CHAPTER 19:THE VOW.

6 3 0
                                    

Devine Joy POV.

"Buenas Diaz! Como estas Dj?" Tanong ni papa ng maka upo ako sa upuan ko para kumaen.

"Genki papa. " sagot ko at ininom yung hot chocolate ko.

"San lakad?" Tanong saakin ni mama

"Date po." Sagot ko habang kumakaen ng favorite kong sinangag, bacon, at hotdog.

"Hindi na kayo nag sawa ni Enzo sa isa't-isa, kakauwe lang natin kahapon galing isla date naman ngayon?" Reklamo ni kuya habang kinakain yung sandwich niya.

"Oonga." Dagdag pa ni ate habang ini-inom yung kape niya.

"Edi mag hanap rin kayo ng date niyo." Sagot ko sakanila at pinagpatuloy ang pag kaen.

"Susubukan ko ang pag mamahal mo para sakanya anak. Bakit mo siya mahal.?" Tanong ni papa.

"Hindi kopo alam."

"Bakit?" Naka ngiting tanong ni Papa

"Because I do believe na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi ito nangangailangan ng dahilan. Dahil para po saakin, kailangang mahal mo siya 'KAHIT NA', hindi 'DAHIL SA'. That's all THANK YOU!" proud kong sagot sakanila, napangiti naman silang lahat sa sagot ko.

"Pang beauty queen a" biro ni kuya.

"Blehh---"

"Lady Devine anjan napo si sir Lorenzo." Nag nod lang ako kay Butler

"Papasukin mo na muna." sabi naman ni papa

"Hindi na daw po Master, mag hihintay na lang daw po siya sa labas"

"Bye ma,*kiss sa cheeks* bye pa.*kiss sa cheeks* bye kuya bye ate.*sabay batok sakanila.*" kinuha kona yung bag ko at nag lakad palayo.

"Take care Dj."

"Yeah. I will papa."

inabot kami ng ilang oras sa byahe bago kami nakarating sa isang malaki at magandang simbahan

"Bakit tayo nasa simbahan Yam?" Tanong ko ng maka baba ako ng kotse niya.

"Mag papakasal tayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko papasok ng simbahan.

"Pero.... Diba hindi pa pwede?"

"Sinong may sabing hindi pa peede?" Naka ngiting tanong niya saakin

"Our age?"

"Maaring sa mata ng iba, hindi pa tayo pwedeng mag pakasal pero sa mata ng diyos pwede na tayong mag pakasal." Sabi niya ng maka luhod na siya sa luhuran.

"Ako na mauuna ha." Pumikit na siya at humarap na sa unahan. "Na ngangako ako sa harap ng diyos na ikaw, Devine Joy Imperial ang tanging babaeng mamahalin ko. Saksi ang langit at lupa na tayo lamang. Ikaw at ako, ako at ikaw mahal ko sumusumpa ako. Sayong sayo lang ang puso ko, mamatay man ako ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Dahil ang pagmamahal ko para sayo ay walang kamatayan. Yam, alam ko namang hindi perpekto yung relasyon na meron tayo, nag-aaway tayo, tampuhan, at dumating pa nga tayo sa puntong nag hiwalay tayo, pero ngayon heto tayo at nag papalitan ng mga pangako para sa isa't-isa, Yam maraming maraming salamat dahil ako yung minahal mo, ako yung mahal mo at alam kong ako yung mamahalin mo. Iloveyou BebeYam to infinity and beyond. " Huminga ako ng malalim bago simulan yung pangako ng pag-ibig ko para kay Enzo. Gusto ko ng umiyak dahil sa sobrang saya ko.

"Wala na akong mahihiling pa sa buhay kong ito kung hindi ang maikasal sayo, at ngayon ang araw na mangyayari ang pangarap ko, salamat Enzo dahil ako yung pinili mo para pakasalan. Lorenzo Park sa harap ng mga santo dito nangangako rin ako na sayo lang ang puso ko, harangan man ako ng kung sino para ilayo sayo, handa ako ipag laban ka dahil hindi ko nakikita ang future ko ng hindi ikaw ang kasama ko. Habang buhay kong ipag papasalamat na ikaw ang binigay ng langit saakin, Sorry yam for being childish someday. And thank you for accepting me for who I am. Mahal na mahal kita." Nilingon ko siya at nakita kong tumulo yung luha sa mata niya habang naka ngiti siya, ngumiti ako sakanya at pinunasan yung luha niya.

"Oh bakit ka umiiyak.?" Tanong ko

"Masaya lang ako. At ngayon ikaw naman ang paiiyakin ko" naka ngiting sabi niya ay hinila ako sa mismong gitna ng simbahan kung saan pumupwesto ang mga ikakasal.

Hinawakan niya yung kamay ko at matamang tumingin sa mga mata ko.

"Devine, Yam. Salamat sa pag paparamdam saakin ng totoong pagmamahal, thank you for everything. Thank you for accepting my undying love for you. All my life I've never been deadly in love, until you came" Tumulo yung luha ko dahil sa saya, sobrang saya ko. Ngumiti siya sa akin at lumuhod na sobrang ikinagulat ko. "Yam, I hope you accept this ring as a sign of my loyalty. I don't want you to be my girlfriend anymore because i want you now as my wife. Sorry dahil nauna yung kasal bago ang proposal HAHAHA. Now, Devine Joy Imperial Will you be my happily ever after ?" Naka ngiting tanong niya saakin, lalong nag unahan ang mga luha ko sa pag patak, sobrang saya lang na ang dating pinapangarap ko ngayon ay mang yayari na. Lord thank you very much.

Tumango tango ako habang nakangiti at may luhang tumutulo sa mga mata ko,

"Yes... Enzo Yes. I will marry you, I will be your happily ever after." Naka ngiting sabi ko parin sakanya.

"Talaga?" Hindi maka paniwalang tanong niya habang isinu suot saakin ang sing sing.

"Yesss!!!!" Sabi niya at niyakap ako, niyakap ko rin siya, ramdam kong masaya siya dahil umiiyak siya ngayon.

"Lord. Thank you for giving me this kind of girl, thank you!" Sabi niya ng maka harap siya sa unahan.

When I was a child, I always wonder if there is someone who is willing to spend the rest of his life with me. And now I'm so thankful that God gave me him, the one that I could share my happily ever after.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon