CHAPTER 51- EPILOGUE

12 2 0
                                    

Lorenzo POV

"Time of death 6:54pm"

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ang marinig iyon mula sa doctor ay parang gusto ko na ring bawian ng buhay. Ano pang silbi ng buhay ko kung wala naman dito ang asawa ko. Puro hikbi at iyakan lamang ang maririnig sa buong pasilyo ng hospital, parang pati ang langit ay nag dadalamhati sa pagkawala ng babaeng nag mistulang kasiyahan para sa lahat. Ang mga ngiti niyang nakakapag pagaan sa pakiramdam ng lahat, ang tawa niya na nagiging dahilan ng pag halakhak ng mga tao sa paligid niya.

Hindi ko kayang makita ang asawa ko na nakahiga habang wala ng buhay, agad akong lumabas ng hospital at pumunta sa lugar kung saan walang ibang makaka kita ng pag dadalamhati ko.

She told me I was enough
She told me I was all she needed
I never told her but she was all that I could ever ask for.
My tears suddenly fall as I remember her smiling at me and lighting up my world.

Pinagsusuntok ko ang pader dito sa parking lot dahilan para magdugo ang kamao ko galit na galit ako, hindi ko man lang nakita ang dapat ay anak naming dalawa, nakaka asar na hindi man lang nag tagal yung kasiyahan namin.

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhh!" Buong lakas ang ibinuhos ko sa pag sigaw na yon for me to lessen up the pain. Halos masabunutan ko na ang sarili ko habang nakaluhod sa sahig, hindi ko na kaya sobrang hinang hina na ako

"Son" lalong bumuhos ang luha ko ng yakapin ako ni Mommy it seems like her hug was provoking me to burst out the pain I am feeling right now

Time flies so fast and this is the day to finally let her go. Hindi ko parin tanggap na wala na siya parang kahapon lang ng ikasal kami, ngayon iiwan niya na ako ng tuluyan.

Simula ng unang araw ng burol niya hindi na ako umalis sa tabi ng kabaong niya, parang isang beses lang ako kumain sa isang araw, kung hindi pa ako tatayo sa upuan ko para maligo hindi pa ako makaka kain. Sa isang linggong burol niya hindi ko siya iniwan, araw araw inaalala ko lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Hindi ako umalis sa tabi niya sinulit ko yung mga huling araw naming dalawa ng mag kasama palagi lang akong nakatitig sa mukha niya hinihintay ang pag dilat niya, umaasa na ngingiti siya babangon at yayakapin ako.

Thank you for everything. Thank you for the love. I will forever be thankful you came into my life, Yam Iloveyou. Kasabay ng pag patak ng holy water as I blessed her coffin my tears run down to my cheeks again niyakap ko ang coffin niya bago bumalik sa upuan ko, hindi ko parin talaga siya kayang bitawan.

Tinap ni daddy ang balikat ko pagka balik ko sa tabi niya, mamaya lang wala ng bakas niya ang maiiwan sa mundong ito, mamaya lang kahit anong parte ng katawan niya hindi ko na makikita pang muli, mamaya lang mag isa na talaga ako.

Isa isa na naming ihinulog ang paborito niyang bulaklak kasabay ng unti unting pag baba niya sa lupa, halos mahimatay na si Tita sa pag iyak niya, samantalang mararamdaman mo ang sakit sa bawat hagulhol ni tito, mahal na mahal talaga ng lahat ng nandito si Devine. Isa isa na nilang pinalipad ang mga puting lobo nila pero ako hawak hawak ko pa ang lobo habang naka titig dito, hindi ko kaya! Hindi ko pa kaya, lalaki ako pero hindi ko kakayaning bitawan talaga siya hanggang ngayon wala pa ring tigil ang pag tulo ng luha ko

"You have to let her go. Mahirap at masakit pero anak kakayanin natin to. Masasaktan siyang makita kang ganyan" bakas parin ang sakit sa mga mata ni tito napatingin ulit ako sa lobong hawak ko pumikit ako habang unti unting niluluwagan ang pag kakahawak ko dito

"You will always be in my heart. Iloveyou wife!" Pag dilat ko wala na sa mga kamay ko ang lobo lumipad narin ito hanggang sa hindi ko na nakita pa

"Be brave son. Hindi lang natin nakikita si Dj pero nandito parin siya." Niyakap ako ni tito bago siya umalis

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon