#FEELERMODE> ThrowBack (Van)

44 5 0
                                    

Konting feeler lang  ^__^

Kasunod din po sila ng story ^.-

Pero mga bida din naman sila di ba ^---^

Kaya subay-bayan din po ang story at kakulitan nila >8<

#FEELERMODE> ThrowBack(Van)

VAN’s POV

@ Van’s crib…..

(SATURDAY)

(Picture po ni Van sa side (>.<) >>>>>>>>>>>>>>>

 Nai-inip na ako dito sa house ng walang ginagawa. Maya maya pa kase ng konti  ang work ko eh. Hindi ako sanay ng walang ginagawa. Pag hindi nag tatrabaho eh nag-aaral naman. Kahit pag-lalabas o gagala kaming mag babarkada tapos kahit sobrang ingay at gulo nila wafakelz ako. Tuloy ang basa at aral.

Kelangan ko kaseng mag-aral ng mabuti. Para sa pamilya ko. Ako lang ang aasahan nila.

“Makapag basa na nga lang,” tapos hinanap ko iyung mga libro ko.”aray anu ba naman iyun tsskkkk..”- napa hilot tuloy ako sa ulo ko eh kasi naman kaw ba ang bagsakan ng mga libro sa ulo.

“Te-teka. Anu to.?”- May picture ako’ng nakita.

Napangiti ako kase ang tagal na pala ng picture na ito. Nasa akin pa din pala.

Ang mahal ng bili ko dito sa picture nya ha.

Etong nasa litrato na to. Ang fisrt crush ko. Ang first holding hands ko, first yakap, at ang pinaka importante ay ang first kiss ko……… sa noo nga lang…. At sya lang ang unang nagsabi saken na maganda daw ako *___*

*balik tanaw sa nakaraan………..

(3rd year high school)

(pag katapos ng klase)

“Hoy Vanilla saan ka pupunta?”- tanong sakin ni shelly. Kaklase ko sya.

“Ha? Ahmm anu. Mag tatrabaho.”- sabi ko tapos na yuko pa ako.

“Hindi ka ba marunong makipag-usap ng hindi tumitingin sa kausap ha!?” sinigawan nya ako.

“Pa-pasensya na… si-sige ha. Aalis na ako.”- tapos nag lakad ng ako ng mabilis palayo.

Kung hindi agad ako aalis baka pag tripan ako ng barkada nya. Wala kase akong mga kaibigan.

 Sa public din ako nag-aaral. Sa hapon nag tatrabaho ako kahit part time lang sa mga Karin-derya. Kelangan ko kase ng pera para sa mga school project. 8 kaming mag-kakapatid at ako ang panganay. Hindi na din ako nahingi ng pambaon sa mga magulang ko kasi baka kulangin pa kami para sa pang kaen.

Ni minsan hindi ako nag-reklamo kung bakit ganito ang buhay namen. Iniisip ko na lang na aahon din kami sa hirap pag nag-sumikap ako. At uumpisan ko yun sa pag-aaral ko. para pag naka tapos na ako sila naman ang tutulungan ko hanggang sa guminhawa kami.

Isa lang naman akong simpleng studyante. Hindi din ako pansinin sa school. Nerd ang bansag nila saken. Kase naka salamin ako. Por que naka salamin nerd agad hindi ba pwedeng trip ko lang? ( mey ganun? :P)

Yun na nga. Hindi naman talga Malabo ang mata ko. malinaw pa ito sa pusa. Kaya lang naman ako nagsusuot ng salamin eh para hindi nila ako mapansin. Ayoko kase ng pinapansin ako. Tsaka nahihiya din akong makipag kaibigan. Kase naiisip ko makaka distract yun saken.

Pero amin ko hindi naman ako panget. Pag naharap ako sa salamin sinasabi ni itay na maganda daw ako. Kamukha ko daw si inay. Syempre ako tuwang tuwa. Si inay naman lagging sinasabi na mag-ayos daw ako ng sarili ko para Makita ang totoong itsura. Eh ayoko nga ng pan-distract eh. Kaya hinayaan nalang nila ako sa gusto ko.

Stalker si Cosplayer (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon