CHAPTER 46- CLOSURE

3 1 0
                                    

DJ POV.

"Mahal labis akong nananabik na muling masilayan ang mga ngiti mong kasing ganda ng liwanag ng buwan,
Ang iyong mga matang mistulang bituin sa ganda ng pagkaka kinang
Mayakap kang muli, na para bang nakayakap ako sa unan
Mahagkan ang mga labi mong maiihalintulad sa ulap "
Naka ngiti kong sambit habang naka tingin sa buwan, gabi na pero nandito parin ako sa park naka upo sa swing dinuduyan ang sarili.

Anniversary dapat namin ngayon ni Enzo e. Hayyy makaka move pa kaya ako? Ang sakit parin sariwa parin sa isip ko yung nakita ko kahapon habang masaya siya kasama ang pamilya niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang humangin ng malakas dahilan para mapayakap ako sa sarili ko.

"In my arms you are safe. Iloveyou and I don't doubt it. You gave me reasons and you gave me life. In you I will always be happy. Without you I'm a misery."  kasabay ang pagbalot ng jacket sa katawan ko, nanlaki ang mata ko ng makita siyang umupo sa katabing swing habang nakatingin sa mga mata ko hindi ko na napigilan ang pag patak ng mga luha ko agad niya namang pinunasan ito at niyakap ako, hinayaan ko lang siyang yakapin ako sobrang namiss ko siya, malamig ang gabi at tanging mga pag hikbi ko lang ang maririnig.

Maya maya pa naramdaman kong nababasa na ang balikat ko umalis ako sa pag kakayakap niya at pinunasan ang mga luha niya

"Namiss kita... Yam, sobrang miss na kita" sabi niya at hinalikan ako sa labi alam kong mali pero wala akong magawa kundi hayaan ang sarili kong damhin ang mga labi niya... Kahit ngayon lang pagbibigyan ko yung sarili ko dahil alam kong ito na ang huli.

Naupo na ulit siya sa katabing swing habang ako hawak hawak yung jacket niya nakatingin lang ako sa harap namin kung saan makikita mo ang napaka liwanag na buwan.

"Itong park na'to ang naging saksi sa bawat takbo ng relasyon natin" ngumiti siya ng mapait at ipinagpatuloy ang pag sasalita

"Yung puno na yun ang madalas nating tambayan pagka labas ng school, doon din natin inukit yung mga pangalan natin, dito tayo madalas mag date, itong park na'to ang witness nung sinagot mo ako" tumingin siya saakin at ngumiti

"Sobrang saya ko nung araw nayon... pero itong park na din na to ang naka kita kung gaano tayo nasaktan dati." sabi niya at bigla nalang napayuko

"Hanggang ngayon naman itong park padin na'to ang naging saksi kung gaano tayo nasasaktan ngayon" dagdag ko pa habang pinagmamasdan parin ang buwan

Ilang minuto na walang nag sasalita naka tingin lang kaming dalawa sa buwan at sa mga bituin sa kalangitan ng bigla ulit siyang mag salita

"Alam mo simula palang ng sinagot mo ako alam ko na na mag tatagal tayo. Sa mga mata mo nakita ko ang buhay ko sa hinaharap ng ikaw ang kasama ko, akala ko nga ikaw na, akala ko tayo na hanggang sa huli, Sa dami ba naman ng mga pinagdaanan natin, marami man ang sumubok humadlang, masaya ako na nalagpasan natin ng magkasama lahat ng 'yon" naka tingin siya sakin habang sinasabi ang lahat ng yan, tumingin din ako sakanya

"Pero merong isang pagsubok ang hindi na natin pwedeng labanan pa." dagdag ko pa, totoo naman kasi e kahit anong gawin namin hindi na talaga kami pwede pa

"Hindi tayo ang para sa isa't isa" parang dinudurog ang puso ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon, hindi ko pa tanggap e ang sakit sakit parin hanggang ngayon

"Ang unfair ng mundo kung kelan naman nakita ko na yung babaeng mag papasaya sakin, kung kelan nakita ko na yung babaeng hihintayin ko sa harap ng altar at makakasama habang buhay, tsaka naman nag bago ang ikot ng mundo, tsaka naman hindi nakisama ang tadhana" kitang kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya at masakit sakin yun, nasasaktan ako na makita siyang nasasaktan

"Walang araw na hindi ako nag sisisi para sa mga kasalanan at pagkakamali ko." dagdag niya pa habang diretsyong naka tingin sa mga mata ko

"Siguro ito talaga yung plano ng tadhana para saatin kasi kahit anong pilit niya hindi niya tayo mapag hiwalay dati. Kaya ayun gumawa siya ng way para mapag hiwalay na talaga tayo ngayon" Bahagya akong tumawa para kahit papano gumaan yung atmosphere ang bigat bigat na kasi e

"Tanggapin nalang natin na tapos na talaga. Lalo lang tayong masasaktan at mahihirapan kung patuloy pa tayong kakapit sa pag mamahalang palagi namang hinahadlangan." parang pinira piraso ang puso ko habang lumalabas ang mga salitang iyon sa bibig ko masakit, mahirap pero alam kong ito ang tamang gawin, ito ang kailangan naming gawin

"Bakit ang hirap gawin ng tama. Bakit ang sakit sakit gawin ng dapat."  sa gitna ng mga pag hikbi nagawa niya paring sabihin ang mga salitang iyon

Ilang minuto pa ang lumipas tanging malamig na ihip ng hangin lang ang maririnig kasabay ng mga pag hikbi namin, pero hindi rin tumagal tumahimik na ang paligid wala ng pag hikbi at tanging lamig nalang ng panahon ang madarama pero hindi parin maipagkakailang nasasaktan parin kaming dalawa tinitigan niya ako bago niya sinabi ang mga salitang nakapag padurog ulit sa puso ko

"Siguro nga tama ka dapat na nating wakasan ng tuluyan ang ilang taon nating pagmamahalan. Basta palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari ikaw lang ang nilalaman ng puso ko, at sayo lang titibok ito. At kahit na mabuhay pa tayo sa ibang panahon ikaw at ikaw parin ang hahanap hanapin nito" Sa mga oras na yon hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko naramdaman ko na lang ang muli niyang pag yakap, niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahil maging siya ay umiiyak narin.

"Thank so much for everything. Joyeux Anniversairre. Seulment Vous Yam. Saranghae, Te amo, Iloveyou, Mahal kita sobra sobra Devine Joy Imperial."

Parang sinasaksak ng ilang libong kutsilyo ang puso ko dahil alam kong ito na ang huling beses na maririnig ko ang mga salitang yon.

Dahan dahan na siyang bumitaw sa pagkakayakap niya saakin pero yumakap ulit ako sakanya ng mas mahigpit... Hindi ko pa kayang bitawan siya.

"Mahal na mahal kita, hindi ka mawawala sa puso ko, ikaw lang ang mamahalin nito. Kahit ito na ang huling beses na mayayakap at mahahalikan kita. Maraming salamat sa lahat Enzo, baka nga hanggang dito nalang talaga tayo, siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa."

Inalis niya na ang mga kamay ko sa pag kakayakap ko, hinarap niya na ako at pinunasan ang mga luha ko bago pinagdikit ang mga noo naming dalawa.

"Sorry, dahil sa pagkakamali ko hindi na pwedeng maging tayo pa. I'm so sorry Yam dahil sakin nasaktan kita. Sana balang araw mahanap mo yung totoong kaligayagan, dahil gusto ko maging masaya ka kahit hindi na saakin."

Kinulong ko sa mga palad ko ang mga pisngi niya at hinalikan siya habang may mga luhang tumutulo sa mga mata naming dalawa

"Pinapalaya na kita. Mahal na mahal kita pero hindi tama na mapasakin ka. Mali na kung ipagpapatuloy at ipagpipilitan pa natin tong dalawa kaya bibitiwan na kita. Tatanggapin ko na hanggang dito nalang talaga ang kwento nating dalawa."

Ngumiti siya kahit pa may mga luha sa mga mata niya

"Goodbye Devine." Ang huling salitang binitiwan niya bago niya ako tinalikuran at nag simulang lumakad palayo, ngunit hindi pa siya gaanong nakakalayo ng bigla akong tumakbo papalapit sakanya at niyakap siya ulit.

"One last hug Yam. Just one last hug" sabi ko sa gitna ng pag hikbi ko

Ilang minuto ang lumipas na mag kayakap kaming dalawa at tanging pag hikbi lang namin ang maririnig, hanggang sa unti unti na siyang bumitaw sa pag kakayakap ko at sinabing

"Tama na."

Kasabay non ang pag lagay niya ng sing sing sa palad ko yung engagement ring na ibinigay niya rin sakin dati pero ibinalik ko nung umalis ako

"Simbolo yan ng puso ko, at ikaw lang ang nag iisang may ari niyan. Sayo lang yan. At alam kong iingatan mo parin yan" at ipinagpatuloy niya na ulit ang paglakad palayo saakin, habang ako tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya na marinig muli ang mga hikbi ko.

Ngayon alam ko na, na kahit anong mangyari, sa mundong ito hindi kami ang para sa isa't isa.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon