Jasper's POV
Pabalik na kami kila kuya Yuan. Tahimik si Xyleen. Parang tulog na nga e, kaya sinulyapan ko sya saglit. "Hoy Xyleen, ba't ang tahimik mo?"
Tinignan nya muna ako tapos umirap sya. "May dahilan ba para mag-ingay ako nang ikaw ang kasama ko?"
"Ano bang problema mo sa'kin?"
"Wala. Mag-drive ka nalang dyan. Bilisan mo." Sabi niya at nanahimik ulit. Sobrang tahimik na dito.
Tapos nag-ring yung cellphone niya. Agad naman nyang sinagot.
"Hello? Oo. Kasama ko si Jasper. Yeah, pabalik na kami. O'right, thank you. Yes, pakisabi rin. Okay. Sige, noted na. Paki-remind na rin sya. Yeah, thanks. Bye."
"Sino 'yun, Xy?"
Tumingin sya sakin at umirap sya ulit. "Wala kang paki. That's none of your business."
Sa inis ko sa kanya, binuksan ko ang radyo sa loob ng sasakyang 'to. Kaso, sana pala di ko nalang binuksan. Korean song kasi ang tumutugtog sa radyo tapos parang mali pa ata ang station na napuntahan ng radyo na 'to. Tss.
Papatayin ko na sana ito nang biglang hinawakan ni Xyleen yung braso ko. "Wag mong ilipat. Dyan na lang. Ako ang naglagay nyan dyan. At wag na wag mong tatanggalin yang in-insert kong Korean Songs dyan. Sasamain ka sakin."
Napakunot ang noo ko at kahit nagda-drive ako ay tinignan ko ying radyo ko. May nakasaksak na USB! Tinignan ko sya ng masama at tinaasan nya ako ng kilay. "At sino ka para diktahan ako? Sino rin ang nagbigay permiso sa'yo na maglagay ng Korean Songs sa USB? Sa'yo ba 'tong kotse? Ha?"
"Wala kang paki. Yan ang gusto ko e. Anong magagawa mo? At tsaka, wag na wag mo talagang aalisin yan dyan. Di ako makakabiyahe ng walang naririnig na Korean Songs. Dahil sabi ni daddy, I am grounded for a month and you'll be my driver."
****
"Jasper! Namiss kita, pare." Sabi sakin ni kuya Joshua pagkakita nya sakin. Nag-bro hug pa nga kami e.
"Ako rin, kuya. Nasaan si kuya Tonton?" Tanong ko dahil ang nakikita ko lang na lalaki dito ay sina kuya Yuan, kuya Joshua, Patrick at Jonathan.
"Ulyanin ka na ba, Jas? Di ba nga kayo ni Xyleen ang naghatid sa kanya pauwi?" Natatawang banat ni Jothan. Napatingin naman ako kay Xyleen na sobrang busy sa pakikipag-kwentuhan sa mga pinsan naming babae.
"Oo nga pala. Sorry naman. Hahaha."
"Ayos lang yan. Naiintindihan ko namang hindi kayo maayos sa sasakyan kanina." Sabi ni Pat tapos humalakhak siya. Napakunot ang noo ko.
"Pa'no mo nalaman yan, Pat?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan naman nila ako ng may halong pagtataka. "Tinawagan kasi ni Patrick si Xyleen kanina nung pauwi na kayo. Sabi pa nga nya, kasama ka daw niya e." Pagpapaliwanag ni kuya Yuan.
"Nag-away na naman kayo?" Sabi ni kuya Joshua na nakakunot ang noo. "Dapat iniiwasan nyo ni Xylie ang pagtatalo. Tsk. Para kayong may LQ lagi."
Kinuha ko nalang ang alak sa ibabaw ng mesa at tinungga ito. "Sinusubukan ko naman makipag-usap ng maayos sa kanya e. Kaso lang, kuya Josh, sya na 'tong may problema! Aba, lagi akong binabara. Tss. Inaano ko ba sya? Parang ewan, wala."
Napakamot naman ng ulo si kuya Yuan. "Jas, babae yan e. Natural, mahirap yan intindihin. At tsaka, 'pag ganyang binabara bara ka lang, wag mo na lang sigurong patulan. Para kayong bata e."
"Oo nga. Aso't pusa pa nga e. Tsaka dude, di maganda yung nasasabihan ka ng Bakla dahil sa ganyan." Sabi ni Jothan at saka kami nagtawanan.
Nalipat nalang ang atensyon ko sa cellphone kong nag-vibrate dahil sa text. Agad kong tinignan ang sender at di ko inaasahang makikita ko ang pangalan nya sa inbox ko!
From: Katie Yson
Hi Jas! Are you free tonight? Can we have a talk? I'll be waiting at the park. Thank you :)Nagtaka naman ako kung bakit nya ako pinapapunta at ano ang pag-uusapan namin? "Uy Jas, si Katie ba 'yan? Nakikipag-meet? Puntahan mo na!" Kantyaw sakin ni Patrick na kanina pa pala nakasilip sa cellphone ko. Tss. Nakikibasa ng message.
Narinig ng mga pinsan kong babae ang sigaw niya kaya nagreklamo na sila.
"Jasper, di pa nga tayo nakakapag-bonding ng lahatan tapos may meet up meet up ka pang nalalaman?" Sabi ni ate Allyca.
"Oo nga kuya Jas. Andaya mo! Minsan lang tayo mag-bonding e." Sabi naman ni Leeya.
Napakamot ako sa batok. "Ahm, sorry girls ha? Mukhang importante kasi 'tong pag-uusapan namin ng ka-meet up ko e."
"Mas importante samin, Jasper?" Tanong ni ate Jennica kaya napatigil ako. Nilibot ko ang paningin ko sa kanila at nakita ko agad si Xyleen at si Saff na mukhang lasing na nga dahil namumula na sila at mapungay na ang mga mata nila.
"I changed my mind. I'll stay." Sabi ko at bumalik sa pwesto namin kanina.
Nilabas ko ang cellphone ko at agad nag-type ng message para kay Katie.
To: Katie Yson
Sorry, Kate. Let's try it next time. May reunion kaming magpi-pinsan e. I don't wanna spoil this. And I don't wanna miss it. So, maybe next time?"Awts. Rejected! Hahahaha. Swerte mo Jas. Ikaw nilalapitan?" Sabi ni Jothan na nakikibasa narin ng text.
From: Katie Yson
Oh, okay. Sige, next time na lang. Bring your cousin Xyleen with you when we meet up. May ipapakilala ako sa kanya :) okay, Jas. Thanks. :*That's it. May kutob na ako.
BINABASA MO ANG
She's My Cousin Xyleen
أدب المراهقينHi :) this is my first story here in wattpad so, I hope you'll enjoy this one! Actually, matagal nang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na mag-post ako dito. Sadyang ako lang tong mukhang tangang ewan. Whahahaha! First story ko to kaya don't expect...