Sapphire's POV
Nagising ako, tulog na sila Kuya. *yawns* inaantok pa ako e. Pero, kyaaaaah! Kada maaalala ko 'yun, kinikilig talaga ako. Ewan ko ba.
Kinikilig ako sa kanilang dalawa. Wala kasi talagang alam ang Kuya kong tanga. Whahahaha! XD
Eto kasi 'yun. Bata palang kami, inlove na 'yan si Kuya kay Xyleen. Tanga lang ni Kuya kasi naniwala syang mag-pinsan talaga kami. Ang galing kaya mang-uto ni Tito Nic. Idagdag mo pang magaling sumakay sa trip si Mommy at Daddy.
Flashback
Nasa playground kami noon sa subdivision namin. Malawak 'yung playground dun kaya dun kami laging naglalaro nila Xyleen. Kasama namin sina Yaya syempre.
Si Kuya at si Xyleen, nasa seesaw sila. Ako naman, nasa swing. Pinapanood ko sila. Ang lakas ng tawanan nila ni Kuya pero maya-maya lang, biglang tumayo si Ate Xy.
"Nakakainis ka, alam mo 'yun? Isusumbong kita kay Mommy!" Sigaw ni Ate Xy at nakapamewang pa sya sa harap ni Kuya.
"Edi magsumbong ka! Hindi ka nila paniniwalaan." Sabi naman ni Kuya at dinilaan niya si Ate Xy. "Tara, maglaro tayo sa Monkey Bars. Pag nahulog ka, unggoy ka."
"Bring it on, Jasper! You won't win and you mustn't win." Determinadong sabi ni Ate.
Tinabihan ako ni Yaya kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian ko na lang siya. Ganun din ang ginawa niya.
"They look good together. Right, Yaya?" Sabi ko kay Yaya and she flashed a playful smile.
"Oo naman, Sapphire. Ang totoo nyan, bagay na bagay si Jasper at Xyleen." Sagot naman ni Yaya.
"I agree with that, Ya."
"Teka, pag-tripan kaya natin sila? Let's tell them, you're cousins! Tama. May gusto ba si Jas kay Xy?"
"Meron po, Ya. Inamin po sakin ni Kuya. Hihihi."
"Edi, tama! Lokohin natin sila."
Pag uwi namin kinahapunan, naabutan ko dun si Daddy. Umakyat agad si Kuya sa loob ng kwarto niya kasi pagod na pagod 'yun kakalaro. Ako? I'm not into playing outdoor games. I'm into books. Mas mahal ko libro.
Si Ate Xyleen naman, hinatid agad nung driver namin. Although sa kabilang subdivision lang sila, pinahatid parin siya ni Kuya. Reason ni Kuya?
"Lampa kasi 'yan e. Ihatid nyo nalang po. Mas mabuti narin po 'yung nag-iingat. Marami pa naman pong aso sa daan."
Knowing Ate Xyleen, she hates dogs. Maarte na yan, noon pa.
"Andyan ka na pala, Sapphire. Come here, Baby." Sabi ni Dad at lumapit agad ako sa kanya. Niyakap nya ako at binalik ko yung yakap niya.
"Dad, may sasabihin ako sa'yo. Tara po sa kwarto mo." Sabi ko at hinila ang kamay niya kaya napatayo sya. Hinila ko sya pataas ng hagdan.
"Ano ba 'yang sasabihin mo? Importante ba 'yan?" Nagtatakang tanong ni Daddy.
"Basta po. It's a secret, Dad. Come on!"
Nung nasa kwarto na kami, ni-lock ko agad yung pinto. Humarap ako kay Daddy. Di na ako nagpaligoy-ligoy pa. Diniretso ko na siya. "Dad, please tell Kuya, Ate Xyleen is our cousin."
Nanlaki ang mga mata ni Daddy sa sinabi ko. "What? But, why? Baby, may alam ka?"
"Yes, Dad. Meron po. Kuya likes Ate Xy. Hihihi." Kinikilig kong sabi kay Daddy. Napangiti naman siya ng nakakaloko.
"Okay. Let's do this. But, kaninong idea 'to?" Sabi ni Dad. He's grinning.
"Kay Yaya po. Kanina lang po namin naisip 'yun e."
"Okay. Call your brother. Si Chalce, palabasin mo na sa library. Isang araw na sya dun. Mula kaninang umaga, nandun sya." Utos ni Dad.
Pinatawag kami ni Dad sa living room. Doon kami mag-uusap-usap. Andun si Mommy, Tita Jade, Tito Nic, Ate Xy, Kuya Jas, si Chalce at ako. Kumpleto kami doon.
Tinext kasi agad ni Daddy sina Tito Nic tungkol sa plano. Nagustuhan nila, syempre. Kaya isinama nila si Ate Xy para malaman ang reaksyon niya. Natatawa ako, na na-eexcite na ewan. Haha. Mixed emotions.
"Xyleen, Jasper, Chalcedony and Sapphire. Kayoaymagpipinsan." Sabi ni Tito Nic. Ang bilis nga nung dulong sentence niya e. Nakakaloka. Parang nagra-rap lang.
"Ano yun, Dad? Hindi ka namin naintindihan?" Taas kilay na tanong ni Ate Xy.
"Ang sabi ko, magpi-pinsan kayo." Kalmadong sabi ni Tito Nic.
Nagulat ako kasi napatayo si Kuya. Looks like he didn't expect it. Right. This is fun! "Is that some kind of a joke?" Tapos tinignan nya kami nila Daddy.
"No, son. No. It's true." Kalmadong sagot ni Dad.
"Ano ba yan? Ang gaganda ng lahi natin e. Masisira lang dahil sa kanya? *sabay turo kay Kuya* pss. Mommy naman e. Edi, kapatid mo po ang isa sa parents nila? Sino po?" Dire-diretsong tanong ni Xyleen.
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Hello? Di sya magagalit?
"Ahm.. akyat na po ako sa kwarto." Matamlay na sabi ni Kuya. Lihim kaming napangiti. Mukhang tagumpay kami sa planong ito. Hahaha.
"Okay, Jas. Pahinga ka na. Ahm.. back to your question, Xyleen. Kapatid ko si Cindy." Sabi ni Tita Jade. Oh well. Damay damay lahat.
"Ah, okay. So all this time, yung bestfriend ko, pinsan ko lang pala? Ang galing diba, Saff?" Sabi niya at tumingin sakin.
Saff. Sya ang nagbigay ng palayaw ko. And I like it, tho.
"Yeah. Hahaha." Sabi ko.
End of Flashback
Pagkatapos ng pag-uusap namin, umuwi na sila Ate Xy. Disappointed kami kasi nakangiti aya the whole time. Napaka-curious niya to the point na every single detail, inaalam niya. Ganyan sya ka-curious.
Kinabukasan noon, si Kuya, niyaya kami papuntang States. Doon nya na raw gustong mag-aral. Sus. If I know, na-depress lang sya nung nalaman niyang pinsan namin si Ate Xy. Pero wala kaming nagawa ni Dad. It's all part of the plan.
Nung nasa States na kami, sinubukan ni Kuya humanap ng iba. And he didn't fail. Naging girlfriend nya ang filthy bitch na si Katie Alexandrienne Yson. Mas maganda pa doon si Ate Xy. Pero wala akong magawa kasi kalokohan namin 'to e. Sinimulan na namin, malamang tatapusin namin. Naalala ko tuloy yung time na pinakilala ni Kuya si Katie kila Mommy.
Umuwi si Kuya sa bahay with a girl. Hindi ko sya kilala. She has a curly brown hair, slim body and an angelic face. Pero kung titignan mo siya, una palang, masasabi mo nang maarte siya. First impressions last, ika nga.
"Dad, Mom, I'm home." Sabi ni Kuya then he greet us. "Uhm.. this is Katie Yson, my girlfriend."
Naibagsak ni Daddy yung tinidor at kutsarang hawak niya. Si Mommy nanlaki ang mata. Si Chalce, wala lang. Ako? Napanganga ako ng bongga! Seriously? Si Ate Xy ang gusto ni Kuya. I definitely know that. Bakit umeksena 'tong brunette na 'to?
"Hi. Goodevening. Nice to meet you." Magalang na bati ni Katie. Ang arte magsalita! Sabunutan kita dyan e.
"N-nice to m-meet you, too. Sit down, dear." Sabi ni Mommy. Kumalma naman na kami.
"Thank you, Ma'am." Sabi niya naman and she smiled at Mom.
"Katie, this is Sapphire and Chalcedony, my sisters." Pakilala samin ni Kuya.
"Hi!" Bati ni Katie.
"Hello." Walang ganang bati ko sa kanya. Tinaguan lang sya ni Chalce. I thought si Ate Xyleen ang gusto niya? Bakit sya nag-girlfriend? Aish.
Ayun. Ayoko nalang alalahanin pa. It's so nostalgic.
******
Sinipag ako. XD goodluck sa section namin bukas. Sana hindi tayo ma-guidance. Sana. Haha. Okay? That's all. Thank you!-pinkynaij 💋
BINABASA MO ANG
She's My Cousin Xyleen
Novela JuvenilHi :) this is my first story here in wattpad so, I hope you'll enjoy this one! Actually, matagal nang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na mag-post ako dito. Sadyang ako lang tong mukhang tangang ewan. Whahahaha! First story ko to kaya don't expect...