Chapter 1> Meet the STRAWHAT GUILD

176 5 4
                                    

Chapter 1> Meet the STRAWHAT GUILD

MILFA’s POV

“Uwahhhhhhh…!!! Huhuhuhu.. uwaaaaahhh!!!”-ako

“psstt..!! hoyyy tumigil ka nga dyan.”-sya

“wahhhhh.. hindi ito pwede.. hindi pwede.. mag wawala ako mag wawala talaga ako!!” -ako

“alam mo wala ka ng magagawa pa..ok?”-sya

“hindi to pwede.. manong naman eh.ang tagal kong hinintay na mag sale yung saklob ni Traffy at yung stuff toy ni happy.. badtrip naman oh. Ang dami nung  mga kelangan ko eh tapos hindi nyo ko pinagtira. Tsk.” (para po malinaw ^__^ traffy ng one piece at happy ng fairy tail)

 Ahhmm wait. Kala nyo kung anu na noh.? Well si manong na tindero yung suma-saway saken.. Ngayon nakatangla na lang ako sa may salamin sa harap ng tindahan ni manong. Tindahan ng mga anime stuff. at dahil nga sale lahat ng tinda, na unahan na ako..so sad talaga..

“pasensya na hija. Nexttime nalang ha.? At nexttime agahan mo na din.”-si manong na pumasok na sa loob

“tsk.. sige na nga nexttime nalang.. hhmff” - naglakad na lang ako sa sakayan ng diyip.. ano ang diyip? Eh di jeep. Haha.. pauso lang yung diyip para wala lang :P

Habang nasa byahe.tumigil ang diyip na sinasakayan ko kase red light eh. Tapos may katapat kaming kotse. Wow ha astig Lamborghini ang peg ng kotse nya. Ahmm pasensya na mejo naka nga-nga na ako kase astig nga. Tapos napa ngiti ako ng malaki *________* .Grabe gusto ko din magka kotse. iyong katulad ng nakita ko. Well saka na pag tumama na ko sa lotto.. hehe



At yun, sa wakas nakadating na din sa paroroonan. Saan yon? Syempre dito sa school namen. Hayyy, salamat sa pagiging scholar ko at nakaka pasok ako sa school ng mga mayayaman.

Pag pasok ko pa lang syempre tinginan saken mga studyante dito. Ako pa. Eh bakit nila ako pag titinginan? Kase naka cosplay lang naman ako. Naka haruhi uniform. Yung bida sa anime na “melancholy of haruhi suzumiya”.

(see the cosplay picture dyan sa tabi tabi >______<)

At dahil friday ngayon kaya pwede kaming mag suot ng kahit ano. Kaya ako laging cosplay pag friday. Pero pag araw araw naman ang pasok kadalasan nag wi-wig na lang ako, para feel ang pagiging cosplayer, oh di ba. Mas kilala pa nga ako pag naka ganun eh. Baka nga pag simple lang ako eh hindi nila ako makilala. Hindi pa nila nakikita yung pagkasimple ko. Kahit yung mga kaibigan ko ganun din.

Speaking of kaibigan.. Aba teka asan na yong mga yon? Ahmmm.. wala sila sa classroom. Teka siguro nasa tamabayan sila. 11 kaming magbabarkada. 5 girls at 6 boys. Nabuo ang barkada namen nung 1st year college kami at ngayon nasa 2nd year college na kami at sa awa ng diyos nakatgal kami kahit mga sira ulo kami. Well Masaya naman bonding namen eh. Sa gulo man o sa saya. Lagi kaming mag kakasama at nagtutulungan. Mag kaka-klase din kami. Kase iisang course ang kinuha nmen. May dalawa na ahead samen ng 1 year. Maya ko na lang sila ipapakilala. Hanapin ko muna sila :D

Stalker si Cosplayer (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon