CHAPTER 28: MIDNIGHT CALL

5 2 0
                                    

Devine POV

Ilang araw na ang naka lipas, pre-occupied parin yung isip ko, hindi parin nag si sink in na ako pala yung mahal niya. Feeling ko may dalawa akong taong niloloko sarili ko at si Enzo.

"Dj anong regalo gusto mo sa birthday mo?" Tanong saakin ni papa, tulala lang ako dahil nakaka stress talaga ang mga nangyayari

"Si Enzo." Seryosong sabi ko at tulala parin ako, nakita ko na lang na napa-iling si papa.

Birthday ko na bukas, pero feeling ko hindi ko ma ienjoy yun, may party nga kumpleto ang pamilya wala naman yung taong mahal ko. Sa ilang years ko dito sa mundong ibabaw si Enzo ang dahilan kung bakit masaya yung past almost 4years ko.

"Be, black and white yung kulay ng curtains ha? Tapos red carpet at blue naman para sa decorations. Tapos bahala na yung organizer para sa designs." Sabi ni ate kaya nag nod lang ako

"Joy! Yung dress at gown mo nasa kwarto mo na, pati yung mga sapatos, tapos yung make-up artist bukas pa ng hapon darating." Dagdag pa ni kuya, nag nod lang ulit ako at umakyat na sa kwarto mag he headset na lang ako para mabawasan yung stress ko.

"Baby, I wish you're here right next to me"
First line pa lang tumulo na yung luha ko ganon ko yata ka miss si Enzo e. Hindi naman kasi ako sanay ng ganito kami, LDR. Mahirap pala akala ko madali lang, pero sa tuwing makikita ko yung pictures niya parang gusto kong ilabas siya dun sa cellphone ko at yakapin na lang siya.

"Long distance relationship is just a test for the two of you." Agad kong pinunasan yung luha ko ng makita ko si Papa sa pinto ng kwarto ko.

"Pa.?" Lumapit siya saakin kaya naupo ako sa kama at sumandal sa head board nito

"Kaya niyo yan, nalampasan niyo nga yung one year na mag kalayo e, two years na lang Dj. Mag tiwala ka lang kay Enzo malalampasan niyo yan." Sabi ni papa at ti nap yung ulo ko bago siya lumabas ulit ng kwarto ko.

Time check: 11:59pm birthday ko na isang minuto na lang, hanggang ngayon hindi parin ako nakakatulog sa dami kong iniisip. Napatingin ako sa cellphone ko tumulo na lang yung luha ko hindi dahil nakita kong alasdose na pero dahil tumatawag siya.... Si Enzo

"Happy birthday Yam. Imissyou." Sabi niya sa kabilang linya, hindi ako makapag salita tuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

"Yam? Gising kapa." Tanong niya

"O-oo." Sagot ko

"Umiiyak ka?" Lalong dumami ang luhang lumalabas sa mata ko abnormal na yata ako e.

"Enzo.... I'm so sorry. *sob*" papatayin ko na sana yung tawag pero nag salita ulit siya

"Bakit? Devine. Teka ipaliwanag mo nga saakin, naguguluhan na ako." Mabilis niyang sabi

"Enzo hindi ko sinasadya, Enzo mahal ako ni Viel. I'm so sorry. hindi ko na alam ang gagawin ko Enzo sorry"

"Mahal mo rin ba siya?" Tanong niya, halata sa boses ni Enzo ang disappointment.

"No! Hindi, ikaw ang mahal ko ikaw lang. alam mo yan, mahal na mahal kita" Mabilis kong sagot sa tanong niya

"Good. E bakit ka nag so sorry."

"Hindi ko alam. Yam feeling ko niloko kita nung inamin niyang mahal niya ako."

"I'm gonna fvcking kill that bastard for making you cry. Don't feel sorry Devine it's not your fault, be happy it's your day." Gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang mga salitang yon kay Enzo ang swerte ko talaga.
"Ngumiti kana, nahihirapan ako na umiiyak ka tapos wala ako sa tabi mo para punasan yang luha mo. Hindi ka dapat umiiyak, birthday mo e." Hindi ko alam pero parang magic kinilig ako sa sinabi niya kaya napangiti ako.

"Thank you. Thank you for everything. Iloveyou"

"No problem. Bakit pala gising ka pa?" Tanong niya

"Hindi ako maka tulog na stress ako kakaisip, baka kasi magalit ka." Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga kalokohan ko.

"Papangit ka niyan may party kapa naman mamaya. Tulog kana kakantahan kita."

"Baka lalo lang akong di maka tulog niyan HAHAHA."

"Loko. Batukan kaya kita. HAHAHA"

"Ilang oras pa lamang nang tayo'y nag kita
Sayong mga yakap agad na ngungulila
Ikaw ang sigla na humahaplos saking buhay
Pag nalulumbay, ang 'yong mga labi huma-
Halimuyak pag nasisilayan parang ginto at pilak"

Pumikit ako habang may ngiti sa mga labi ko, masaya ako na hindi siya galit, masaya ako at magaan na paki ramdan ko at masayang masaya ako nag effort siya.

"Ikaw ang diwata na tumapak sa lupa
Na wala ng papantay, tumatanaw sayo
Ang langit, ang yong ganday kaakit akit
Pangarap ko'y ikaw, dalangin ko ay
Mahagkan ka sa pag lipas ng panahon
Ang tinig mo'y parang agos ng sapa hinding
Hindi mag wawagas, ang pag-ibig MAHAL KITA."
Kasabay ng pag hikab ko ang unti unting pag bagsak ng mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayang nakakatulog na pala ako

"Mahal na mahal kita BebeYam, Happy Birthday. Good Mornight! Mwaaa!" ang huling salitang narinig ko sakanya bago ako tuluyang makatulog

Kahit sa panaginip ko ikaw at ikaw pa rin ang gugustuhin kong makasama, you were not just a part of my dream because Yam you are my greatest dream.

SUMMER LOVE. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon