sa girlfriend ko?!" Sigaw ni Enzo, tumakbo ako palayo sakanilang dalawa hindi kona alam ang gagawin ko. Hindi kona alam ang dapat kong isipin mababaliw nako.

Lumabas ako ng school at pumara ng taxi para makauwi na sa mansyon, gusto ko muna mapag isa. ayoko muna makita ni isa sakanila naguguluhan nako.

Buong mag hapon iyak lang ako ng iyak. Hindi parin ako kumakaen, wala kase akong gana. Para bang gusto ko lang umiyak ng umiyak hanggang sa mamanhid na ako at mawala na yung sakit.

"Friend!!!!" Sigaw ni Shayne pag ka bukas niya ng pinto ng kwarto

Umupo ako sa kama habang yakap yakap yung unan ko.

"Grabe ka. Iniwan mo yung bag mo sa school tapos andito pala yung phone mo, ring ng ring to sa klase. Tsaka sabi ni Butler shin hindi ka pa daw kumakaen." Sabi niya at umupo sa gilid ng kama.

"Sorry..." Sabi ko

"Wag ka na ngang umiyak." Sabi niya at niyakap ako.

"Tsaka nabalitaan ko yung away ni Enzo at Trip." Kumalas ako sa pag kakayakap curious lang kase ako.

"Anong nangyari? Okay lang ba sila? Si Enzo kamusta?" Sunod sunod na tanong ko, nag aalala naman kase ako kay Enzo.

"Chillax friend papatalo ba yung boyfriend mong basagulero. Tsaka jan ka lang kukuha ako ng pag kaen." Kinuha ko yung cellphone ko sa bag . 88 missed calls. 45 new messages. Galing kay Trip at Enzo

Binasa ko yung mga text nila, pero may isang nag paiyak ng sobra saken.

From: Enzo Yam.

Hindi kita susukuan Yam, mahal na mahal kita. alam kong mali ako, babawiin kita. pang hahawakan ko ang pangako nating tayo lang habang buhay.

"Friend naman umalis lang ako saglit, pag balik ko umiiyak kana naman. Heto oh mag lunch ka muna." Kinuha ko naman yung pag kaen at kinaen yon, gutom narin naman kase ako.

"Salamat." Sabi ko ng maubos yung pag kaen.

"Inom tayo gusto mo?" Tanong niya

"Loka pano ka uuwe pag nalasing ka? Tsaka Mababa lang ang tolerance natin sa alak." Totoo naman kase mabilis lang kaming malasing

"May dala akong damit. Sleep over! Hihihi. Tsaka mag ayos kana mag papa ka lasing tayo. Young.Single.Wild and FREE! " Sigaw naman niya, natawa ako para kase siyang timang naka taas pa ang dalawang kamay.

[Location: Bar, VV.I.P Room.]

Ang daming inorder na alak ni Shayne treat naman daw niya kase to, kaya susubukan namin lahat ng alak, jusko good luck talaga. Yung driver anjan sa labas ng bar, dahil for sure hindi kame makaka uwe ng matino.

ilang oras na ang lumipas simula ng magsimula kaming uminom at heto kami ngayong dalawa wala na sa sarili.

"Pwend, ang sharap pela maleseng, hehehe."

"Hahaha. Uwe na keya *hik* tayow? Nahehilow *hik* nake e," umiikot na yung paningin ko sa dami ng nainom ko.

"Tewegan ko lang si menong drever!" Sabi niya at nag dial.

Lumabas na kame ng VVIP room , pa gewang gewang pa ang lakad naming dalawa, naka sa lubong naman namin yung driver inalalayan niya ako pero sabi ko si Shayne na muna ang dalhin niya sa kotse dahil hindi na nito kaya.

Sa susunod pala mag iinom ulit ako, ang sarap sa feeling e, parang wala akong problema. Napadaan ako sa lugar kung saan maraming nag sasayaw nabanga nila ako kaya nawala ako sa balance pero may sumalo saken.

Hehe hindi nasabi saken ni Shayne na kapag laseng pala mag de delirio ka.

"Hi. Ensho." Hinaplos ko yung mukha niya, miss na miss kona siya kaya siguro ang tingin ko siya yung sumalo saken

"What the hell Devine? Bakit ka nag paka lasing." Tumulo yung luha ko, naaawa nako sa sarili ko sa sobrang pag ka miss ko kay Enzo siya na yung nakikita ko.
Naramdaman kona lang na pinunasan niya na yung luha sa mga mata ko,

"Mehal na mehal kita.... Ensho"

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon