Xyleen's POV
"So, kelan ka pa bumalik, Kuya?" Tanong ko sa kanya.
Aba, kakatapos ko lang mag-drama sa may gate namin e.
Tumawa naman sya sabay ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako. Gaaaah! Namiss ko si Kuya. "Last week pa ako nakauwi. Hindi lang ako makadalaw dito gawa nung anak kong kailangan kong alagaan."
My eyes widened. "What the hell? May anak ka na, kuya? Kelan pa yan?"
Napakamot sya ng ulo. "Ahm.. the child is not my own. She's adopted."
Owmayghad. "Kuya bakit kayo nag-ampon? Hindi pa ba sapat ang kagandahan ko at talagang kailangan mo pang makakita ng ibang bata?"
Binatukan nya naman ako pero dinilaan ko lang sya. "Stupid. I know you're beautiful. Pero iba pa rin kapag ikaw na mismo ang nag-aalaga."
Teka. Bakit nga ba nag-adopt si kuya ng bata? "Hey, kuya. Why did you adopt her?"
Nagkamot sya ng batok. "I want to know the feeling of a father. Gusto ko mag-alaga ng bata."
Napairap ako. "Duh? May nada-download kayang virtual babies sa Play Store! Gumastos ka pa para sa baby na yun?" Binatukan nya ulit ako. "Aray ko! Nakakarami ka na ah!"
"Natatawa na kasi si Onyx. Nakalimutan mo boyfriend mo dumating lang ako. Introduce me to him, formally."
Tumayo naman ako. Napansin ko namang pinagtatawanan lang kami nila mom and dad. Haynako. Mas makalokohan kasi ako kesa kay kuya. Tama lang na naging bunso ako. "Onyx, this is my brother, Ryuen Cayle Dominguez. Kuya, this is Onyx Sy, my boyfriend."
Tinanguan lang ni kuya si Onyx. "Yow dude. Take care of my sister. Minsan kasi may pagkatanga yan e. Yung tipong nasa harap na nya yung hinahanap nya, lumayo pa at naghanap ng iba? Mga ganon? Wag mong hayaan na madapa yan kakahanap ah?"
Napahinto ako sa ginagawa ko. Seryoso. Ang daming alam ni kuya! Hindi ko sya nakakausap at wala kaming communication dahil ang letsheng 'to ay laging busy! Akala ko pa naman namiss nya ako. Pero, oo namiss nya ako. Di ko lang magets yung sinabi niya kay Onyx. Anong hinahanap ko?
Tinignan ni Onyx si kuya. "With all due respect to you, Ryuen Cayle Dominguez, I will never let her fall. I'm here to catch her."
Nagulat naman ako dahil tumawa si kuya Ryuen. Daheck with his laugh? Kakaiba ang tawa nya ngayon! "You will catch her? Really? Pokemon trainer ka ba?"
Di ko na napigilan ang sarili ko at naibato ko na yung throw pillow na nasa tabi ko. "Grabe ka kuya! Ganyan ka ba sa future brother-in-law mo? Ang harsh ha!"
Tumayo si kuya. "Well, let's just say na, gano'n lang talaga ako. Maiba tayo. Gusto mo makilala ang baby ko?"
Bigla namang napapalakpak ang tenga ko. Jusko! "Oo naman, kuya! Kelan ba?"
"Tomorrow. Matulog ka na, isasama kita bukas do'n."
"Ryuen, pwede bang dito mo nalang dalhin ang baby mo? Gusto rin namin syang makita e." Sabi ni mommy. Tumango naman si dad. "Oo nga anak. Pakilala mo na rin samin ang girlfriend mo. We also want to meet her."
"Mom, dad, sorry but I don't have a girlfriend. Ako lang ang nag-aalaga sa anak ko. And pagdating niya ng five years old, ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Ayokong lumaki ang bata na walang alam sa mundong ginagalawan niya. Gusto ko ipaalam ang totoo para di sya mabigla paglaki niya. Am I making sense here, mom, dad?"
Sabay na tumango sila mommy. "Yes, Ryuen. Anak ka nga namin."
Napangiti naman ako. "Family huuuuug!" Tapos nagyakapan kami.
Ang saya ng ganito. Umuwi na si kuya, kumpleto na naman kami. May nadagdag pa. May ampon si kuya pero syempre. Dahil mabait at maganda akong kapatid, aalagaan ko yun at itatratong parang tunay na pamangkin.
***
Umaga na. Alas otso na, to be exact. Nag-text sa akin yung manager ko na may photoshoot daw kami mamaya. Binato ko lang sa kama yung phone ko. Tinatamad akong umalis ng bahay ngayon.
"Xyleen?"
"The door is open, come in." Sabi ko at tumayo na ako para mag-toothbrush. Pumasok naman si kuya sa kwarto ko.
"Namiss ko kwarto mo, Xyleen. Buti malinis na to noh?" Sabi niya at napairap ako.
Nagmumog lang ako tapos nagpunas tapos lumabas na ako. "Walangya ka talaga kuya. Napaka mo! Asan na pamangkin ko?"
"Magbihis ka na. Sasamahan nyo ako."
Wait lang. NYO? "Sinong kasama natin?"
"Ako." At iniluwa ng pinto si Jasper. Great. Timing na timing.
"Kuya naman, hindi ba pwedeng si Cha nalang?"
"Nope. Let's go."
***
Kababalik lang namin galing sa bahay nila kuya Ryuen at eto na nga po ang kanyang baby girl. Karga ko na. Di naman sya yung baby na baby pa. Three years old na sya at maid lang nila ang naiwan sa kanya kahapon. Grabe, ang ganda ganda nyang bata.
May hawig sya kay kuya Ryuen kaya di mo masasabing ampon siya. Oha. Ang ganda ng lahing Dominguez.
"Hoy! Wag mong solohin si Kristen! Dadating pa sila kuya Joshua mamaya aba." Sabi ni Jasper.
Oo, nagpatawag ng reunion ang kuya kong epal at isasabay niya sa photoshoot ko. Tho, pwede namang dito nalang mag-pictorial. So, nagtext na ako kay Manager Kyo na dito na lang kami. Luckily, pumayag naman sya.
"Yeah. Sinusulit ko lang. KJ mo masyado!" Sigaw ko pabalik. Letshe. Hina-highblood ako.
"Tita Xyleen--"
"Cut it off. Call me, Tita Xy."
"Tita Xy, why are you always fighting?" Sabi niya. Shet. Ang batang ito ang pumapangalawa sa kagandahan ko. Nakikinita ko na ang future niya. Kasing ganda ko 'to, promise. Ang ganda ng mata niya, ang liit ng mukha niya, ang haba ng pilikmata niya, ang liit ng labi niya, ang puti niya tapos may pagka-brownish pa ang buhok niya. This is my Mini Me.
"Done checking me out, Tita?" She smirked. Aww. So cute.
"Bakit ang ganda ganda mo?"
"Kasi hindi mo sya kamukha. Come here Kristen. Baka pumanget ka, nakakahawa ang kapangitan nyan e." Sabay hila niya kay Kristen.
"Bwisit ka Jasper! Kuya Cayle oh!"
Lumapit si Kuya at ginulo ang buhok ko. "Namiss ka lang siguro ni Jasper kaya gano'n. Anyway, gusto mo malaman ang full name ni Kristen?"
"Oo naman kuya. Ano?"
"Rayne Kristen Dominguez."
Woah. Pangalan palang, ang ganda na. Mukhang dyosa to paglaki niya. Maraming paiiyaking engkanto.
BINABASA MO ANG
She's My Cousin Xyleen
Fiksi RemajaHi :) this is my first story here in wattpad so, I hope you'll enjoy this one! Actually, matagal nang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na mag-post ako dito. Sadyang ako lang tong mukhang tangang ewan. Whahahaha! First story ko to kaya don't expect...