Xyleen's POV
Nandito kami sa Studio ngayon. Walang photoshoot. Pero may recording.
"Xy, okay lang 'yan. Ganda ganda ng boses mo e." Pang-aalo sakin ni Cassie.
"Che! Huhuhu, ayaw ko na! Model ako! Model! Hindi singer! Juskopo! Sir Eric, do something!"
"Sorry, Xyleen. This is final. Dagdag kita rin 'yan." Sabi ni Sir.
"Marami akong pera, Sir!"
"Wag tatanggihan ang grasya!" -Sir
"Oo nga. Duet naman kasi yung kanta nyo e." -Cassie
"Sino ka-duet ko?"
"Yung vocalist ng Cloud Nine. Si Mr. Buenaventura." Sabi naman ni Sir. Sino kaya yun? Nakakainis naman. Ang malas ko ata ngayon? Ka-apelyido pa ni Jasper 'yung ka-duet ko.
"Weh Sir? Ang pogi kaya nun! Si JV <3 Jusko! Ke gwapo gwapo nun! Ang macho rin ng boses. Kyaaah! Napakaswerte mo, Xyleen Dominguez!" Susko. Pati si Cassie, fangirl -_-
"Tss." Umupo nalang ako sa gilid at hinayaan kong tumili ng tumili si Cassie doon.
Calling...
Onyx"Hi, Babe."
[Oh, Babe! Anyare sa'yo? Bat ang tamlay mo ata ngayon?]
"Babe, ayokong kumanta. *le Xyleen pouts*"
[Eh? Mag-re-recording kayo?]
"Yeah. Model ako, hindi singer." *le Xyleen roll eyes*
[That's good. I want to hear your voice, Babe. May ka-duet ka?]
"Yeah. JV daw. Hindi ko nga kilala e."
[Woah. You mean, vocalist ng Cloud Nine?]
"Oo, siya nga. Kilala mo pala? So ako lang hindi nakakakilala sa kanya?"
[Seriously Babe? Di mo kilala si JV? Tropa ko yun! Si Johan Buenaventura! The most famous Vocalist of---]
"Yeah, yeah. Cloud Nine. Tss. Paki ko dun sa JV na yun? I have you in my life, anyway. And oh! Dinner sa bahay mamaya ok? Baka magalit na sa'yo si Dad kapag hindi ka pa sumipot. Magpa-impress ka muna Babe."
[Hahaha. Sure! Bye, Babe. Text nalang kita mamaya.]
"Sure, Babe. Iloveyou." *le Xyleen blush*
[Iloveyoutoo, Babe. Take care.]
"I will. Bye."
Toot toot toot
"Xyleen, nandyan na yung ka-duet mong si Mr. Buenaventura." Sabi ni Sir Eric.
"Omegesh! Nandito na si Fafa JV! Napakaswerte mo bruhilda kang Xyleen ka! Aynako! Jowa mo, wafu. Etong si JV naman, uber sa kagwapuhan! Parang si Onyx din. Hihihi. Pikutin ko yan e." Sabi nung baklang staff namin na si Vichel.
"Hoy Vichel, akin lang si Onyx. At saka, hindi ko kasi talaga kilala 'yang si JV na yan. Ngayon ko lang makikita yan."
"Ay nako, Xyleng! Baka naman ipagpalit mo ng 'di oras si Fafa Onyx pag nakaharap mo na si Fafa JV. Geez!" Sabay tili ni Vichel.
"Hoy Baklang Vichel, lumayas ka na riyan at nandyan sa labas si JV. Alis. Galit sa baklushi 'yong Fafa na yon." Warning ni Cassie kaya napaalis na si Vichel.
Napailing naman ako. Kasabay noon ay ang pagpasok ng isang gwapong lalaki dito sa studio. "You must be Xyleen Dominguez." Tumango naman ako. "I'm JV."
BINABASA MO ANG
She's My Cousin Xyleen
Fiksi RemajaHi :) this is my first story here in wattpad so, I hope you'll enjoy this one! Actually, matagal nang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na mag-post ako dito. Sadyang ako lang tong mukhang tangang ewan. Whahahaha! First story ko to kaya don't expect...