CHAPTER 3: SURPRISE

16 3 1
                                    

Devine Joy POV.

Matapos kong mag walk out, hindi na'ko nag pakita kay Enzo tapos nung uwian tinext ko syang susunduin ako ni Pappy kahit hindi naman talaga. Si Pappy ang Lolo ko.

Tapos hindi man lang ako sinuyo? Nakakainis. Bakit ba kase dumating dating pa yang si Kim na yan e.

"Oh apo. Bakit hindi maipinta yang mukha mo ?" Tanong ni Pappy. Sa bahay kase ako nila mamu natulog kaya hinatid nya ko sa school ngayon.

"Wala po to pappy." Sabi ko sakanya

"Nag away kayo ni Enzo noh?" Tanong niya.

"Hindi po Pappy." Nag nod lang si pappy, at hindi na'ko kinulit pa.

"Oh apo andito na tayo. Susunduin ba kita mamaya apo?" Hmm. Wag na siguro pagod na si Pappy mamaya dahil maraming ginagawa sa hacienda.

"Pappy wag napo okay lang po ako. Tsaka po baka sa bahay na'ko matulog mamaya. Bye Pappy." Sabi ko at nag beso sakanya.

"Ingat apo. Ayusin nyo na yan ni Enzo wag niyo na patagalin." Nag nod lang ako sakanya. Hay kilala na talaga ako ni Pappy.

"Good morning Devine." Bati ni manong guard.

"Good morning rin po manong guard.'' Palagi niya akong binabati kapag papasok ako ng gate ng school,

"Bulaklak para sayo." Sabi niya at inabot saken ang isang Red rose. Kunot noong tinangap ko yun.

Naglakad na lang ako papuntang classroom medyo malayo nga lang dahil ang laki ng school.

"Hi Devine. Flowers for you." Sabi ng isang senior student kinuha ko naman yung Red rose na binigay niya. Haynako ano bang nangyayari bakit binibigyan nila ako ng bulaklak.

Naglakad lang ako papasok ng school ng may maka salubong ulit akong lalaki,

"Hi Devine. Para sayo pala." Ngumiti ako sakanya at inabot ang isa pang red rose na galing sakanya. Can anyone tell me what's going on?.

Malapit na'ko sa hagdan ng biglang may isa pang senior na lumapit saken.

"Devine oh." Kinuha ko ulit yung bulaklak. Ano ba talagang nangyayare ang aga aga ganito aga? 6:30am pa lang oh.

Nang nasa hallway nako papuntang class room may isa pa ulit na nag bigay saken ng bulaklak.

Ng matanaw kona yung classroom natuwa ako, hay sawakas matatapos na tong flower giving nato. Pero hindi pa'ko nakakalapit sa pinto may isa pang nag bigay saken ng bulaklak.

Finally naka tungtong na rin ako sa classroom, matatapos nato. -_- bakit pati sa upuan ko meron pang isa? Mag tatayo bako ng flower shop? Kinuha ko yung bulaklak sa upuan at inilagay yung bag ko don, may naka dikit na note sa bulaklak.

Good morning beautiful. :)

Corny mo! Sabi ko sa isip ko.

"Good morning friend. Flower for you oh. Pang walo yan meaning infinity. Ayiieee" At inabot niya saken yung rose na hawak niya.

"Pati ba naman ikaw?" Tanong ko pag kakuha nung bulaklak niya.

"Choosy paba? Halika nga dito." Lumapit siya saken at nilagyan ako ng blind fold.

"Hoy! Ano Shayne tanggalin mo nga yan." Sigaw ko

"Hindi. Sumama ka saken hihi. Don't dare speak! " Hinila niya ako habang naka blind fold ay kainis. After ng medyo malayong lakaran tumigil narin kame. May narinig akong sigawan.

'Kyaaaah.'
'Waaa. Anjan na sya.'
'Ayiiieee.' Ganyan yung mga naririnig ko gusto ko sanang tanggalin yung blind fold kaso hawak ni shayne yung mga kamay ko,

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon