Chapter 30

12 0 0
                                    

Xyleen's POV

Nag-open nga ako ng facebook kahit sobrang aga pa at medyo wala pa ako sa huwisyo. Tapos nakita ko yung ti-nag ni ate Allyca sakin na picture, ay geez! Nakakahiyaaa! Madaming nag-comment. Nakakainis. Nakita nila akong tulog.

Pero okay lang. Maganda naman ako sa picture na to. Halos lahat ng pinsan ko, nag-comment na sa picture ko. Ni-like ko lang ng ni-like yung comments nila. Ayoko na replayan. Haha.

At dahil picture ko naman ang nakapost dun, nag-comment ako.

Xyleen Dominguez
Bad cousins! Haha. Dapat nagpaalam muna kayo bago nyo i-post 'to. Kahiya, mga besh.

Nakita ko yung comment ni Cha.

Chalce Buenaventura
Bitch, ang ganda mo. Stay pretty and bitch. Di ka naman kind e. :P miss you, tho.

Okay na sana e. Tanggalan mo lang lahat ng naunang sinabi niya. Nag-reply ako. Syempre, English. Aba! Di pwedeng di ako gumanti. Kanina lang, halos ma-nosebleed ako sa kanya dahil sa wake up call niya tapos English speaking pa ang loka! Tapatan natin yan.

Xyleen Dominguez
You're also a bitch. Stop pointing fingers :P you're at it, too! And oh. Denying is not a good deed. I'm pretty and I know it~ Teehee!

Nag-comment si Saff. Owemgee! Comment party ng Dominguez? Luhsyaaa. Walang nagtatangkang mag-comment na fan? Ahahaha bago to ah.

Saff Buenaventura
I miss ate Xylie. Kelan ka pupunta dito? :)

Xyleen Dominguez
Pag na-tripan ko! Whahaha. Sama ko si Kristen. :D

At nag log out na ako. Ito ang pinakamatagal kong paggamit sa facebook account ko. Oh well. Bihira lang naman ako gumamit e.

My phone rang all of a sudden. I picked it up.

"Who's this?"

[Xyleen, I want you to come over here.]

Eh? Si Dad? "Why? What happened?"

[It's a serious matter. I already told Jasper to pick you up. Wait for him.]

"Okay." Kahit hindi ko talaga alam kung bakit nya ako ipapasundo. Psh.

Kumilos na lang ako at naghanda na. Sakto namang pagkatapos ko mag-ayos, ay tsaka dumating si Jasper.

"Bilisan na raw natin sabi ni Tito." Pambungad nya sakin. Ganda naman ng 'Goodmorning' niya. -_-

"Tara na."

Dominguez Company

Binilisan namin ni Jasper ang pag-akyat papunta sa office ni Daddy. Though, nagtataka pa rin ako kung bakit nya ako pinapunta rito. It must be something very urgent.

Pagpasok namin sa office, nakita ko agad si Dad. He looks bothered.

"Dad. What do you want?"

"I want you to take over for a while." Sabi niya. My jaw literally dropped.

"Come again?" Sure ba ako sa narinig ko? Tama ba? I will take over daw? Hahaha! Joker talaga tatay ko.

"I said, that's only a joke." Tapos binato ko sya ng throw pillow. Badtrip si dad, akala ko seryoso. "Anyway, this is the real thing. Someone wants to talk to you and he's been pestering my life for how many weeks."

Aba. Sinong siraulo naman ang kakausap sakin? "English speaking ba yan?"

"Tingin mo sa mga kliyente ni Tito? Malamang. Professional na sila e." Sabat ni Jasper.

"Wag kang magulo dyan, bubugbugin kita! I didn't give you permission to speak so shut your mouth." Sabi ko sa kanya. Natahimik naman sya. Very good. Madali pala 'tong kausap e. "Dad, back to you. Who is the unlucky guy?"

And as if on cue, a guy suddenly appeared behind him. My jaw dropped again for the nth time.

"Ikaw yun?" Sigaw ko sa kanya.

Kaya pala kinulit ng kinulit si dad. Hayp na 'to! Ano na namang kailangan neto sakin? Ayoko na sya maka-partner ulit ha! Jusmiyo marimar!

"Dad, bakit siya?" Sigaw ko. I'm frustrated and God knows why.

"Kasi hindi ako?" Sinamaan ko siya ng tingin. Dammit. Kung di ko lang tatay 'to, namura ko na 'to. "Joke lang. I don't know. He said he wants to know you."

Napataas ang kilay ko. "If that's the case, then you could ask Onyx something about me, right?" Bakit kailangan ako mismo? Ayoko nga ng interview churva eklabu e. Tapos sya, ganito kadaling makakapagtanong sakin? Aba'y anak ka naman ng dagta ng punong mangga!

Luh, nadamay pa yun dito. Hahaha.

"Miss, you're too formal. Pwede naman mag-Tagalog, bat mo pinapahirapan sarili mo?" Sabi niya sakin habang nakangisi. Naiinis ako. Gusto kong burahin yung ngiti sa mukha niya kaso wala akong dalang pambura. Charot!

Gusto nya ako mag-Tagalog at ayaw nya ng pormal ha? Pwes. Babanatan ko sya ng famous Xyleen lines.

"Hindi ko pinapahirapan sarili ko. May pinatutunayan lang ako sa harap mo." Sabi ko at umirap.

"Woah, you're tough, Miss." Sabi niya habang nakangisi pa rin. Nakakabanas yung mukha niya kahit pa gwapo sya! Sarap nya batuhin ng batong buhay.

"Sabi mo sakin kanina, 'Don't be too formal.' Tapos ngayon, gaganyan ganyan ka. Miss miss, your ass. Don't be too formal, Mister. It's as if we didn't met before." Sabi ko at napairap nalang. Bwisit.

At yung tatay ko, nakatingin lang samin. Yung hayop na lalaki, e tumatawa na ngayon. Si Jasper naman ay mukhang aliw na aliw sa mga pangyayari. Ito dapat ang binabato ko ng flower vase e. Isa rin tong leche.

Kilala nyo po ba kung sino ang gustong kumausap sakin?

Si JV Buenaventura lang naman. Yung naka-duet ko dati? Yung hayop na aroganteng lalaki na yun? Nakakapeste!

Siguro lumuwag ang turnilyo ng utak nito kaya naisipan nyang gumawa ng bagay na ikapapahamak ko. Charot! Kakausapin niya lang daw ako. Pero naalala ko. Sabi ni Onyx lumayo daw ako sa kanya. Ayaw niya daw akong nakikipag-usap dito sa kumag na 'to. Anong magagawa ko? Siguro, business thingy to ni daddy.

Kuuu! Malaman ko lang na arranged marriage 'to, bibitaw ako sa pagiging Dominguez. Charot. Mababawasan ng maganda ang magandang lahi ng Dominguez.

Naalala ko namang nasa harap ko nga pala ang kumag. Leche. Bumalik yung stress ko!

"Tumatawa ka?" Taas kilay kong tanong kay JV.

"Problema mo sa tawa ko?" Sabi niya.

"Wag kang tatawa. Ayokong nakikitang masaya ka." Sabi ko sabay irap. Napangiti naman si Jasper.

Siguro naisip niyang hindi na lang siya ang susungitan ko. Pwes. Dalawa silang sakit sa ulo. Yung tatay ko naman, imbis tulungan ako, mukhang ine-enjoy pa ang nakikita niya.

"Ano dad? Di mo kami pipigilan? Enjoy na enjoy ka ah? Ikaw Jasper. Popcorn, you want? Isa ka rin e. Tingin mo samin, entertainment? Palayasin nyo to dito! Naku dad. Malaman ko lang na arrange marriage to, tatalikuran ko kayong lahat."

"Aba!" Yan lang nasabi nilang tatlo.

"Bakit ka tatalikod? Kakausapin ka namin tas tatalikuran mo kami? Bastos ka ah!" Sabi ni daddy.

See? Kaya tropa sila ni Jasper e. Penyete! Asan na ba kasi si mommy? Kailangan ko ng kakampi. T_T

"Whatever. Dad, asan si mom?"

"Nag-out of town mag-isa. Sabi niya mamamasyal daw sya."

"At hindi ako sinama?"

"Kasi hindi ka raw belong." Bulong ni Jasper.

"Ah talaga? Hinaan mo pa bulong mo. Rinig na rinig ko kasi."

Peste. Mukhang sasakit ang ulo ko maghapon sa mga 'to ah?

She's My Cousin XyleenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon