Chapter 21

7 0 0
                                    

Jasper's POV

Umaga na naman. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana at tumatama sa aking mata. Umupo ako ng maayos sa kama at nagkusot ng mata habang unti unting tinitignan ang mga pinsan kong kasama ko sa kwarto.

Kaming mga lalaki, magkakasama sa isang kwarto. Syempre, pwera nalang kay kuya Yuan. Si kuya Joshua, paniguradong katabi yun ni hyung matulog. Si Jothan at si Patrick naman ang magkatabi at ako lang mag-isa sa kamang 'to.

Medyo inaantok pa ako kaya hindi ko makilala kung sino ang nagbukas ng kurtina sa kwarto. Guest room to, oo. Pero pagdating saming magpi-pinsan, walang guest guest!

"Ano Jas, gising ka na?" Dinig kong sabi ni kuya Joshua kaya napadilat ako ng maayos.

"Ahh.. oo, kuya. Bakit?"

Tumawa sya ng bahagya. "Syempre, breakfast na e. Kailangan sabay sabay tayong kakain. Di pwedeng hindi."

Tumango nalang ako sa sinabi niya. "Ah, okay sige. Si Chalce, bumaba na ba? Kumain na ba 'yun?"

"Ah, si Cha? Oo, kumain na 'yon. Hinatid na ni Xyleen 'yon. Sabay pa nga silang pumasok kanina e. Pansin ko ngang nagiging close na ang dalawang 'yun ah. Hahaha." Sabi ni kuya Josh.

Totoo naman kasi. Dati halos magsabunutan pag nagkikita, ngayon naman besty na sila. "Malay mo naman hyung may pinagkakaisahan silang dalawa kaya super close nila."

Tumawa naman sya. "Ewan sa'yo Jasper. Tara na sa baba. Naghihintay sila."

Pagkababa namin, nakarinig agad ako ng mga pintas mula kina Jonathan.

"Woooh! Anong oras ka natulog kagabi, Kamahalan?" Tanong ni Patrick sakin habang nakayuko ng konti na para bang nagbibigay-pugay sa isang hari. Napailing nalang ako sa kalokohan niya.

"Alas dos na yata?" Sabi ko. Totoo naman e. Kinulit pa ako ni Katie kung kelan ba pwede magkita tapos idagdag mo pa 'tong madadaldal kong pinsan na walang ginawa kundi magtawanan at mag-asaran kagabi. Palibhasa, mga lasing e. Sige nga. Makatulog ka kaya ng maayos no'n?

"Kitams? Alas dos natulog ang Mahal na Hari! E, anong oras na kaya ngayon?" Tanong ni Pat.

Sumagot naman si kuya Jothan. "Alas dyis na ng umaga, Ginoong Patrick. Hahahaha!"

Sa usapan nila, natawa ang mga babae kaya tuwang tuwa sila hanggang sa matapos kaming kumain. Panay kasi ang banat ni Patrick at Jothan ng kung anu-anong jokes kaya naman ligayang-ligaya tong mga babae sa naririnig nila.

"Grabe, ang sarap ng hotdog mo, Jennica Soleigh!" Sigaw ni Jothan na naging dahilan kung bakit napuno ng tawanan ang hapag kainan namin. "Oh bakit? Tumatawa kayo?"

Si ate Jennica kasi ang nagluto ng breakfast namin. "Wow naman, Jothan. Nahiya naman ang sikmura namin sa'yo. Kanina pa tayo kumakain, kung kelan tapos na kumain, tsaka mo lang napagtantong masarap ang hotdog ko?" At dahil sa sinabi ni ate Jennica, lalo kaming natawa.

Napatigil naman ako nang mapansin kong may kulang samin, bukod kay Chalce at kay Xyleen. "Teka mga pre. Asan nga pala si Safira?"

"Ah, si Saff? Ayon. May sumundong lalaki. Sabi ko nga, ako na maghahatid kay Saff kaso sinapak ako e. Sapilitang pagsundo ang naganap." At dahil dyan, nakatanggap sya ng batok kay hyung.

Teka. Tama ba ang dinig ko? May sumundong lalaki kay Saff? How come? E, wala ngang boyfriend yun e!

"Walang boyfriend si Saff. Sinong susundo sa kanya?" Taas kilay na tanong ni ate Allyca.

Oo nga pala. Bestfriends sila. Silang mga babae, alam kung ano ang nangyayari sa kanila.

Calling..
Xyleen

Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan nya sa cellphone ko. Ano naman ang kailangan ng babaeng 'to?

"Jasper, sagutin mo na yan. Maingay masyado. Sino ba yan?" Takang tanong ni hyung.

Sinilip naman agad ni Patrick yung cellphone ko tapos pagkakita nya, bigla akong nginitian ng nakakaloko. "Oww, pare si Xyleen pala e. Sagutin na!"

Tapos nagtawanan naman sila pati na ang mga pinsan naming babae. "I-loudspeaker mo naman, Jas!" Sabi ni Noona Shai.

"Oh, hello?"

[Have you forgotten our schedule?]

Napakunot ang noo ko. "What schedule?" Tapos nagtawanan sila kuya Josh. Sinenyasan ko naman silang manahimik kaso sumigaw pa si Leeya.

"Xy, kinakalimutan ni Jas oh!" Ta's lalo pang lumakas tawanan nila.

[Damnyou, Jasper. Diba ikaw ang driver ko?]

"Oh, anong connect? May pasok ka ngayon diba? At hinatid mo nga raw si Chalce sa school nila tapos ako pa maghahatid sa'yo?"

[Moron! Because that's her car, and she allowed me to drive it.]

"Edi ikaw din ang mag-drive. I allow you, too." Lalo naman lumakas ang tawanan. Lalo na si Noona Shaira at Hyung Yuan na kanina lang ay tahimik na nakikinig.

"Jas, hindi mo ba alam na grounded sa cars yang si Xyleen dahil nalaman nila tito Nic na nakikipag-race sya kasama si Onyx? Hahaha." Sabi ni hyung.

Ah, so that's it. "Okay. Hintayin mo nalang ako dyan."

[Yung USB, wag mong hugutin.]

Umirap ako. "Oo na."

Pagkababa ko ng cellphone ko, agad naman akong tumayo sa upuan ko at nagpaalam sa kanila.

"Jas, di ka maliligo? Kadiri pre!" Sigaw ni Jothan.

"Manahimik ka Jothan. Kahit di ako maligo, gwapo pa rin ako." Sabi ko naman at umarte silang nasusuka. Yung mga babae nagtayuan na.

"Sige Jas, makakaalis ka na." Sabay sabay na sabi nila.

She's My Cousin XyleenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon