Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Oo, nagpahatid nalang din ako kay Gray. Mapilit si Amber e.
Napatingin si Gray sa bahay namin at tsaka ako tinanong ng, "that's your house? Awesome. Tour me inside." Tsaka sya lumabas ng kotse.
Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Tae. E, statement yun e! Hindi siya nag-request, ibig sabihin, inuutusan nya ako! "Gray, bawal ka do'n," sabi ko habang nakasimangot.
Nginisian niya naman ako, "why? Is your boyfriend inside that house? What's his name again? Ahm, Onyx?"
What the hell? "Gray naman!"
He smirked. "You'll let me in or I'll broadcast tomorrow that you insist on riding inside my car just to drove you home. Choose, lady, choose," sabi niya na para bang obvious na na pipiliin ko yung unang choice. Leche.
Inirapan ko naman siya, "tss. Tara na nga. Mapilit ka e."
Ngumisi lang siya at sumunod sa akin. Nakakainis ka talaga, Gray.
****
"Oh, there she is! Hi Xyleen," masiglang bati sakin ni Leeya. Inirapan ko lang siya. "What's the matter, dear?"
Tumingin ako sa likod ko at napanganga ang mga pinsan ko nang makita nila si Gray sa likod ko. Tumayo naman si Jonathan, Patrick at Anthony para batiin siya since magkakilala na sila. Pero etong si Leeya, masyadong nagulat sa mga pangyayari. Napanganga naman sina Allyca at Jennica pagkakita kay Gray. Okay. He's handsome. I know right.
"Xyleen, sino siya?"/"Bakit ka nagdala ng ibang lalaki dito bukod kay Onyx?"
Orayt. Now, how can I answer those?
Tinignan ko naman si Gray at mukhang feel at home na siya dito dahil kila Jonathan. Leche. Wala man lang siyang pakialam sakin? Patalsikin ko 'to sa Mars e. Hayop.
Seryoso akong tinignan ni Leeya, "bakit nandito si Gray at kasama mo siya?"
Tangina.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "you know what? Ikaw ang may pakana na maiwan kami sa school tapos magtatanong ka kung bakit kasama ko siya dito? Hello, Leeya!? As if namang natutuwa ako sa presence nya dito? Hinatid niya kasi ako dito because of Amber's request at nagsabay sabay pa kayo nina Allyca pauwi. Great."
Bigla silang humagalpak ng tawa. See? Lagi akong source of entertainment ng mga 'to -_-
"Xy, I'm sorry. Inuunahan ko lang si Jasper. Hahaha," napasimangot naman ako do'n.
Daig pa kasi ni Jasper si daddy e.
Pag andito si Onyx, bigla siyang eepal samin kaya ayaw na rin ni Onyx magpunta rito e.
"Speaking of that monster, where is he?" Tanong ko sa kanila.
Napatingin ng nakakaloko sakin si Allyca, "wow naman may tawagan na sila ni Jas! Monster and witch. Ayiiee, umaasenso kayo ah."
Lintek. "Tigilan niyo nga, Allyca. Asan nga?"
Ngumuso silang tatlo tsaka sabay sabay na sinabing, "nasa likod mo."
Napalingon naman ako at nakita ko ang nandidilim na aura ni Jasper. "Uhm, hi?"
Seryoso nya akong tinitigan at sinabing, "mag-usap nga tayo, Renaissance."
Napalunok ako nang tawagin niya ako sa tunay kong pangalan. Fuck. He's damn serious! Napalingon ako kila Leeya and they gave me a condolence look.
What the hell?
****
"Sino yung sinama mo?" Seryosong tanong niya sakin. Napalunok naman ako. Daig nya pa talaga si daddy e. Pero napailing naman ako dahil naalala kong pinsan ko lang siya!
Tinaasan ko sya ng kilay, "e, anong pakialam mo? Kaklase ko siya at hindi ako nakasabay kay Leeya pauwi."
"Tapos tinext mo ako na kay Leeya ka sasabay? Wow, Xyleen. Ang galing mo rin ano," sarcastic niyang sabi sakin. Konti nalang masasapak ko na 'to si Jasper.
"Tumawag sakin si Leeya na nakauwi na raw sya and she totally forgot about me kasi kasama niya si Amber mag-mall kanina! Vacant kami for 3 hours and tumambay lang ako sa Library kasama yun," sabi ko at tinuro si Gray. "He insists na siya na lang daw ang magbabantay sakin at umalis na daw sina Leeya! Sya rin ang naghatid sakin dito. Happy now?"
Tumalikod na ako sa kanya. Pinapainit ni Jasper ang ulo ko, leche.
Nakakailang hakbang palang ako nang tawagin niya ako pabalik sabay sabing, "sorry. Akala ko sinadya mong mangyari 'to."
At tuluyan ko na nga pong nilayasan si Jasper.
****
"Talaga, Gray? And then? What happened next?" Excited na tanong nila Allyca kay Gray. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil una sa lahat, nasa misa ako kanina kasama si Reverent Father Jasper Buenaventura. Note the sarcasm.
Mukhang hindi pa rin nila ako napapansin kaya kinuha ko na yung bag ko tsaka nilabas ang cellphone ko. Nagulat ako pagkakita ko sa phone ko dahil mayroong 27 missed calls dun galing kay Jasper.
Oo nga. May karapatan nga syang magalit.
Pero may isa ring message mula sa unknown number.
From: Unknown Number
We need to talk. Kanina pa akong nandyan sa bahay nyo. I even texted your dad na itext ka kaso mukhang wala kang pakialam. See you in the nearest coffee shop. -JVWhat the hell?
Napatayo ako sa upuan ko habang nanggigigil na nakahawak sa cellphone ko. Tinawagan ko si daddy.
[Hello, Xyleen?]
"Dad, what the hell?"
[Xyleen, watch your words! Anong nangyari?]
"Bakit nandito kanina si JV?" Naiiritang sabi ko sa kanya
[Hindi ko rin alam. Please don't get mad at me. I have no idea.]
I sighed. Mukha kang walang alam si daddy. "Okay. Bye."
Then I hang up.
Tinext ko agad si JV na magkita nga kami. Naiinis na talaga ako dyan sa paepal na yan!
Onyx Calling..
[Babe.]
"Hi, babe. What's up? Bakit di ka nagpakita kanina?"
[Ahm.. Emergency sa studio babe e. Anyway, sinabisakin ni JV na nagpunta raw sya dyan kanina. Is that true?]
"Yeah. Actually, magkikita kami ngayon."
[Tss. I already warned you, Xyleen.]
"Opo. Ako na po bahala dito."
[Okay. Ingat ka. Bye.]
"Bye."
I took a deep breath. Pakiramdam ko hindi ko kaya 'to. Aish. Bahala na nga!
BINABASA MO ANG
She's My Cousin Xyleen
Teen FictionHi :) this is my first story here in wattpad so, I hope you'll enjoy this one! Actually, matagal nang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na mag-post ako dito. Sadyang ako lang tong mukhang tangang ewan. Whahahaha! First story ko to kaya don't expect...