CHAPTER 29: MY DAY

3 2 0
                                    

Devine Joy POV.

"Please all welcome the birthday celebrant. Ms Devine Joy Imperial" Nag palakpakan ang mga tao ng lumabas ako. Kahit hindi ko trip mag lakad sa red carpet ginawa ko nakakahiya naman kila ate sobra silang nag effort para dito

"Good evening everyone, thank you for coming hope you guys enjoy the party." Bumaba na ako at pumunta sa table namin, Nag simula narin ang kainan next ay gift giving. Pumunta ako sa gitna dahil may isang malaki at magandang upuan ang nakalaan para saakin.

Yung mga business partner namin, kadalasang binibigay ay 'Shop all you can' sa lahat ng malls 'trip to palawan, boracay' with 3day stay sa mga five star hotel kung tutuusin kayang kaya ko pero iba parin kapag galing sa iba, may mga nag bibigay ng mamahaling gamit, like: Bag, alahas, sapatos at damit etc. Natapos ang gift giving galing sa mga tao ng business world , kaya naman gift giving from the family.

"Happy Birthday Devine, nabalitaan naming gusto mo daw maging isang model? Kaya naman ang gift namin sayo ng Tito Perry mo ay, modeling Job sa paris." Halos lumuwa ang mga mata ko sa regalo saakin ni Tito Perry at Tita Lorraine, Bata pa lang ako gusto ko na maging isang super model, yung gagawa ako ng sarili kong pangalan.

Sunod na umakyat sa stage ay ang mga pinsan ko, as in lahat sila.

"Happy Birthday Insan." Sabay sabay nilang sabi, pumunta sa harap ng mic si kuya Mccoy

"Happy Birthday, ayan yung regalo namin sayo." Lumapit saakin ang isang waiter may hawak siyang mic at isang maliit na kahon. Binuksan ko yon pero puro confetti ang laman

"Isang kahon ng Confetti?" Tanong ko habang naka mic, nag tawanan naman yung ibang bisita.

"Hanapin mo kase." Dagdag pa ni John john. Nag halungkat ako sa kahon may naapa akong medyo matigas na papel at isang card, binasa ko yung papel '2326' tapos yung card ay parang yung sinu-swipe sa condo para maka pasok.

"Ayan yung # ng Condo unit mo, at ayan yung key card mo." WOOOOOOOW For real? May sarili na akong condo? Waaa. Thank you

"Thank you mga pinsan." Sabi ko, Ngumiti lang sila at bumaba na ang umakyat naman ay si Pappy at Mamu

"Apo, Happy Birthday." Sabi ni Mamu

"Ang regalo namin sayo ay pwesto sa isang mall, Para sa pangarap mong boutique. Happy Birthday apo." Sabi naman ni Pappy at bumaba na sila sa stage. Sunod na umakyat ay si Mama at Papa

"Hi Anak happy birthday. Ang regalo ko sayo ay isang pwesto para sa gusto mong coffee shop." Tumulo yung luha ko sa saya, pero agad ko ring pinunansan. Inabot ko ulit yung mic sa waiter at tumayo.

"Sa lahat po ng nandito at nag abalang pumunta sa party ko, maraming maraming salamat po. Sa mga regalo niyo po sobrang thank you po na appreciate ko po. God bless." Sabi ko at naupo na ulit

"Teka lang Dj meron pa." Kunot noo lang akong naka tingin kay papa tinuro niya yung lalaking may laptop na naka connect sa projector at doon ko nakita yung lalaking mahal ko.

"Happy Birthday sa nag iisa kong Fiance, Devine Joy Imperial-Park Mahal na mahal kita Yam, higit pa sa salitang sobra, Regalo ba ka mo? Wala na akong maisip e, nasayo na yung puso ko ano pa bang kailangan mo? Apilyedo ko. Gusto mo? Happy Birthday Imissyou." Matapos niyang sabihin ang mga salitang tumagos ng sobra sa puso ko, kinuha niya yung gitara niya at pinatugtog ito.

"It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word you can light up the dark
Try as I may I can never explain what I hear
When you don't say a thing." Isa isang lumbas ang mga pictures namin habang tumutugtog siya, Ng malapit na ulit siyang kumanta mukha niya na ulit ang lumabas.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon