CHAPTER 38: DECISION

7 2 0
                                    

Dj POV.

"Is that your final decision?" Pappy asked me while we are eating breakfast.

"Yes Pappy." Sagot ko

"Do you want Ithan and Harold come with you?" Papa asked.

"No. I can manage" sagot ko ulit

"Junelle will come with you then." Mamu said

"What? No. I don't like anyone come with me just because you declared." I replied

"Okay lang ate Joy, Paris na yon tatangi pa ba ako?" Pag sang ayon naman ni Junelle

"But?"

"Then that's final." Sabi naman ni Pappy

After ng breakfast tinapos ko yung pag aayos ng gamit ko, at pumunta na ng University para asikasuhin lahat ng kailangan kong gawin.

"Friiieeeeennd Imissyou," Bati saakin ni Shayne at niyakap ako

"Imissyou more," sagot ko at naupo na

"Heto pala, bahala na kayo ni Tita jan kahit saan pwede niyong gamitin yan." Sabi ko at inabot sakanya yung sobre na may mga gift certificate na I think almost 15 pieces

"Ano ------ WOW, Bakit mo naman binibigay saamin to?" Tanong niya

"Hindi ko naman magagamit yan sa ibang bansa e, so sainyo na lang," sagot ko

"Whhhhaaaaaatttt? Ibang bansa? Bakit? May balak kang umalis?" Tanong niya

"I accepted the MODELING JOB in Paris" sagot ko sakanya

"So iiwan mo na ako?" Sabi niya at niyakap ako.

"Skype. I'll call you promise" nakangiting sagot ko sakanya

"Sige na nga. Ma mi miss kita, at thank you dito." Sabi niya nag nod lang ako

"Sige pasok ka na, ayusin ko lang yung papeles ko don na rin kasi ako mag aaral."

"Hindi na ako papasok sasamahan na kita." Sabi niya at hinila ako papuntang registrar

Matapos naming ayusin yung mga papeles ko pina transfer ko na yung tuition fee ko kay Shayne dahil fully paid na ako hanggang next semester e sayang naman tsaka malaking tulong na yon sakanila ni Tita.

Umuwi muna ako ng mansion at inayos lahat ng gamit na dadalhin ko pag alis, si Junelle nasa mansion na doon na muna siya habang hinihintay yung papeles namin pa puntang ibang bansa.

"Ma'am Devine may sulat po." Inabot saakin ng katulong yung sobre.

"New York University ROYALTY BAND." Ibinalik ko yung sulat sa sobre at inipit ito sa reff magnet sa two door refrigerator namin.

@Park.

Pag ka rating ko pa lang sa park nakita ko na agad si Enzo sa ilalim ng puno, hindi muna ako lumapit tinitigan ko lang muna siya dahil alam kong hindi ko na ulit to magagawa pa: yung mahawakan, mahalikan, matitigan at maka usap siya, ang kaya ko na lang gawin sa oras na maka alis ako ay... Yung mahalin siya.

"Anjan kana pala." Agad kong pinunasan yung luha ko ng makita siya sa harap ko.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya, hindi ko na siya sinagot bagkos ay niyakap ko na lang agad siya.

Lumipas ang ilang minuto yakap ko parin siya. Hindi ko pa rin siya kayang bitawan, pero Maya maya pa ay na pag desisyonan ko ng humiwalay.

"Mahal na mahal kita." Sabi ko at hinalikan siya sa labi niya

"Mahal na mahal din kita. Pero Yam may nangyayari ba na hindi ko alam?'' Tanong niya, yumuko na lang ako habang hawak ang dalawang kamay niya at hinayaang bumagsak ang mga luha ko.

"Yam." Unti-unti kong nabitawan ang kamay niya at puno ng sakit ang mga mata kong tumingin sakanya.

"I'm breaking up with you." Kitang kita ko yung mabilis na pag tulo ng luha mula sa mga mata niya matapos kong sabihin yung mga salitang binitiwan ko.

"No. Sabihin mong nag bibiro ka lang? Hindi 'to totoo Yam please. Hindi ako naniniwalang iniiwan mo na ako ang dami na nating pinag daanan alam ko hindi mo agad ako susukuan." Lalong bumilis ang pag patak ng luha ko dahil sobrang sakit saakin ang makipag hiwalay sakanya lalo pang nadagdagan ng makita kong umiiyak siya.

Hindi ako nag salita pinunasan ko lang yung mga luha niya habang naka tingin sa mga mata niya.

"Mahal mo naman ako diba?" Tanong niya

"Oo. Mahal na mahal." Sabi ko habang umiiyak

"Sabi mo mahal mo ako? Akala ko ba ipag lalaban mo yung relasyon na meron tayo? pero bakit bigla nalang ganito? Devine please wag mo 'kong iwan, Hindi ko kaya e, Mamamatay ako kapag wala ka. Pag subok lang to diba? Wag ka namang sumuko o."

"Enzo ito ang lagi mong tatandaan ha?" Kinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya at tinignan siya sa mga mata niya,

"mahal na mahal kita alam mo yan, sinubukan ko namang ipaglaban ka e, tiniis ko lahat ng sakit, pero Enzo hindi lang naman si Kim ang kalaban ko dito e, may batang involved dito, alam mong mahirap lumaki ng hindi buo ang pamilya, Enzo ayokong maranasan yon ng magiging anak mo, Mahal na mahak kita at habang buhay ka sa puso ko." Unti-unti ulit tumulo ang mga luha ko, kung sana may choice lang ako.

"Ang unfair mo naman e, Oo alam ko namang nahihirapan ka at ganon rin naman ako, pero sa inaraw araw na gusto ko ng sumuko at takbuhan na lang lahat ng problema, sa tuwing pinang hihinaan ako ng loob sayo ako kumukuha ng lakas. Devine paano na ako kung wala ka? Hindi ko kaya. Please." Napa iling na lang ako habang naka takip ang dalawa kong kamay sa bibig ko.

"Sorry..."

"Bibigyan kita ng oras pero hinding hindi ako makikipag hiwalay sayo." Matapos niyang sabihin 'yon iniwan niya ako sa park umalis siya habang umiiyak.

Kung kaya ko lang sanang tanggalin lahat ng sakit na dinulot ko sakanya, gagawin ko talaga. Kung kaya ko lang sanang baguhin lahat ng pag kakamali niya edi sana ayos kami. edi sana hindi namin kailangan maghiwalay

Kung kaya ko lang sanang maging manhid para hindi ko na siya kailangang iwan pa. Kung kaya ko lang baguhin ang lahat ng nangyayari hindi na sana kami umabot pa sa ganito.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon