CHAPTER 37: GUILT

5 2 0
                                    

Devine Joy POV.

Malapit na manganak si Kim 3months na lang, akalain mo yon? Almost 6months din akong nag tiis. Tinitiis ko yung sakit sa tuwing magkasama si Kim at Enzo sa check up, hindi ako makasama dahil may pasok na. Tinitiis ko yung sakit sa tuwing makikita ko sa mga mata ni Enzo na excited na siyang lumabas yung bata. Ginugugol ko na lang lahat sa pag aaral para kahit papano mawala yung sakit.

"Nandito ako hindi para makipag talo, nandito ako dahil gusto talaga kitang makausap." Sabi ni Kim ng maka upo siya sa tapat ng upuan ko nakipag kita siya sa isang coffee shop malapit sa university na pinapasukan ko

"Spill it." Sagot ko at ininom yung kape ko

"Iwan mo na si Lorenzo. Please Devine," Tinignan ko muna siya ng seryoso sa mga mata niya bago ako nag salita

"We are almost seven years, then who are you to please me to broke up with him? " Galit kong sagot sakanya, hindi ako tanga para balewalain lahat ng sakit na tiniis ko ng almost 6months, at mas lalong hindi ako tanga para isuko ng basta ang pitong taong relasyon na pinaghirapan kong buuin para lang sa babaeng kagaya niya. Tumayo na ako at akmang aalis na ng bigla niyang hawakan ang kamay ko ng naka luhod.

"Hoy Kim tumayo ka na nga jan," sabi ko at pilit siyang itinatayo

"Please Devine, hindi ko 'to ginagawa para sa sarili ko ginagawa ko ito para sa anak ko, hindi ito para sa sarili ko para ito sa anak ko kahit habang buhay akong lumuhod sa harap mo gagawin ko dahil ganon magmahal ang isang ina sa anak niya." Para akong sinampal ng mga sinabi niya, sa isang iglap parang naging isang masamang tao ang tinggin ko sa sarili ko, nabitawan ko ang mga kamay niya dahil natulala ako sa sinabi niya.

"Aalis na ako.'' Yun lang ang nasabi ko at iniwan siyang naka luhod doon sa loob ng coffee shop.

Hindi ko alam pero naguluhan ako sa mga sinabi ni Kim, naawa ako sa sarili ko ng maisip kong nakikipag agawan ako ng oras na dapat ay para sa anak ni Enzo. Napa isip rin ako na kung kaya nabaliktad ang sitwasyon at ako ang nabuntis at si Kim ang fiance paano kaya ako mag mama ka-awa kay Kim na ibigay niya ng buo si Enzo.

hindi na ako naka pasok dahil sa kakaisip sa mga sinabi ni Kim, pilit ko yung winawaksi sa isip ko dahil pinipilit kong tama ang desisyon kong ipaglaban si Enzo, pero bumabalik ang katotohanang sa aming dalawa ng bata ako ang nang aagaw.

Hindi ko alam ang gagawin ko, ang hirap hirap at ang sakit sakit gawin ng tama. Hindi ko kakayaning mawala si Enzo, pero hindi ko rin kakayanin mabuhay ng binabagabag ako ng konsensya ko. Gustong gusto kong ipaglaban si Lorenzo at alam ko sa sarili ko na gusto niya rin akong ipaglaban, pero paano? paano ko pa ilalaban ang relasyong may batang masasaktan.

Hindi ko naranasan mabuhay ng walang ama sa tabi ko, pero alam ko kung gaano kahirap ang buhay ng may kulang. ayokong mahirapan ang bata, hindi ako ganon kasama, hindi ako ganon ka makasarili. walang kasalanan ang bata sa lahat ng nangyayari hindi siya karapat dapat masaktan at mahirapan.

Kung ano man ang magiging desisyon ko, para to sa magiging anak ng taong pinaka mamahal ko.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon