CHAPTER 21:LAST DAY OF SUMMER.

5 3 0
                                    

Devine POV.

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa natapos na ang Summer.

"Wag kanang malungkot, weekly naman tayo mag kikita e, isasabay ka daw ni mommy." Bahagya akong tumingala para makita ang mukha niya. Naka higa kami sa kama niya habang naka unan ako sa braso niya.

"Oh, bakit hindi ka nag sasalita." Tanong niya ng mahalikan ang noo ko

"Gusto ko lang titigan yung mukha mo." Sabi ko habang nakatitig parin sa mukha niya. Mga mata niyang parang may eyeliner, makintab at mgandang itim ng mata niya, mahabang eyelashes, matangos na ilong, mapupulang labi. At napaka kinis na mukha isama pa yung hikaw sa kanang tenga niya.

"Baka naman matunaw nako niyan," natatawang biro niya

"Edi mabuti, ilalagay kita sa bote kapag tunaw kana para palagi kitang kasama." Mabilis na tumulo ang mga luha ko, ewan ko ba hindi ko mapigilan malungkot, siguro dahil this fast few years siya na yung naging mundo at buhay ko, kaya siguro hirap nakong mapalayo sakanya. hindi ako sanay ng wala siya sa tabi ko

"Wag ka ng umiyak, sige ka baka hindi nako maka-alis." Sabi niya at pinunasan yung mga luha ko.

"Bahala ka. Kaya ko ang Unli-iyak."

"Kaya naman kita patawanin." Hindi nako nag salita pa at niyakap na lang siya. Hanggang sa hindi ko namalayang naka tulog na pala ako sa mga bisig niya.

"BebeYam. Gising na."

0_-
-_0
0_0

Gabi na? Bakit parang kakatulog ko lang a. Hinalikan niya agad ako sa noo ko.

"Dinner na tayo?" Naka ngiting tanong niya

"Gabi na talaga!?" Tanong ko

"Oo. Kaya halika na." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko palabas ng kwarto niya.

"Asan sila Tita?" Tanong ko ng maka-upo na sa dinning

"Wala, sa labas daw sila mag di dinner." Naka ngiting sabi niya habang nag hahain.

"Ikaw nag luto lahat ng Yan?" Tanong ko

"Oo. Alam kong mami miss mo yang mga yan." Sabi niya

Nalungkot na naman ako kapag na-aalala kong last day na ng summer. Bukas aalis na siya, bukas may pasok na ako. Hindi ko siya maihahatid.

Pinisil niya yung pisngi ko. "Kaen na." Sabi niya ng malagyan ng pag kaen ang plato ko.

nang matapos kaming kumain ay inihatid niya rin ako agad sa bahay, kahit pa sinabi ko ng sakanila ako matutulog.

"Hindi ba talaga kita pedeng ihatid?" Tanong ko ng maka baba ng kotse niya

"Hindi. And besides first day of school mo as Fourth year student. Sige na pasok na, mag kikita pa naman tayo this week end e. Yun ay kapag tapos mo na assignments at projects mo." Sabi niya at ginulo yung buhok ko

"Naman ihh." Pag mamaktol ko, hinalikan niya ako sa noo ko

"Sige na pasok na may pasok kapa bukas." Sabi niya at bahagya akong tinulak papasok. Nag wave na lang ako sakanya at unti-unting nag lakad papasok.

Hindi pa man ako nakaka pasok sa loob ng malaking gate ng mansion namin, nilingon ko siya at nakita kong naka talikod na siyang nag lalakad papasok sa kotse niya habang naka pamulsa. Mabilis akong tumakbo palapit sakanya at niyakap siya habang naka talikod saakin.

"*hik* BebeYam. Mami miss kita*sob*" humarap siya at niyakap na rin ako pabalik habang hinihimas ang buhok ko

"Mami miss rin kita, wag ka ng umiyak." Pang-aalo niya saakin.

"Yam. Mahal na mahal kita. Wag mokong ipag papalit sa iba ha? Subukan mo lang talaga susugudin kita sa E.U" inihiwalay niya ako sa Yakap niya at matamang tinignan sa mga mata ko.

"Haha. Ngayon pa ba naman ako mag loloko? Kung kailan malapit mo nang makuha ang apelyido ko?" With his pilyo looks lalo akong kinilig sa mga sinasabi ng mokong nato.

"Promise.?"

"Promise." Nag pinky swear kami hanggang sa mabuo na puso. Kung paano? Basta.

"Sige na. Pasok na wag ng makulit." Sabi niya ng mapunasan yung luha ko. Nag nod lang ako at pumasok na sa loob ng mansion.

Sabi nila sa isang relasyon daw, merong isang matatag at sa lagay namin, si Enzo yun dahil alam kong kahit gusto niyang malungkot hindi niya pinapakita saakin dahil alam niyang lalo lang akong masasaktan. Mami miss ko talaga siya ng sobra. Ang itinatatak kona lang sa isip ko, mabilis lang lilipas ang 3 years. Malalagpasan namin to, isa lang to sa pagsubok na pag dadaanan namin.

Matapos kong maligo nag bblow dry ako ng buhok habang hinihintay ang text no Enzo pero wala akong natanggap kahit isa. 10pm na din ng itext ko siya ng "Goodnight" pero hindi din siya nag reply baka busy siya pag aayos ng gamit. inabot na ako ng 2am pero hindi pa rin ako makatulog pinipigilan ko kasi ang sarili ko na pumunta sa bahay nila at ihatid siya.

papayagan naman ako nila Mama, pero aayaw naman ni Enzo na aabsent ako. nakakainis naman, hindi pa naman ako sanay na naghihiwalay kami ng hindi nag kikita. sa sobrang kakaisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon