Xyleen's POV
Nakaramdam ako ng excitement nang malamang kasama ni ate Leeya ang boyfriend niya. Sa'ming magpipinsan kasi, sila nalang ni ate Leeya, ate Shaira at ate Jennica ang walang lovelife. Single parin sila. Hahaha.
"Kuya Yuan, sunduin ko po si ate Leeya sa labas. Kasama daw po boyfriend niya." Sabi ko at agad na tumayo si kuya Jonathan sa narinig niya.
"Anong boyfriend? Sino 'yung hayop na yun? Si Leeya nalang matino sa'tin! Wag muna, bata pa si Leeya." Sabi ni kuya Jonathan tapos lumakad sya papunta sakin. "Sasamahan ko si Xyleen pagpunta do'n. Dyan lang kayo."
Nung nasa baba na kami, nanlumo ako dahil akala ko pa naman ay boyfriend na talaga ni ate Leeya ang kasama niya. 'Yun pala, sina kuya Joshua, ate Allyca at ate Jennica lang pala ang kasama niya.
"Ate naman, naloko mo ako dun ah." Sabi ko sa kanya. Ngumiti si kuya Jonathan.
"Mabuti naman at wala ka pang syota, Leeya Collen. Bubugbugin ko talaga magiging syota mo." Pagbabanta pa sa kanya ng kuya niya.
"Sus, ayan? Si Leeya? Magbo-boypren? Baka nga end of the world na, single parin siya." Nagtawanan kami. "Teka, asan pala sina Jasper?" Tanong ni ate Jennica.
"Nagtext sakin si Jas, sabi niya, nandun daw sya kina Saff at susubukan daw nilang humabol. Overnight ba tayo dito, Jonathan?" Tanong ni kuya Josh.
"Josh, hindi ako ang may-ari ng bahay, okay? Pakitanong mo nalang kay Yuan yang mga hinanakit mo sa buhay." Banat ni kuya Jonathan kaya natawa naman kami sa kanila.
"Kuya Josh, baka gusto nyong sa taas nalang tayo mag-usap?" Suggestion ni Allyca na agad naman naming sinang-ayunan.
Si kuya Joshua, ate Allyca at ate Jennica ay magkakapatid. Masyadong malawak ang family tree namin e.
Sa family namin, ako at si kuya Cayle lang ang magkapatid. Kila tita Cindy at Tito Frank naman, ay 'yung triplets, si Jasper, Sapphire at Chalcedony. Kila Tito Karlo at tita Shane, ay sina kuya Yuan at ate Shaira. Kila Tito Michael at tita Alyana, sina ate Jennica, ate Allyca at kuya Joshua. Lastly, kila tito Nathan at Tita Myleen, ay sina kuya Jonathan, kuya Patrick, kuya Anthony at ate Leeya.
"Hi Leeya bunsooooo!" Masiglang sigaw ni kuya Patrick kaya napangiwi si ate Leeya.
"Kuya, calm down. Lasing ka na, 'no?" Sabi ni ate Leeya sabay iling. Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong natutulog na sa sofa si kuya Anthony. "Tulog na pala si kuya Tonton. Tsk. Pa'no ko 'yan ibababa?"
Kadarating lang ni ate Leeya kaya ang sagwa naman nun kung sya parin ang maghahatid kay kuya Anthony. "Ate Leeya, ako nalang po maghahatid kay kuya Anthony. Kuya Josh, kuya Yuan, patulong po sa pagbaba. Hintayin ko po kayo sa Parking Lot."
Tumango naman sila. "Papunta narin sina Jasper dito. Sinabihan ko na kasi si Jas na do'n na sya sa Parking Lot ta's paakyatin niya 'yung dalawa. Magpasama ka kay Jasper. Delikado 'pag mag-isa ka lang. Baka patayin kami ni Cayle."
Nung nasa Parking Lot na kami, nakita ko naman si Jasper na nakatayo malapit sa kotse ko. Napairap ako. So, sya ang kasama ko? Great.
"Jasper." Tawag ni kuya Yuan sa kanya at tumango lang sya. Pinasok nila sa loob si kuya Anthony. "Jas, ihatid nyo na 'yan sa kanila. Ingatan mo rin si Xyleen."
"Sige, hyung. Xy, pumasok ka na." Sabi ni Jas. Umirap muna ako bago pumasok sa loob ng kotse niya.
Tahimik lang kami sa biyahe. Walang nagsasalita. Sana pala andito si Cha. Tss. "Jas, nasa'n si Cha at si Saff?"
Kumunot ang noo niya. "Ako ang kasama mo. Wag mo silang hanapin."
Inikot ko lang ang mata ko. "Sumagot ka nalang kaya?"
"Tss. Nando'n. Pinauna ko na sila. Excited makita si Leeya at Allyca e." Sabi niya. Oo nga pala. Takot kasi si Saff kay ate Jennica. Suplada raw kasi. Psh. Ayaw niya lang lapitan 'yun e.
Pinagbuksan kami nung guard ng gate. Tapos sinalubong kami ng katulong nila. "Hi Ma'am Xyleen. Hello, Sir Jasper."
Nginitian ko lang sila at tumango naman si Jasper. "Nandyan ba sila Tito?"
"Opo. Nasa sala po. Pasok po kayo." Tapos ayun. Nung nakita kami nila Tito, lumapit agad sila samin.
Nagulat nga kami ni Jasper kasi andun lahat ng magulang namin. "Mom, dad, overnight kami kila kuya Yuan ah?"
Tumango naman agad sila ni daddy. "Jasper, alagaan mo anak ko."
"Opo, tito."
"Xyleen, anong nangyari dito kay Anthony?" Tanong ni tito Nathan.
"Uminom na naman ba?" Sabi naman ni tita Myleen.
"Ahm.. medyo nasobrahan po. Kaya hinatid na po namin dito. Natutulog na po do'n e. Marami na pong tao do'n kasi dumating na rin po sila kuya Joshua."
"Magkakasabay ba sila nila Allyca?" Tanong ni tita Alyana.
"Opo, tita."
"Nando'n narin ba si Leeya?" Tanong ni tito Nathan. Syempre, nag-iisang babae e.
"Opo, tito. Kasabay po nila kuya Josh."
"Osige. Jasper, Xyleen, mag-ingat kayo sa biyahe. May dala ba kayong kotse?" Tanong ni mommy.
"May dala po ako, tita. Pababayaan ko ba naman 'tong pinsan ko?" Sagot ni Jasper kaya natawa si tito Frank sa kanya.
"Anak nga kita, Jasper. Sige na. Umuna na kayo. Magkakasiyahan pa kami."
BINABASA MO ANG
She's My Cousin Xyleen
Teen FictionHi :) this is my first story here in wattpad so, I hope you'll enjoy this one! Actually, matagal nang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na mag-post ako dito. Sadyang ako lang tong mukhang tangang ewan. Whahahaha! First story ko to kaya don't expect...