Chapter 41

14 0 0
                                    

Why are we.... here?

"Jasper?"

Lumingon naman siya sa akin.

"I'm not in the mood to fight. Alam kong kailangan mo ng tahimik na lugar but, I can't think of any. For the meantime, dito na muna tayo habang naghahanap si Joshua ng tahimik na lugar na pwede nating puntahan," mahabang litanya niya habang nakatingin siya sakin.

Nakababa na sina Leeya, Jennica at Allyca. Si Kristen, tulog pa rin sa lap ko.

I can't understand him – Jasper. Lagi kaming nag-aaway dahil sa mga walang kwentang bagay pero bakit lagi siyang nandito para sakin?

'Of course, he's your cousin.'

Yeah. My cousin. Mabuti nalang talaga at napaka-considerate niya kahit papano.

"Come on, let's go."

Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa or mainis kay Jasper ngayon e. Alam niyo ba kung nasaan kami ngayon? Nasa sementeryo kami. Hindi naman porke't kailangan ko ng tahimik na lugar, dito na agad. Minsan talaga hindi ko maintindihan takbo ng utak ng mga lalaki. Napaka-literal mag-isip nung iba e.

Bumaba na ako sa loob ng van. Kristen's awake now. Nakahawak siya sa kamay ko habang naglalakad kami papasok. Naabutan pa namin si Jasper maglakad. I was about to ask him something when Kristen asked him the same question I want to ask.

"Tito Jasper, why are we here? Are we visiting someone here?," pagtatanong ni Kristen.

Tumango si Jas. Sino kayang pupuntahan namin dito?

"She's Jane Angeles, a friend of mine."

Naglakad pa kami ng kaunti at nakita na namin ang mga pinsan namin. May mga dala silang pagkain at nakalatag na rin ang mga 'yon. Para tuloy may picnic!

"Tita, what are they doing?," curious na tanong ni Kristen.

"They're preparing our foods, baby. Come on, let's join them," pag-aya ko sa kanya. Nagugutom na rin naman kasi ako. Hindi ako natulog sa biyahe kanina at hindi ko rin alam kung ilang oras kaming bumiyahe. Inaantok ako at medyo gutom talaga ako.

Tinanguan ako ni Kristen at pumunta na kami kina Jothan.

"Hi girls!," bati samin ni Anthony.

"Buti gising ka na, Xy," sabi naman ni Jennica.

Tumango lang sina Leeya. Siguro gutom na talaga sila. Kumain na lang din ako.

***

Tama nga si Jasper. Nakakainis man dahil dito niya kami dinala, thankful parin ako. Because I can get the peace that I want. I can now have my peace of mind.

Nagpaalam ako sa kanila na maglilibot-libot muna ako mag-isa. Pumayag silang lahat. Si Kristen naman, nasa tabi ni Jasper. Tinanguan lang ako ni Jas at sinabing siya na daw ang bahala kay Kris. Napangiti na lang ako.

It took me a few hours for realizing everything. Grabe lang kasi napaka-tanga ko pala talaga sa kanya. Hindi ko lubos maisip na ganon lang kadali lahat ng bagay para sa kanya.

We're almost there. He had my parent's blessing, and then what did he do? He disappointed my whole family, not just me. Pinagdadasal ko na lang na maging masaya siya sa desisyon niya.

I want to be mad. I want to be really, mad. But I am too mad to be mad. I'm fed up. Gusto kong manapak. Pero ayokong makasakit.

Ano bang mangyayari kapag nanakit ako ng ibang tao? Would that make me happy? Maibabalik ba nun sa dati ang lahat? Hindi naman e.

She's My Cousin XyleenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon