Konting feeler lang ^__^
Kasunod din po sila ng story ^.-
Pero mga bida din naman sila di ba ^---^
Kaya subay-bayan din po ang story nila >8<
#FEELERMODE> Operation Tulong(RYU & RUI)
@ hisagi’s crib
(picture po nung hisagi twin’s sa side > ( si RUI naka white, si RYU naka black. nasa likod sya)
RYU’s POV
(SATURDAY)
“Ommo.. anung gagawin ko,? tskk”- Ako na Paikot-ikot sa kwarto ni Rui. Masarap kasi ditong tumambay. Pwedeng mag-kalat. Kase sa kwarto ko eh malinis.. ^---^
“Psst.. uyy, ano ka ba naman tol. Nakakahilo ka na ha. Kanina ka pa.”- Rui. Tapos ibinaba na nya yung joy stick. Naglalaro kase sya ng ps3.
“Eh kasi tol--” -tapos lumuhod ako sa harap nya kase naka-upo sya sa sofa. ”Tol help me please tol. Kambal naman tayo diba. Nag-tutulungan. Di ba, di ba tol.?”- wahhh, halos mag makaawa na ako.
Sana naman talaga tulungan nya ako sa problema ko. Eh kasi naman sa aming dalawa sya itong mas tuso. Sya yung mas nakaka isip ng mga kalokohan namin. Kahit mas na una akong ipinanganak sa kanya. Ako dapat ang kuya pero parang ako ang bunso. Errrrr
“Ano tol?”- tanong ko ulet.
“Eh papano nga kita tutulungan hindi mo naman sinasabi saken ang problema. Tskk. Alis dyan tol. Naglalaro ako. Lapit ko ng matapos yung mission oh.”- umalis nga ako sa harapan nya.
“Eh kasi tol, yung ano. Kase, (hinga ng malalim)(at ibinulong ko ay) tol yung diary ni ate,hindi ko sinasadyang Makita tol.”- totoo naman eh. At nag tatago ako ngayon. Kase hindi ko alam kong nakita ni ate na hawak ko yung diary nya. Feeling ko nakita nya ako eh. Kaya tago tago din pag may time.
Napatigil sya sa paglalaro. Kaya naman natalo sya :P
Eto sya oh nung nadinig yung sinabi ko O__O ganyan sya. Tulala.
“Hoy tol. Nataya ka na oh.”- at itinuro ko yung L.E.D t.v.
Hindi nya pinansin yung sinabi ko. “To-tol, sabihin mung joke lang yun.?”- pinag papawisan na si utol pero wagas ang aircon dito ah.
“Tol naman eh. Andito nga oh hawak ko.” tapos ipinakita ko sa kanya yung kulay black na diary note book ni ate.
“Tol ano, pass muna ako dyan.”- patay malisya ang luko. Arghh.
“Tol naman eh. Ibabalik ko na sana ito. Kaya lang bigla syang pumasok. Tapo—“
“ANO.? Te-teka teka lang ha.” Tapos tumayo sya at sya naman ang pumalit sakin sa kaiikot sa kwarto nya. “Tol, GAGO ka. Jusku tol, asarin mu na lahat wag lang si ate tem. Alam mo naman yun pag nagalit diba. Malma pa sa dragon. Itim na apoy ang ibinubuga nun. Tskkk. Papanu na yan.?”- at napakamot sya sa may ulo.
“Eh tol, hindi ko naman sinasadya eh.“-tapos lumapit ako sakanya at inakbayan ko sya.”pumasok ako sa kwarto nya kase may itatanong lang ako. Tapos nakita ko ito sa ibabaw ng study table nya, na curious ako kaya kinuha ko tapos nung tinitingnan ko diary pala nya. Tapos yun na nga. Bigla syang pumasok tapos nataranta ako kaya itinago ko sa loob ng damit ko. eh hindi ko na maibalik kase natatakot talaga ako.”- Grabe pati ako pinag-papawisan na din dahil sa ka-tangahan ko. tskk.
“Ahmm. Sige isip na lang tayo ng solution dyan. At mag-isip ka din, chill ka lang para maka pag-isip ka ng maayos.”- yun ang gusto ko dito sa utol ko eh. Binibuild up ako lage (Y.Y) nakaka-touch.
BINABASA MO ANG
Stalker si Cosplayer (ongoing)
Fiksi RemajaNaranasan nyo na ba ang maging STALKER sa isang taong manhid at hindi marunong ngumiti.? Kase ako Oo. Grabe, yung feeling na isang tingin ko pa lang sa kanya nag ka crush na agad ako. Eto ang tinatawag na “crush at first site”. Kung ganon hindi ko n...