Chapter 29

19 0 0
                                    

Jasper's POV

From: Katie Yson
Let's meet up. Same place. See 'yah. Bring Xyleen with you.

Hindi maganda ang kutob ko sa text na 'to. Pakiramdam ko, mamamatay na ako kapag nakipag-meet ako sa kanya. Kinakabahan ako. Pwede ko naman syang i-meet nang ako lang. Bakit kailangan kasama pa si Xyleen? Nakngtokwanaman!

Pero hindi naman kasi patanong yun e. Nagtatapos yun sa tuldok! Ibig sabihin, request. Or more like, command sya. Nakakainis talaga si Aienne! Katie Yson ang ipinangalan nya sa cellphone ko. Wala kayong magagawa. Katie na rin ang itatawag ko sa kanya.

To: Katie Yson
Pwede bang wag ko na isama si Xyleen? Marami syang gagawin ngayon.

Totoo yun. Nakausap ko sya kagabi e. Sabi niya sakin, marami daw syang pupuntahan ngayon. Mall show daw. Kasi may bago daw syang gagawin na pelikula ngayon at kapartner niya ang kanyang boyfriend. Kinikilig kilig pa yun kagabi habang sumasagot sa tanong ko. Para namang may pakialam ako sa relasyon nila. Schedule nya lang ang inaalam ko kasi nga, diba? Driver nya raw ako for the whole month.

Pwede rin namang wag ko na lang syang siputin. Nandito pa ako sa harap ng mga pinsan ko, at may sarili kaming reunion ngayon. Bakit ba kapag nagkaka-reunion kami, laging sagabal si Katie? Minsan ayoko nalang gumamit ng cellphone.

Ayy! Ang talino mo talaga Jasper! Hindi ka lang gwapo, awesome ka pa. *pogi pose* in fairness, naisip ko agad yun.

Agad kong in-off ang cellphone ko. Napatingin ako sa orasan namin. 11:45 pm. Tulog na ang Dominguez brothers kaya tahimik na ang boys. Si kuya Ryuen naman, paniguradong katabi yun ni Kristen matulog. Yung girls, hindi ko alam ang ginagawa nila pero sigurado akong gising pa sila hanggang ngayon. Baka nanonood lang sila ng movie ngayon. Lagi naman nilang ginagawa yun kapag may sleepover kami e. Movie marathon lagi. Tutal, wala naman akong magawa, nag-open ako ng account sa Facebook.

As expected, sabog na naman ang notif ko. Gano'n rin ang friend requests ko. Messages? Nasa 57 lang naman sya. Mahirap talagang pasukin ang mundo ng showbiz. Aaminin ko. Sikat ako pero hindi ako masyadong nagpaparamdam sa mga tao ngayon dahil alam kong mangyayari sakin ang nangyari kay Xyleen kanina.

Kakabukas ko palang ng account ko, may mga nagcha-chat na agad sakin. Haynako.

Princes Legaspi
Hi kuuuuya Jaspeeer! <3

May heart heart pang nalalaman. Jusko. Seenzoned. Ayokong nagre-reply sa ganito. Kaya madalas, may naghahawak ng accounts ko dahil nabubwisit ako sa ganito.

Lyka Montenegro
Hi.

Kung makapag-message si ate, parang close kami masyado. Jusko. Seenzoned. Ayokong nakikipag-chat sa ganyan. Kala mo tropa kami.

Bianca Nicole Perez
Hi kuya Jasper! Grabe. Ang gwapo gwapo mo po pala sa personal. Yiiiee. Hindi birong maging fangirl kuya, kasi kadalasan nagiging stalker kami, pero ako? Nililimitahan ko. Omooo! Grabeng pagtitiis ko. Kuya, kelan ka po magkaka-concert? Kelan po mall show? I bet marami na rin pong nakaka-miss sayo. Notice me, senpai! Arigatou. :)

That's it. Eto lang ang message na nagustuhan ko sa lahat. Bukod sa mahaba, may laman. Sana ganito lahat ng message nila. Edi nag-effort akong basahin isa-isa? Hindi ako nag dalawang isip mag reply.

Jasper Buenaventura
Hi, Bianca Nicole! Very well said. Mahirap maging gwapo hahaha! Gaya nga ng sinabi mo, maraming nakakamiss pero ayoko muna. I want to take a break. Thank you for your continuous support! I promise, I'll have a grand mall show when I'm back. Thanks for your message and support! I really appreciate it. Godbless you and study harder. Ganbatte-ne! :)
P.S.
Senpai did notice you, Bianca.

She's My Cousin XyleenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon