Chapter 26

9 0 0
                                    

Xyleen's POV

Katatapos lang ng photoshoot namin. Sabi ko kay kuya, dito na sila matulog ni Kristen. Pumayag naman sya tsaka gusto rin naman ni Kristen dito.

"Xy, andito na sila kuya Pat." Sabi sakin ni Jas. Kasama ko naman si Kristen.

"Sige, baba nalang kami. Come on, Kristen. My other cousins are here. Want to meet them?"

"Yes. Who are they?" Minsan ayoko kausapin si Kristen. Pinalaki ni kuya na English speaking ang batang to. Hays.

"Just.. Ahm.. Kristen? Do you even know how to speak Tagalog?" Tanong ko naman sa kanya.

"Yes. Daddy taught me how."

"Why aren't you speaking Tagalog if you know how to use the language?"

"It's because I'm used to speaking English. Come on?"

Napanganga ako. Tumango nalang din ako kasi nauuna na siya sa hagdan. Manang mana to kay Kuya Cayle. Matured na agad.

Pagbaba namin, nakita namin agad do'n sina kuya Jonathan, kuya Patrick, at kuya Anthony. Napatayo agad si kuya Anthony nung nakita nya si Kristen.

"Hi Xyleen. Akalain mong may tinatago kang anak dito? At ang ganda nya ha? Ano yan? Pinaliit na Xyleen? Anong pangalan mo babygirl?" Sunod sunod na tanong ni kuya Anthony. Sabi ko na e, ito ang Mini Me version ko.

"Kuya, she's not my daughter. She's kuya Cayle's daughter."

"And my name's Kristen." Sabi netong batang to. Ang cute cute niya. Kakagigil.

"Woah, Englisherang bata? Anak ka ni Ryuen? Naks naman! Ang ganda ganda mong bata ka." Sabi ni kuya Patrick.

"Nandyan na pala kayo, kuya Pat." Nakangiting bati ni kuya kila kuya Patrick.

"Napakaganda naman netong batang to, Ryuen. Sino ang mommy niya?"

"Ask her." Tapos nagkibit balikat si kuya. Sino nga ba? Pero sabi ni kuya wala siyang girlfriend kaya nag-adopt sya ng bata.

"Kristen, who's your mother?" Tanong ni kuya Jonathan kay Kristen.

"I am adopted and I don't know who is my mom. Daddy Ryuen has no girlfriend so, please, don't ask the same question again."

What the? Alam na nyang adopted sya? Shock was written all over my face. Paano nya nalaman yun? Tinignan ko si kuya at mukhang nagulat rin siya sa sinabi ni Kristen.

"Don't worry, Dad, I'm fine with it." Sabi niya with a smile.

"Kuya, sure kang hindi mo pa sinasabi?" Tanong ko kay kuya. Kasi syempre, pano nya malalaman yun diba?

"Hindi pa. Promise." I sighed.

"Okay? Ahm.. Kristen, gusto mo maglaro?" Sabi ni kuya Jonathan.

"Kuya Jonathan, mas maganda kung kakausapin nyo sya in English. Dadalhin ko yan sa ibang bansa pagtungtong nya ng 7 years old."

"Bakit? Ilang taon palang ba sya?"

"Three years old. Pero matalino sya at mabilis pumick up kaya nga siguro nalaman nya agad na adopted sya."

"Thanks but I don't want to play. I want a book to read, can you give me some?" Sabi ni Kristen. Kaya sobrang talino niya e. Libro ang hinaharap. Haha.

"Here." Sabay abot ni Jasper ng libro sa kanya. "At ikaw Xyleen, labasin mo muna boyfriend mo. Kanina pa yun dun."

"Nandyan si Onyx?" Aish! Dumagdag pa ang lokong yun. Hays. "Kristen, I'm going out a for a while."

Isinarado nya naman ang libro nya tapos bumaba sya sa upuan. "I'll go with you."

"Kuya, labas muna kami ni Kristen! Kuya Jothan, kayo muna bahala dyan."

Paglabas namin sa may gate, nakita ko si Onyx nakasandal sa may kotse niya.

"Babe, what took you so long?" Salubong nya sakin.

"Nothing. Anong ginagawa mo rito?"

"Hindi mo na ako pinansin simula ng dumating kuya mo kagabi. Labas naman tayo."

"E, nasa labas naman tayo ah." Sinamaan nya ako ng tingin. "Joke lang. Sorry naman. Na-excite lang akong makilala ang cute na cute kong pamangkin. Onyx, this is Kristen, my Mini Me."

"Hi Kristen! Nice to meet you baby."

"Hi. You're a playboy, aren't you? You must have made millions of girls cry." Tapos tinakpan ko na yung bibig ni Kristen. Mukha namang nabigla si Onyx. Di sya nakapagsalita agad e.

"Ahm.. Tara sa loob, babe?" Sabi ko sa kanya. Mukhang namang natauhan na siya kaya tumango nalang siya at pumasok kasabay ko.

"Kristen, bakit mo sinabihan ng ganon si Onyx?"

"Because that's what I think about him." Ayy? Masyadong bulgar sa words tong batang to.

"Nandito ka pala Onyx." Sabi ni kuya.

"Kuya, san sila mommy?" Sabi ko. Kanina ko pa sila hindi nakikita e.

"Ah sina Tita? Kasama nila mama. May business trip sila ngayon. Kasama din nila sila tito Karlo e. Kaya di makakapunta sina ate Shai at kuya Yuan dito kasi sila yung naiwan sa bahay." Sabi ni kuya Anthony. Bakit biglaan?

"Business trip? Tas magkakasama parents natin? Dapat ba tayong maghinala?" Natawa naman kami sa sinabi ni kuya Jothan.

"Ganto nalang. Tawagan nyo yung iba nating pinsan." Tapos pinuntahan ko na si Onyx. Hayaan na sila mag usap usap don.

"Uuwi na ako, Xy."

Hala? "Teka. Bakit ang bilis?"

Nagbuntong hininga muna siya. "May shooting na naman daw sabi ni Direk."

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. "Get some rest, babe. Call you later."

"I will. Bye."

"Take care."

Pagpasok ko, nakasalubong ko si Jasper. "Ano, hinatid mo na boyfriend mo?"

"Nakita mo naman diba?" Inirapan ko sya. "Teka, pupunta ba si Saff? Si Cha?"

"Si Cha, pinayagan na nila mommy bumalik sa States. Tapos si Saff, hindi ko sure kung makakapunta. May laban sila sa Volleyball. E, sya yung captain ng team nila. May training pa yun."

Sobrang busy ng mga pinsan ko. "Kelan alis ni Cha?"

"Ngayon."

Anak ng! Bat ngayon ko lang nalaman? Bitch talaga. Di ako sinabihan. Kinuha ko phone ko at tinext sya.

To: Cha
Hey bitch! Mag iingat ka sa pupuntahan mo, bruha ka! Bwisit ka, di moko sinabihan. Kung di pa kita kamustahin kay Jasper di ko pa malalaman. Badtrip ka ah! Anyways, bawal tanga sa States. Pairalin mo common sense mo kahit minsan. Di ako concern. Isa lang akong magandang nilalang. Bye!

Jusko. Iba talaga si Cha. Peste.

"Titaaaa! Let's go to the mall." Sabi ni Kristen. Tinignan ko si kuya sa likod niya.

"Okay lang sayo kuya?"

"Yes. May tiwala naman ako sa inyo. Text nalang kita kapag kumpleto na tayo."

Okay. "Tara, Kristen. I'll use my car."

"Let's go, tita!"

She's My Cousin XyleenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon