Chapter 12> Time to STALK (MILFA’s Version?)
AKI’s POV
Naiinip na ako sa house.. Tamad na din akong mag ps3.. sawa na ako sa PS-Vita. Ahh bibili nalang pala ako ng book.. Para may mabasa na ako.. Tsaka iyong latest collection na action figure ni dante..
“Watari asan iyong kotse ko.. Iyong bago ha.. gagamitin ko..”-ako
“Eh master alin po dun.. kase mga 5 po iyung bago eh..?”- haisstt.. anu ba naman iyan..
“iyong Lamborghini na lang..”- kainis mababadtrip na naman ako..
“ah ok po master,, “-tapos umalis na sya kaya naman naghanda ako sa pag alis..
Later on..
Andito ako sa may book store at pumipili ng mga new books na magaganda.. Mas gusto kong magbasa ng mga about sa mga fiction..
Te-teka nga.. Tsk.. At ano naman ang ginagawa ng babaeng luka lukang eto dito sa labas ng booksore.. Hindi ako pwedeng magkamali.. Kase sya lang naman ang nakikitang kong pang araw araw ang pagco-cosplay eh..
Tapos ngumiti sya.. pa-parang ano ah.. parang pamilyar iyong ngiti nya.. saan ko ba nakita iyon..basta pamilyar eh..haisst pakialam ko ba.
Binayaran ko na iyong mga books. Ilan ding libro eto.. at saktong pag-labas ko, ang luka luka bigla na lang tumawid.
Hindi nya yata nakita iyong sasakyan na parating kaya naman tinakbo ko na sya.. sira talaga..
“MAGPAPAKAMATAY KA BA?”- sigaw ko sa kanya.. asar eh.
“Sa-salamat eh kasi--”- haisst..bakit ko ba ito pina-pakialamanan
“Sa susunod kung magpapakamatay ka dun ka nalang sa tulay tumalon para hindi ka nakaka abala!”- nang-aabala pa ng ibang tao..
“BItiwan mo na ako bibili pako nung pagkain ko dali na- haistt.. kaya pala mukhang maputla sya..
“Halika ka na ihahatid na kita” –suggest ko na lang.. mabait yata ako.?
“Wait wag na baka---”-tatanggi pa talaga..
“Tsk”- higitin ko nga.. pasaway pala sya..
Dinala ko na lang sya sa isang Chinese restaurant. At dito pinakaen. Hindi na ako umorder kase wala talaga akong ganang kumaen. Kahit kelan hindi ko ata nahiligan ang kumaen pero ang isang ito.. tsk tsk..
Grabe naman kumaen ang isang ito.. Parang wala ng bukas. Ganito ba talaga kumaen ang isang ito.?
“Ahh bakit ka nga pala naligaw dito sa lugar na ito?”- sya
“Bumili ako ng libro”-tsismosa naman..
“Ahh okay”-sya. Buti naman at hindi na nagtanong pa. Ayoko kasing makipag usap ngayon eh.
“Sige aalis nako”- nag-paalam na lang ako..
“Okay”- parang nalungkot ata sya.. paki-alam ko ba..
Lumabas na ako.. naglalakad lakad tapos may kumakanta.. medyo madaming tao.. maganda din naman iyong boses nung nakanta.. kaya naki tingin na din ako.
At pag tingin ko sya pala ang nakanta. Ang babaeng cosplay adik.. teka ano nga ba ulit pangalan nya. Sinabi nya dati nung nagpunta ako sa kanila nung nakaraan para isoli iyong cp nya.
Parang may Mil iyon eh.. Mik-Mik ba? Hindi hindi ano nga ba..? ahh MilKa.. yun nga.. pang chocolate ang pangalan..titig na titig ako sa kanya kase iniisip ko ang namen nya.. tapos nakatitig din sya saken habang kumakanta sya..
At nung natapos na iyong kanta eh umalis na sya bigla.. Ibang klasng trip talaga ng chocolate na iyon..
Bakit chocolate? Eh kase pang chocolate iyong pangalan nya. MILKA kase. Eh may tatak na chocolate na milka..
Makapunta na nga sa last destination ko. Sa tindahan ng mga anime action figure. Sasaglit lang ako.
Tapos biglang anu naman to.. bakit andito ang chocolate na ito.
“Ikaw?”- natanong nya saken.
“Bibilhin ko to”- hindi ko sya pinasin at kinuha ko nalang itong action figure ni Dante ng Devil May Cry.
“Mahilig ka pala dyan hehehe”-sya.
“Naglalaro kasi ako nito sa PS3 eh kaya nag ka interes ako, teka bakit ba ko nag papaliwanag sayo. Tsk. Dyan ka na nga ”-argghh. Bakit ba ako nagpapaliwanag.
“Bakit kahit san ako pumunta nandun ka?”- sya yan.assuming naman..
“Wag kang feeling. Balak ko talagang bumili nito, para feeling ko iyung character ko eh buhay dyan sa tabi ko”- bakit ba ako nakikipag-usap sa isang ito.
“Akala ko ini-stalk mo ako eh”-wow ha.. ako pa ngayon ang stalker.
“Wag kang magpatawa kasi di ka nakakatawa. At kung feeling mo ini-stalk kita nagkakamali ka kasi sa pag kakaalala ko eh ikaw ang stalker dyan”- makalabas na nga..
Punpunta na lang ako sa Mcdo.. ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.
Bakit ang dami naman ng tao dito. Tsk pakialam ko ba sa kanla.. buti may isa pang bakante na mesa kaya dun na ako umupo. Pandalawahan lang iyong upuan eh..
Nakita ko na nama—what the..? Oo. Sya na naman.. haisstt.. kinawayan ko sya.. lumpait naman sya agad at umupo sa harap ko.
“Ikaw yata ang nag-i-stalk dyan eh. Anung ginagawa mo dito.?”-ako
“ho-hoyy…. Hindi noh. Nagkataon lang na dito ko gustong kumaen at malay ko na andito ka din pala.. mmfff”- malay daw.. alam ko na.. tamang tama lang pala ang pagkikita namen..
Tapos na akong kumaen.. at sya grabe ha.. anong bilis nyang kumaen.. kaka upo lang nya tapos malapit na syang matapos agad kumaen..? ayos din ah..
Tumayo na ako at may ini-binigay ako sa kanya na nakalagay sa paper bag at ipina seal ko pa para secured. Napatingin sya saken nung ibinigay ko iyun..
Pero bago ako umalis may last word ako..
“Pag-aralan mo at pag butihang maige..?”- tapos walang lingon-likod akong lumabas ng fastfood chain..
Hindi ko alam pero parang napangiti ako nung naka-nga nga lang sya nung ibinigay ko sa kanya iyun. Ah ewn.. hindi ko maintindihan.. Pakialam nyo ba.. Maka uwe na nga lang.. tskk
(eto po sa side yung picture ni AKI na naka slight smile sya ^----* >>>>>>>>>>>>>
.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Don't forget to VOTE and COMMENT >.<
BINABASA MO ANG
Stalker si Cosplayer (ongoing)
Fiksi RemajaNaranasan nyo na ba ang maging STALKER sa isang taong manhid at hindi marunong ngumiti.? Kase ako Oo. Grabe, yung feeling na isang tingin ko pa lang sa kanya nag ka crush na agad ako. Eto ang tinatawag na “crush at first site”. Kung ganon hindi ko n...